Chapter 13 Joyride (Part 2)

4.6K 421 157
                                    

"Ang pag-ibig ay hindi lamang basta emosyon na nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat panindigan."


Angie POV


"Pwede bang maya-maya muna tayo umalis?" Pakiusap niya nang matapos kaming kumain. "Busog na busog ako!" Sabay himas sa flat na tiyan.

"Parang hindi ka naman kumain e!" Komento ko.

"Ikaw? Nabusog ka ba?" Para siyang inaantok.

Bakit kaya gano'n 'no? Pag busog nakakaantok?

Napangisi ako. "Hindi pa ako kumakain busog na ako." Makahulugang sagot ko.

She rolled her eyes. "Whatever, Angie."

Napatitig ako sa kanya nang napasandal siya sa kinauupuan. Ang dami ng tao dito sa loob ng fastfood store. Lunch break na kasi. Napalinga-linga ako sa paligid, may mga nangangailangan ng mapagpupwestuhan. Tumayo na ako sa kinuupuan.

"Sa labas na lang tayo tumambay." Aya ko sa kanya.

Tinatamad na tumayo na rin siya.

"Akin na 'yan." Kinuha ko mula sa kanya ang hawak na paperbag tsaka siya hinawakan sa siko para igiya palabas ng kainan.

Sa dami ng tao halos magsiksikan na sa loob kaya nakadikit ako sa kanya para iiwas siya baka mamaya masaktan pa.

"You know what?" Sambit niya ng makalabas na kami sa wakas. "You don't have to protect me. Ako ang mas nakakatanda. Ako ang ate kaya -"

"Isa pang sabi mo ng ate diyan, hahalikan kita." Banta ko.

Agad siyang tumahimik.

Iginiya ko siya paupo sa konkretong upuan sa gilid ng lobby ng mall.

"Ba't parang hindi mo yata sinusuot 'yong wedding ring mo?" Puna ko ng makitang wala siyang suot na wedding ring.

Napatingin siya sa mga kamay na nasa ibabaw ng mga hita. Mabilis niyang itinago ang mga kamay.

"N-nakalimutan kong isuot." Dahilan niya habang nakatingin sa ibang direksyon, sa mga taong dumaraan.

"Palagi mong nakakalimutan?" Usisa ko pa.

Seryoso ang mukha niya ng magbaling sa akin ng tingin. "Ba't ka ba interesado sa wedding ring ko?"

Nagkibit-balikat ako at hindi ko pinansin ang iritasyon sa kanyang tinig. "Paano kayo nagkakilala?"

Mataman muna niya akong tinitigan bago napabuga ng hininga. "I met him in grade school." Sagot niya kapagkuwan. "We instantly became close. We're best friends." May bahagyang ngiti sa kanyang labi. "Just like you and Lino."

"Ah," Napatango-tango ako. "So bakla siya?"

Mabilis siyang nagbaling ng tingin sa akin. Baka masira ang araw niya kaya ngumisi ako sabay peace sign. Inirapan lang niya ako.

"Ayaw ba niyang tumira dito?" Tanong ko.

Honestly, hindi ko pa siya nami-meet in person. Pero nakita ko na ang pictures niya sa mga post niya at ni Lino sa Facebook. Sa London naman kasi sila nagpakasal noon. Then minsan pa lang yata nagpunta dito sa Pilipinas si Caleb. Hindi ako nagpunta noon sa kanila ng nag-aya sila noon ng dinner. Nagdahilan ako kay mama na may LBM.

Ano ako, masokista? Ano? Papanoorin ko silang dalawa gano'n?

 "May work siya sa London." Sagot niya. "Hindi niya maiwan."

"E ikaw?" Patuloy ko sa pag-usisa. "H-hindi ka ba uuwi doon para makasama siya?"

Napatingin siya sa akin. "Sa ngayon... no." Sagot niya. "Besides..." She paused. "I want to stay here." Tsaka ngumiti ng tipid.

ABKD Mahal KitaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora