Chapter 41 Thirty-Six

4.9K 350 151
                                    

"Mahal kita, at mamahalin kita hanggang sa araw na mamatay ako at kung may buhay pagkatapos nito, ikaw pa rin ang mamahalin ko."



Angie POV


"Ninang, okay na po ba 'to?" Kulang sa kumpiyansa sa sariling tanong ko kay ninang Susan.

"Patingin." Tugon niya.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko, dito sa harap ng stove para tignan ang piniprito kong hotdog.

"Hindi pa pwede 'yan." Sagot niya. "Tsaka kapag nagluluto ka ng mga frozen foods, huwag masyadong malakas ang apoy. Dahil madaling masunog ang mga 'yan pero hindi luto sa loob." Payo niya.

Hininaan ko ng konti ang apoy para hindi masunog, gaya ng payo ni ninang.

"Alam mo," Bigkas ni Lino na abalang nagkakape habang nakaupo sa harap ng mesa. "Ang malas ng ate ko sayo." Komento niya. Inirapan ko siya. "Hotdog lang hindi mo pa alam lutuin?" Sabay nang-aasar na tumawa.

"At least sinusubukan ko." Sabay irap dito.

Birthday ngayon ni E kaya naman nagpapatulong ako kay ninang na magluto ng breakfast namin. Kahit sa simpleng paraan ko man lang ay maipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko, at tsaka na espesyal ang araw na 'to para sa kanya. Inagahan ko talagang gumising para magpaturo kay ninang.

Sa totoo lang, ang kulang na lang ay ang opisyal na pagpayag ni Erich para masabing nagsasama na kami. Kasi halos dito na ako nakatira sa bahay nila. Pero umuuwi pa rin ako sa bahay paminsan-minsan. Minsan kasi dinadalaw din ako ng hiya kay ninang Susan. Ayoko namang abusuhin 'yong kabaitan niya sa akin.

Okay na din sina ninang at si mama. Minsan na napatawag sa akin si mama kinausap niya si ninang. Kaya alam ko na okay na sila. Sa susunod daw na buwan pupunta dito si mama. Nami-miss ko na rin naman siyang makasama. Tsaka mag-isa lang siya doon sa Manila.

Oo, nandoon si Maxine pero iba pa rin 'yong kasama niya ako. Ayos lang naman kahit walang tumao sa bahay doon. Habang ngang tumatagal akong namamalagi dito sa Matalinhaga, parang mas gusto ko na tuloy bumalik at dito na lang ulit tumira.

Target ko rin na ipa-renovate na 'yong dati naming bahay sa susunod na buwan. Hindi ko pa tapos 'yong plano dahil masyado na akong abala sa project namin. Naka-phase 2 na sila sa construction. At ayon na rin sa report ng sales noong nakaraang buwan, halos mabili na lahat ng slots.

Maganda kasi ang location ng ginagawa naming proyekto. Bukod sa accessibility sa mga iba't ibang facilities, affordable pa ito kumpara sa ibang real estate companies na nag-ooffer ng sa gaya namin.

"Okay na 'yan, Angie." Narinig kong sabi ni ninang Susan.

Pinatay ko na ang stove bago hinango ang niluluto. Isusunod ko ng lutuin ang sinangag. Muli ay nagpaturo ako kay ninang habang si Lino ay panay ang kantyaw sa akin. Sarap niyang ingudngod dito sa palayok.

"Siguraduhin mong masarap 'yang sinangag mo ha?" Pang-aasar pa nito. "Baka imbes na matuwa si ate, mabwisit pa sayo!"

"Ninang o!" Parang batang sumbong ko. "Paluin niyo nga po 'yang si Paulino!"

Binato ako nito ng pandesal sabay irap sa akin. Naiinis kasi siya kapag tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Pauline na daw kasi siya ngayon.

Pinagalitan siya ni ninang dahil sa pag-aaksaya ng pagkain. Bineletan ko nga siya. Tapos narinig kong sinabi ni ninang na siya daw ang maghuhugas mamaya pagkatapos kumain.

Nang matapos akong magsangag ng kanin ay agad ko ng inayos ang tray na paglalagyan ng pagkain. Baka mamaya magising na 'yon. Epic fail ang plano pag nagkataon.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now