Chapter 26 All Too Well

5K 442 208
                                    

"May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan. May mga tao na kahit napapasaya ka ay kailangan mong iwasan. May mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan. At may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang nahihirapan. Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli ay ikaw rin ang masasaktan."


Erich POV


Pagkatapos kong mailagay ang mga labahin sa washing machine ay napasandal ako sa pader. Napatingin ako sa manuscript at laptop na nasa ibabaw ng pabilog na mesa na hanggang ngayon ay di ko pa masimu-simulan gawin. My mind is always pre-occupied.

Tumawag kahapon si Gregorie, kapatid ng Editor ko, fina-follow up 'yong tinatanong niya sa akin kung pwede daw bang maulit 'yong paglabas namin pero sinabi kong hindi pwede. Na kung maaari ay i-maintain na lang namin ang professional relationship na mayro'n kami.

Naalala ko 'yong naging pag-uusap namin ni Angie noong Sabado. I admit, gumaan ang loob ko. Para akong natanggalan ng isang mabigat na dinadala. Siguro iyon talaga ang kailangan naming dalawa, ang makapag-usap ng masinsinan. Para may closure kami sa nakaraan. Mas maganda talaga kung 'yong taong mismong nagpapabigat sa dalahin mo ay makausap mo at masabi sa kanya lahat-lahat. Parang pagkatapos no'n, makakahinga ka ng maluwag. Tipong natanggalan ka ng tinik sa dibdib.

I forgave her. Nasaktan siya, nasaktan ako... tapos na 'yon. Besides, hindi ko na maibabalik pa ang kahapon. Whatever happened in the past, should not affect what we want for our future. Tsaka sino ba naman ako para hindi magpatawad?

But since then, hindi na kami ulit nagkita ni Angie. I don't know, siguro busy na rin siya sa trabaho.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng pumasok sa loob ng laundry room si Lino na halatang kakagising lang. Napakunot-noo ako.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko.

Dumiretso siya sa lamesa at parang inaantok pang napangalumbaba doon. "Hindi." Tsaka parang tamad na tamad na humigop ng kape. "I decided to take the day off."

Napataas ang kilay ko. "Wala kang kasal na ike-cater ngayon?" 

"Next week ulit." Sagot niya. "Hinihintay ko na lang i-cater 'yong kasal mo o kaya kasal ni Angie."

Nakangiti ng tipid na napailing-iling ako.

"O di kaya kasal niyong dalawa?" Tsaka siya nanunuksong ngumiti.

"Not gonna happen." I breathe out.

Lumapit ako sa kinaroonan niya at naupo sa isa pang upuan doon.

"Why not?" Kunot-noong tanong niya. "Akala ko ba nagkausap na kayo?"

Maang akong napatingin sa kanya. "So pag nag-usap na ba kami ibig sabihin papunta na doon?" Balik kong tanong. "Hindi ba pwedeng nagkaroon lang ng closure sa mga nangyari noon?"

"Hindi ba pwedeng umaasa lang?" Sabay napatirik ang mga mata. "Why so defensive?" Sabi niya. "And who are you trying to convince? Me or yourself?"

"I'm not defensive." Maagap kong kontra. "And I'm not trying to convince you or -" Natigilan ako. "Whatever!"

"You're not getting any younger. Remember, you're thirty -"

"Shut up!" I cut him off immediately. "And let me rephrase that for you, 'we' are not getting any younger." Pagbibigay emphasis ko.

Maarte siyang napa-eye roll. "Whatever suits you."

Nagpatuloy na siya sa pagkakape habang ako nama'y pinagtuunan ng pansin ang pagfa-finalize ng fourth book ko habang hinihintay kong matapos ang nakasalang sa washing machine. Kapagkuwa'y halos sabay pang tumunog ang message alert tone ng cellphone naming dalawa.

ABKD Mahal KitaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum