Chapter 30 Amame Tiernamente

5.5K 425 200
                                    

WARNING: This chapter contains scenes, material, and languages that are not suitable for minors. Parental guidance is advised.

"Sex is more than an act of pleasure, it's the ability to be able to feel so close to a person, so connected, so comfortable that it's almost breathtaking to the point you feel you can't take it. And at this moment you are a part of them."


Erich POV


She held out her hand to help me get out of the car. Tinanggap ko ito at inalalayan niya akong makababa. Kinakabahan ako, and I'm trying to hide it. Hawak pa rin niya ang kamay ko ng pumasok kami sa loob ng kanilang bahay.

"Do you need anything? Water or..." Tanong niya.

Umiling ako. "No, I'm fine." Pero sa totoo lang ang lakas ng tibok ng puso ko.

Mataman niya akong tinitigan. "Are you sure?" Muli niyang tanong.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Yes."

Napangiti rin siya ng tipid. Inangat niya ang hawak niyang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Pwede bang mauna ka na muna sa itaas? Iche-check ko lang kung naka-locked 'yong pinto sa likod."

"Okay."

Muli niyang hinalikan ang likod ng kamay ko bago niya ito binitawan at nagtungo sa kanilang kusina. Noon ko pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Napatingin ako sa bandang itaas.

No turning back. No turning back. Bulong ko sa sarili.

Naglakad na ako patungo sa kanilang hagdan at umakyat sa itaas. Ang tahimik. Napakatahimik. Nang makarating ako sa tapat ng kanyang kuwarto ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura nito tsaka mabagal na naglakad papasok. The dim light in her room automatically switched on when I opened the door. I liked it. Her room is nice and cozy.

Simple lang pero maayos tignan. Parang comforting 'yong ambience. Lumapit ako sa pader malapit sa kung nasaan ang kanyang work space. May laptop, tracing papers, scale ruler, mechanical pencil, at iba pa ang nandoon. Sa bandang itaas na pader nito ay may mga iba't ibang larawan na nakadikit. Mostly mga larawan nila ni Lino simula noong mga bata pa sila hanggang noong prom. Parang kakalagay lang niya ng ibang pictures dahil recently lang ito kinuha. Noong namasyal kaming apat, kasama si mama, sa beach sa malapit.

Napangiti ako ng mapansin ang pictures naming dalawa na inilagay niya doon. Napahawak ako sa picture namin na kapwa nakangiti. Kababakasan ng kasiyahan ang aming mga mukha.

"I like this one better." Narinig kong sabi niya sabay itinuro ang picture namin na kinuha ni Lino. Na hindi ko na namalayan na nasa likod ko na pala.

Nakatalikod kaming magkahawak kamay habang nakatingin sa palubog na araw. Kung tutuusin silhouette na lang ang nakikita.

Mas lumawak ang ngiti ko. "Yes." Pagsang-ayon ko. "It's beautiful."

"Yeah..." Mahina niyang segunda. "... breathtakingly beautiful." She added.

Nang mapalingon ako sa kanya ay sa akin pala siya nakatingin. Kinuha niya ang mga kamay ko at mabagal na iniangat ang mga ito tsaka hinalikan ang mga palad ko. Napalunok ako habang pinapanood ang ginagawa niya. Ang mainit niyang labing dumampi sa aking palad ay parang nagdulot ng kiliti sa aking damdamin.

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Binitawan niya ang mga kamay ko tsaka mabagal na naglakad palapit sa kinatatayuan ko, closing the gap that separates us. May paglalambing ang kanyang mga titig ng hinawakan niya ang aking pisngi. Nananatiling naka-lock ang aking tingin sa kanyang mga mata. Hanggang sa dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha sa akin. I immediately closed my eyes when her lips already touched mine.

ABKD Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon