Final Chapter

7.8K 462 262
                                    

"Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait; ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang; hindi ito mayabang o bastos. Hindi ito nagpipilit sa sarili nitong paraan; ito ay hindi magagalitin o nagagalit; hindi ito nagagalak sa kalikuan, kundi nagagalak sa katotohanan." 1 Corinthians 13:4-6


Angie POV


"Ayos na po ba ang lahat, ma?" Kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa mga bisitang dumarating at nagtutungo sa maayos na nakahilerang mga upuan sa magkabilang aisle.

"Oo, maayos naman ang lahat, anak." Sabi niya saka inayos ng konti ang suot kong puting tuxedo.

"Hoy, wag ka masyadong kabahan mamaya niyan mahimatay ka pa." Pagpapanatag ni Lino sa akin.

"Kasi naman!" Hindi mapakaling napapabuga ako ng hangin. "'Yong kaba at excitement ko nandito na!" Sabay turo sa sa taas ng dibdib.

Sa totoo lang ay kagabi pa ako kinakabahan. Nae-excite ako na hindi ko maintindihan. Hindi nga ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa araw na ito.

"Huwag kang mag-alala sisiputin ka ni ate!" Patuloy na biro ni Lino.

"Subukan lang niyang hindi, hahabulin ko siya hanggang next life." Ganti ko sa biro niya.

"Angie!"

Napatingin ako sa mga kaibigan namin ni Lino noong high school, dito sa Matalinhaga. Kadarating lang nila.

"Uy congrats ha?!" Sabay lahad ng kanilang kamay sa akin bilang pagbati.

"Maraming salamat. Akala ko hindi na kayo pupunta." Tugon ko.

"Pwede ba naman 'yon? Wedding of the year kaya 'to?" Tugon ni Chito, isa sa mga barkada noon ni Wheyn. "Di ba, Wheynik?" Sabay baling sa katabi.

Napapakamot sa batok na lumapit sa akin si Wheyn. Hindi niya malaman kung kakamayan ba ako o tatapikin sa balikat.

"Congratulations sa inyo Angie." Parang nangingilid pa ang mga luha nito.

"Salamat, Wheyn." Nakangiting tugon ko. "Huwag ka ngang mag-senti diyan!" Brusko ko itong niyakap. "O hayan, pampalubag loob." Biro ko na ikinatawa na niya ng mahina.

"Masaya ako para sa inyo. Sa tindi ba naman ng mga pinagdaan ninyong dalawa, deserve niyong maging masaya." Saad niya na kababakasan ng sinseryo sa mukha.

"Maraming salamat ulit, Wheyn." Nakangiti ng masuyong sagot ko.

Naupo na sila pagkatapos. Maya-maya ay dumating na rin si Mrs. Manzano, ang School Principal ng MNHS. Kasama nito ang ilang guro at dating guro ng eskwelahan na naging kasama ni Erich noon sa pagtuturo.

"Congrats, Angie." Masayang bati niya sabay kinamayan ako.

"Maraming salamat po, ma'am." Tugon ko. "At buong puso po akong nagpapasalamat dahil sa pagpayag ninyong dito sa stadium ganapin ang kasal namin."

"Ano ka ba? Para naman kayong iba sa amin." Nakangiti nitong sabi.

Nagpaalam na muna sila sandali para magtungo sa kani-kanilang upuan. 

Hindi naman sa nagtitipid kami ng venue, pero dito sa school ground namin napiling gawin ang seremonyas ng kasal dahil marami kaming ala-ala dito ni E. Na kahit ang iba ay di pa nagbabalik sa isip ko, pero ramdam na ramdam naman ito ng puso ko.

Nakita ko 'yong sinuntok ko noong high school. Akalain mo? Isa na pala ito sa mga guro ngayon dito?

"O, sir!" Sabay nakangising saludo dito.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now