Chapter 22 As Long As...

4.6K 456 224
                                    

"Sabi nila pag nagmahal ka, sa una talagang masaya, tapos masaya... tapos medyo masaya... tapos masaya ng konti... hanggang sa dumating sa point na 'parang' masaya ka na lang."


Angie POV


Napapatingin ako sa paligid habang papasok ang sasakyan ko sa loob ng compound kung saan kami noon nakatira. Maraming nagbago o na-develop. Kagaya ng wala naman noon ang parke sa gitna ng compound. Mga puno iyon dati na inaakyat namin noong mga bata pa kami. Tsaka 'yong bahay nina Mang Istong na dati ay bongalow ngayon two-storeys na. Nakakatuwa na 'yong mga pagbabagong iyon ay sign of progress.

Napangiti ako ng madaanan ang ilang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Parang nakikita ko sa kanila ang batang ako. Tinatawag noon ni mama para maligo. At pag ayaw ko pa umuwi, pupuntahan niya ako para pingutin. Tsaka buhay pa hanggang ngayon ang sari-sari store ni Aling Esang kung saan kami nagmemerienda ng mga kaibigan ko pag tapos na kaming maglaro ng tumbang preso.

Bahagya kong binagalan ang pagpapatakbo ng nasa tapat na ako ng bahay nina Lino. Pasilip-silip ako sa kanilang bakuran. Walang ipinagbago bukod sa malapit ng malumang pintura ng kanilang bahay. Wala din akong nakitang sasakyan sa kanilang garahe.

Napapaisip na nagpatuloy ako sa paglalakbay patungo sa aking destinasyon. Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng lumang bahay. Kapansin-pansin ang mga naglalakihang damo sa paligid. Halatang ilang taon itong nabakante at di natirhan. Ang dami na ring damo na kumapit sa kinakalawang na gate.

Bumaba ako ng sasakyan para buksan ang gate. Umingit ang bakal nito ng buksan ko. Muli akong pumasok sa loob ng sasakyan para ipasok ito sa ng bakuran. Pinatay ko ang makina bago bumaba ulit.

Napabuntong-hininga ako sabay iginala ang paningin sa paligid. Napangiwi ako sa isiping mahihirapan akong ibalik ito sa dati. Lalo na 'yong paglilinis. Hindi ko yata makakaya itong mag-isa.

Naglakad ako patungo sa pinto at inilabas ang susi mula sa bulsa. Kagaya ng sa gate, umingit ang kahoy na pinto ng buksan ko ito. Alikabok at sapot ng gagamba ang bumungad sa akin. Napabuga ako ng hininga ng maigala ang paningin sa loob ng bahay.

 Umakyat ako sa itaas ng mabuksan ko ang mga bintana sa baba. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto ng dati kong kuwarto. Silence and emptiness welcomed me. Para bang lahat ng ala-ala ng aking pagkabata ay nandito sa bawat sulok ng kuwarto. Mabagal akong naglakad papalapit sa dingding kung saan nakapaskil ang mga larawan namin ni Lino mula pagkabata hanggang sa prom.

Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng aking mga mata habang isa-isang tinitignan ang mga larawan. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang nakatitig sa bawat masasayang litratong madadaanan ng aking paningin.

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sabay iginala ang paningin sa kabuuan ng kuwarto.

"It's time to work." Malakas na sabi ko sa sarili.

Unang ginawa ko ay tinanggal ko ang lahat ng kumot na nakatakip sa mga kagamitan. Napaubo pa ako ng magtungo ako sa stock room para kumuha ng mga kakailanganin kagaya ng bagong bedsheet at punda ng unan.

Pagkatapos kong bahagyang makapaglinis sa loob ng kuwarto ay bumalik ako sa sasakyan para kuhanin ang mga gamit ko. Mamaya ko na ise-set up ang magiging workroom ko. Saktong kabababa ko ng mga gamit sa loob ng kuwarto ay siya namang pagkalam ng sikmura ko. Ang aga kong umalis ng Manila kanina.

"First thing first." Ani ko habang nakapameywang na nakatingin sa mga gamit. "Wala akong lakas para ayusin kayo kung hindi ako kakain."

Nagpalit lang ako ng damit bago lumabas ng bahay. Kailangan ko din palang bumili ng kakailanganin sa kusina kagaya ng food supplies at iba pa. Pwede pa naman siguro gamitin ang mga kaserola at palayok noon ni mama.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now