Chapter 18 Make or Break

4.6K 416 188
                                    

"Minsan kahit ilang beses sabihin ng utak mong TAMA NA ngunit pilit pa ring kinukumbinsi ito ng puso mong KONTING TIIS PA."


Angie POV


Awtomatiko akong nagmulat ng mga mata ng marinig ang pagtunog ng call alert tone ko. Nasa magkabilang tainga pa pala ang headset ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala akong basa ang mga mata.

Haist... akala ko pa naman totoo na 'yon. Akala ko pa naman nandito si Erich at sinusuyo ako. Akala ko lang pala... panaginip lang pala ang lahat. Sabagay, napaka-imposible naman kasing pupuntahan niya ako dito pagkatapos ng mainit na pagtatalo namin kanina sa loob ng kanyang sasakyan. Kulang na lang ay mag-apoy ang mga mata namin sa sobrang emosyong nararamdaman.

Napahilamos ako sa mukha tsaka dinampot ang cellphone ko.

"Aray!" Agad akong napangiwi ng maramdaman ang pagkirot ng kanang kamao ko.

Bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kaya naman 'yong kaliwang kamay ko na lang ang ginamit na pangdampot sa cellphone ko. Si Lino pala ang tumatawag.

"Hello?" Medyo malat pa ang boses ko ng binati ko ito mula sa kabilang linya.

"Hoy, nasa'n ka na?!" Kababakasan ng pag-aalala ang kanyang tinig. "Gabi na o!"

Bumangon ako sa kama. Ang dilim na ng paligid. Hindi ko pala nabuksan ang ilaw kanina. "Nandito ako sa bahay."

"Kanina ka pa hinahanap ni mama!" Parang naiiyak ang boses niya. "Alalang-alala na kami sayo bakla ka!"

"O sige, papunta na 'ko diyan." Tugon ko.

"Gusto mo bang sunduin na kita diyan?" Puno ng simpatyang tanong niya.

"Hindi na." Sagot ko. "Sige na." Tsaka ibinaba na ang tawag.

Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay maingat akong bumaba ng hagdan. Napabuntong-hininga ako habang iginagala ang paningin sa madilim na paligid. Ang lungkot ng bahay namin. Gustong-gusto ko ng umuwi dito.

Ini-locked ko ang gate ng makalabas ako ng bakuran. Maglalakad na sana ako ng tumigil ang isang kulay puting Mitsubishi Expander sa tapat ko.

"Angie!" Sigaw ni Wheyn ng maibaba niya ang bintana sa frontseat at matanaw ako. "Saan ang punta mo?"

Hindi ko na sana siya papansinin pero para namang nakakakonsensya. "Sa bahay nila Lino."

"Halika, idaan na kita!" Presenta niya.

Tatanggi sana ako ng maramdaman na naman ang pagkirot ng kamay ko. Kaya naman napilitan na akong sumakay ng pinagbuksan niya ako ng pinto. Isa pa, parang tinatamad akong maglakad.

Pasulyap-sulyap siya sa gawi ko habang mabagal ang patakbo niya. "Nabalitaan ko 'yong nangyari kanina." Sabi niya.

"Ah 'yon ba?" Walang emosyong bigkas ko.

"Kumusta ka?" Bakas ang kanyang pag-aalala. "Ayos ka lang ba?"

Napabuntong-hininga ako. Buti pa 'tong si Wheyn ang bait-bait sa akin. Nag-aalala din para sa akin. Hindi kagaya no'ng isa.

"Okay lang." Tipid kong sagot.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng nakabukas na gate nila Lino. Bumaba si Wheyn para pagbuksan ako ng pinto. Nakita kasi niya ang pagngiwi ko kanina ng bubuksan ko na sana ang pinto.

"Salamat." Napangiti ako sa kanya ng tipid.

"Kaya mo na ba?" Nag-aalala niyang tanong sabay napasulyap sa kamay kong nasaktan.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now