Chapter 17 Silly Games

4.5K 411 140
                                    

"Hindi lahat ng mahal mo ay mahal ka rin."


Angie POV


"Angie -" Parang naiinis niyang bigkas.

Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy. "... and that you're already married -"

"I'm not really married!"

Mukhang ikinagulat din niya ang sinabi. Gulat na gulat na nakatitig kami sa isa't isa. Tipong 'yong orasan tumigil bigla.

"W-What?" Hindi ko alam kung tama ba 'yong pagkakadinig ko o namali lang ako.

Marahas siyang napabuntong-hininga. "I-I mean, I am married but not -" Napabangon siya sa kama. "You know what? Let's forget it!" Napasuklay siya sa buhok. "Let's stop this nonsense, silly games!" Tsaka naiinis na muling nahiga patalikod sa direksyon ko.

Nonsense? Silly games? So tingin niya laro lang 'to? At nonsense? Nonsense talaga?!

'Yong pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig. At siya pa itong may ganang magalit e siya itong may inililihim?

At anong ibig niyang sabihin? That she's not really married to Caleb? Teka lang, naguguluhan ako.

Napatingin ako sa kanya. Panay ang naiinis na pagpalatak niya at ang marahas na pagbugso niya ng hininga.

"Erich -"

"Please, Angie matulog ka na." Mariing sabi niya habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Pero kailangan nating mag-usap -"

Natigilan ako ng bigla siyang bumangon at humarap sa akin nang may iritasyon sa mga mata. "Wala tayong dapat na pag-usapan. And please!" Kulang na lang ay sigawan niya ako. "Tama na. Tigilan mo na 'to, utang na loob."

Inirapan pa nga niya muna ako bago muling tumalikod ng higa. Ako na parang nakalutang ang utak dahil sa hindi ko naiintindihang sitwasyon ay naiwan pa ring nakatitig sa likod niya.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa ganoong posisyon hanggang sa napatihaya ako ng higa at blangko ang isip na nakatitig sa kisame. Napapikit ako at pinilit ang sariling makatulog. Pero hanggang sa panaginip ko ay inaaway niya ako...

Paggising ko kinabukasan ay wala na si Erich sa tabi ko. Agad na nagbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Kung papaanong 'yong masayang tagpo ay nauwi sa hindi magandang usapan at bangayan.

Kulang ang siglang bumangon ako ng kama at nagdiretso sa banyo. Maging nang naliligo ako ay tumatakbo pa rin ang isip ko sa mga nasabi niya sa akin kagabi.

Nonsense? Huh!

Saktong palabas na ako ng kuwarto nang matapos akong makapagbihis ay siya namang pag-akyat niya ng hagdan. Mukhang kagagaling lang niya sa kanyang morning run. Hindi kami nagpansinang dalawa. Maging nang magtungo na kami sa school. Sa backseat ako naupo na ipinagtaka ni Lino pero hindi siya kumibo.

Kahit nang magklase na siya ni minsan hindi ako tumitingin sa harapan. Nakayuko lang ako at kunwaring abala sa pagte-take down notes kahit na sa totoo lang ay lumilipad ang isip ko. Napakatahimik ko sa buong maghapon.

Maging noong umuwi kami ng hapong iyon, wala pa rin akong imik at hindi kami nag-uusap o nagpapansinan ni Erich. Nakakahalata si Lino pero nagpapasalamat ako na hindi niya iyon pinupuna. Nauna nang umakyat ng kuwarto si Erich ng matapos itong kumain, idinahilan niya na marami pa daw siyang gagawin.

Nang umakyat ako ng matapos kong tulungan si ninang na maghugas ng pinggan ay nagdalawang-isip ako kung tutuloy ba ako sa kuwarto niya o hindi. 'Yong huli ang ginawa ko. Sa kuwarto ni Lino ako nagpunta.

ABKD Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon