Chapter 34 I'm Here

4.2K 363 111
                                    

"Huwag na huwag mong pakakawalan ang isang taong ginagawa ang lahat para maipadama sayo araw-araw kung gaano ka kamahal at kahalaga. Hindi lahat nakakahanap ng kagaya niya." 


Angie POV


Sa opisina ako dumiretso pagkagaling sa Matalinhaga. After ng meeting ko kinahapunan ay saka lang ako umuwi ng bahay. Agad akong sinalubong ni mama kasama si Calibre.

"Na-miss mo ba ako ha?" Binuhat ko ito at niyakap. "Soon ipapakilala ko sayo ang isa pang mommy mo. Hmm?" Kausap ko dito.

"O?" Bati ni mama sa akin ng humalik ako sa pisngi niya. "Ba't parang tumaba ka yata?"

Natawa ako ng marahan tsaka siya inakbayan papasok ng bahay. Tuwang-tuwang nakasunod sa amin si Calibre.

"Kaya nga ma e." Sabay himas sa tiyan. "Masarap pong magluto ang mga taga-Matalinhaga."

Tinatalon-talon ako ni Calibre na parang nagpapakarga ulit. Ang laki-laki na nga niya e. Ang bigat-bigat na rin.

"Hay naku, miss na miss ka ng asong 'yan! Palaging nasa gate, nag-aabang." Balita ni mama.

Kumuha ako ng dog treats tsaka ibinigay ito kay Calibre. Masaya na siyang nahiga sa sahig para papakin ang ibinigay ko.

Lumapit ako kay mama at naglalambing na niyakap siya mula sa likod habang nagpe-prepare siya ng hapunan.

"Na-miss po kita, ma." Malambing na sabi ko. "Sama ka sa akin sa susunod."

"E sinong tatao dito kung sasama ako sayo do'n?" Sagot niya.

Kumalas ako ng yakap at naupo sa mataas na stool paharap sa kanya. Pinanood ko ang bawat galaw niya sa kusina.

"Ma," Bigkas ko. Sinagot lang niya ako ng sulyap. "Nagkita kami ni ninang Susan." Balita ko.

Saglit siyang natigilan at tumingin sa akin pero wala namang sinabi.

"Patay na pala si ninong." Pagbibigay-alam ko. Hindi pa rin siya kumikibo. "Tsaka di na maganda ang kalusugan ni ninang simula no'n."

Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko kita ang kanyang facial expression. Inabala niya ang sarili sa paghahalo ng niluluto.

"Kami na ho ni Erich." Hayag ko.

Natigilan siya sa ginagawa tsaka mabagal na pumihit paharap sa akin. Wala akong mabasang kahit na anumang emosyon sa kanyang mukha.

Napabuntong-hininga siya tsaka naglakad papalapit sa akin. "Anak, ba't parang ang bilis naman yata?" Bigkas niya. "Halos mahigit isang buwan ka pa lang doon ha?"

"Ma," Sambit ko. "Mabilis na po ba 'yong ilang taon ako naghintay para makasama siya? Alam mo naman po kung anong pinagdaanan naming dalawa."

Napatitig siya sa akin. "Galit ba sayo ang ninang mo?"

Napailing-iling ako. "Tanggap niya po ako. Para na daw po niya akong anak."

Hindi na siya kumibo. Tumayo ako sa kinauupuan at muli siyang nilapitan. "Ma, ang dami pong pinagdaanan nina Erich dahil sa nangyari noon. Alam mo bang nawalan siya ng trabaho dahil sa ginawa ni papa?" Saad ko. "Namatay si ninong dahil din sa nangyari." Napatingala siya sa akin. "Opo, ma. Namatay si ninong dahil nalaman niya 'yong ginawa ni papa sa kanyang pamilya. Hindi nakaya ni ninang ang nangyari kay ninong kaya na-depressed siya ng todo. Buti nga ngayon medyo okay na siya e."

Hindi pa rin siya kumikibo pero mahahalata naman sa kanyang mukha na lumambot ang kanyang damdamin para kina ninang.

"Mahal na mahal ko po si Erich, ma." Pagpapaintindi ko. "Alam mo po 'yon. Simula pa noon wala na akong ibang gusto kundi siya."

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now