Chapter 36 All For Love

4.3K 355 157
                                    

"Hindi ako perpektong tao. Nasasaktan rin tulad mo. Umiiyak at natutuwa kagaya ng iba. Pero mayro'n akong kayang gawin na hindi nila kaya. 'Yon ay ang manatili sa tabi mo, intindihin at tanggapin ka dahil mahal kita." 


Erich POV


Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at sandaling na-disorient ang utak sa kung nasaan ako at sa kung anong ginagawa ko rito. Napatingin ako sa gawi ng hospital bed. Mukhang hindi pa gumigising si mama. Kinusot-kusot ko ang mga mata at napahikab. Napatingin ako sa suot na wristwatch kung anong oras na. It says, it's already seven fifteen in the morning. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi. O baka mag-uumaga na.

Saglit lang akong natigilan ng marinig ang mahinang paghilik na iyon mula sa likod ko at maramdaman ang may kabigatang kamay na nakapatong sa bandang balakang ko. Maingat akong gumalaw sa kinahihigaan para hindi mahulog at maiwasang magising ang katabi sa mahabang sofa.

Tulog na tulog pa si Angie. Pilit naming pinagkasya ang aming mga sarili sa sofa. Sa tangkad niya, bahagya siyang nakabaluktot kaya naman naipit 'yong mga paa ko sa pagitan ng kanyang mga binti.

Gumuhit ang isang napakusyong ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Mapapansin na rin ang medyo maitim ng eyebags niya. Sa pagod at puyat na rin. Mag-aalas onse na nag gabi ng dumating siya dito.

Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Na kahit gaano kalayo ang Manila ay sinubukan pa rin talaga niyang umuwi dito para daluhan kami.

Napahawak ako sa kanyang pisngi at masuyo siyang hinaplos dito. Ano na lang kaya ang iniisip ng mga nurses na pumapasok from time to time para i-check si mama sa ayos namin ni Angie? Well, I'm quite learning to not care anymore. As long as we're happy, at wala naman kaming naaapakang ibang tao, hahayaan ko na ang iba na humusga pa. Hindi ko na iisipin pa kung anong sasabihin nila.

"Hmm." She groaned.

Hinintay ko siyang magising ng tuluyan. Dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata at direktang tumingin ito sa akin. Mahahalata ang pagkalito nito ng ilang sandali hanggang sa marahan niya akong hinapit palapit sa katawan niya. Dikit na dikit na kami sa isa't isa.

"Good morning, love." Bati niya sa paos pang tinig tsaka ako ginawaran ng masuyong halik sa noo.

"Good morning." Balik ko habang nakahawak pa rin sa kanyang pisngi. "Hindi ka ba babalik ng Manila?" Tanong ko.

Bahagya siyang napakunot-noo. "Mas importante ka kaysa sa gagawin ko do'n." Sagot niya.

Kahit nakakaramdam ako ng pagkakonsensya, hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi niya.

"Bakit? Pag ako ba ang nagkasakit, mas uunahin mo pang magtrabaho kaysa sa alagaan ako?" Tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Napailing-iling ako. "No... of course not."

"See?" She said. "Gano'n din ako." Pagpapaintindi niya. "Kaya huwag ka ng mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano pa."

Ngumiti ako sa kanya tsaka napatango.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin para gawaran ako ng halik sa labi. Akala ko pa naman mabilis lang. Buti na lang at tumunog ang cellphone niya kaya tumigil siya.

Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga, kasunod siya. Tinignan niya kung sino ang tumatawag.

"Si mama." Aniya. "Sasagutin ko lang." Tumayo na siya tsaka naglakad palabas ng kuwarto. "Ma?" Narinig kong bati niya sa kausap ng sagutin niya ito bago sumara ang pinto.

ABKD Mahal KitaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα