Chapter 46 There's Only You & Me

3.8K 336 118
                                    

"Ang pag-ibig ko sa iyo ay maihahalintulad sa malalim na dagat, at umaabot hanggang sa nakikita ng mga mata. Ganyan kita kamahal."


Angie POV


Isang naiiritang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakahiga sa kama at nakatulalang nakatitig sa kisame. Kanina pa ako bagot na bagot. Nakakairita. Napatingin ako sa orasan sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Malapit ng mag-alas tres ng hapon. Napakunot-noo ako.

Ba't hindi yata nagpunta dito si Erich? Nagtatakang tanong ko sa isip.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong lumabas ako ng hospital. Tatlong araw na rin na bagot na bagot ako dito sa bahay. Hindi naman ako makapamasyal dahil ayaw ako payagan ni mama, lalong-lalo na si Erich. Haist. Masyado nila akong ginagawang bata. Tsk.

Bumangon ako sa kama at napatingin sa labas ng bintana. Nahagip ng paningin ko ang mga larawang nakadikit sa dingding. Bumaba ako ng kama at hindi inaalis ang mga tingin ditong naglakad ako papalapit.

Base sa mga larawan, makikita ang mga kasiyahan sa mga mukha ng mga taong laman nito. Napahawak ako sa larawan namin ni Erich na nakangiti ng malawak. Nakaakbay ako sa kanya habang nasa likod ko naman ang kanang braso niya. Parang kuha yata 'to sa tabing dagat base sa background. Kung sino man ang kumuha nito, napakagaling niya at kuhang-kuha niya ang saya sa aming mga mukha.

May lungkot ang ngiting gumuhit sa aking labi. Bakit hindi ko ito maalala? Bakit kahit kapiraso lang ng sayang nakikita ko ay hindi ko matandaan?

Inaamin ko, nabigla ako at nakaramdam ng pagdududa ng sinabi niyang girlfriend ko siya noong nagising ako sa hospital. Natural lang naman siguro iyon, hindi ba? 'Yong wala kang maalala tapos may magsasabi sayong girlfriend mo siya, tiyak na magdududa ka, malilito...

Ngunit sa pagdaan ng bawat oras na nakasama ko siya noon sa hospital, napapaisip ako kung bakit marahil nagustuhan siya ng dating ako. Not only is she very beautiful, but she seems kind and caring. Kung iisipin, napakaswerte ng dating Angie na magkaroon siya ng ganitong mapagmahal na girlfriend. Pero siya kaya? Pakiramdam din kaya niya na swerte siyang magkaroon ng girlfriend na katulad ko?

At sa pagdaan ng araw na nakakasama ko siya, puso ko na ang didikta. Tiyak kong mahal na mahal ito ng dating si Angie... 'Yong pakiramdam na tiyak na gagawin nito ang lahat mapasaya lang niya ang babaeng ito.

Sa isiping iyon, lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nahanap ko si mama na nasa labas ng bahay.

"Ma." Bigkas ko ng makalapit sa kanya. "Saan po dito ang bahay nina ninang Susan?" Clueless na tanong ko.

"Diyan sa kabilang kanto." Sabay turong sagot ni mama. "Sa unang likuan. Makikita mo din agad dahil may nakalagay na apelyido sa gate nila." Pagpapatuloy niya. "Ba't mo tinatanong?"

"Pupuntahan ko sana si Erich." Sagot ko. "Nababagot ako dito sa bahay."

Hindi siya agad nakakibo. "Siya sige, pero huwag kang magpapagabi ha? Baka makasama sayo. Tandaan mo hindi ka pa masyadong magaling." Pagpayag niya.

May nakita akong parang bagong-bagong motor pa sa garahe at isang lumang tricycle na halatang ilang taon ng di nagagamit. Pero hindi ko na itinuloy ang nasa isip na gamitin 'yong motor tiyak na hindi papayag si mama. Kaya naman naglakad na lang ako. Exercise ko na rin 'to.

May mga nakakasalubong akong kapitbahay na bumabati sa akin. Wala akong maalala kahit ni isa sa kanila pero ibinabalik ko pa rin ang kanilang pagbati. Parang ang sayang tumira dito. Masaya siguro ang buhay ko dati. Haist... gustong-gusto ko ng makaalala.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now