Chapter 16 Heart of a Dragon

4.7K 430 179
                                    

"Pagdating sa pag-ibig hindi dapat laging nagmamadali. Lahat ay may tamang panahon. Tandaan, ang mga bagay na madaling makuha ay ang mga bagay na madali ring mawala."


Angie POV


"Anong sagot mo sa number five?" Tanong ni Lino sa akin.

Abala kaming gumagawa ng assignment hapon ng Lunes dito sa kanilang garden. Magkatabi kaming nakaupo sa kulay puting upuang gawa sa bakal, sa harap ng pabilog na mesa. Nagkalat sa ibabaw nito ang mga libro at notebooks naming dalawa.

"Hindi ko pa tapos masagutan." Tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya dahil abala ako sa pagsagot ng iba pang tanong.

"Parang mas maganda yata pag nandito ka, may makokopyahan ako." Komento niya.

"Sira!" Ganti ko.

"Hey, guys." Masiglang bati ni Erich nang lumapit siya sa aming kinauupuan.

Hindi ko siya napansin dahil nakatutok ang atensyon ko sa pag-iisip ng isasagot sa assignments namin ni Lino. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang dala niyang tray na naglalaman ng tig-iisa kaming baso ng pomelo juice.

"Ayos pa ba kayo?" Dinig ko ang pang-aasar sa kanyang tinig. "Kaya pa ba?"

"Ate naman kasi!" Reklamo ni Lino. "E kung sabihin mo na lang kaya sa amin ni Angie 'yong sagot sa ipinagawa mong assignment para hindi na kami nahihirapan dito."

Natawa si Erich sa sinabi ng kapatid. "Lino, hindi lahat ng bagay nakukuha sa santong paspasan o sa madaling paraan." Paalala niya. "Minsan mas masarap abutin ang isang bagay kapag pinaghihirapan." Muli niyang dagdag. "Right, Angie?"

Napilitan akong mag-angat ng tingin sa kanya. "Hmm?" Hindi ko yata naintindihan ang sinasabi niya. "Ano 'yon?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang magkapatid.

Napa-eye roll si Lino. "Tsaka nga pala ate, pwede bang pakihatid kami mamaya ni Angie kina Wheyn?"

Isa pa 'yon, nakalimutan ko may gagawin pala kami mamaya kina Wheyn. Ganito kasi ako kapag nakatuon ang konsentrasyon ko sa isang bagay, parang blurred na lang sa background ang iba pa.

"Anong gagawin niyo do'n?" Kunot-noong tanong ni Erich tsaka uminom ng juice.

"Tatapusin sana namin 'yong final performance task namin sa Science." Sagot niya. "Isa pa 'yon!" Parang stressed na stressed na bulalas ni Lino.

Napabuntong-hininga ako. "Konting tiis na lang, ano ka ba?" Singit ko sa kanilang usapan. "Isang buwan na lang o! Matatapos na ang school year. Senior high na!"

Kapagkuwa'y napangisi siya. "Isang buwan na lang din pala, debut mo na." Excited niyang sabi. "Anong plano?"

Napangiti ako. Oo nga 'no? Magde-desi otso na ako. Mas nauna ng ilang buwan sa akin si Lino.

Naputol lang ang usapan namin ng tawagin ni ninang Susan si Lino.

"Lino, halika nga muna sandali dito!" Tawag ni ninang mula sa nakabukas nilang pinto.

"Ma, busy ako!" Reklamong sagot naman niya.

Napameywang si ninang. "Sandali lang naman e!" Tugon ni ninang. "May ipapabuhat lang ako!"

"Ma, naman!" Napakamot sa ulong reklamo niya. "Ikaw na magbuhat ma, baka lumaki ang mga maskels ko!" Maarteng tukoy niya sa mga 'muscles' daw niya.

Pinandilatan siya ni ninang. "Tatalima ka ba o papalayasin na lang kita?"

Nagkatawanan kami ni Erich sa sinabi ni ninang. Panay tuloy ang reklamo ni Lino at lukot na lukot ang mukhang sumunod kay ninang.

Nakangiting napapailing-iling ako tsaka ibinalik na ang atensyon sa ginagawa.

ABKD Mahal KitaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz