4- Achievers

309 25 7
                                    

Isang linggo ang matulin na lumipas. Isang linggo pa lang but Kam's stress was worth a year.

Kaklase n'ya si Cole sa lahat ng subjects at araw-araw silang nagdi-debate sa klase. Siempre, si Cole ang tama at sikat para sa mga kaklase nila. And though some professors were neutral, marami pa rin ang mga natutuwa sa mga banat ni Cole.

Ang mas nakakainis lang ay kahit na puro kabulastugan ang mga pinagsasabi nito ay puro may sense naman. Dinadaan nito sa biro ang mga sagot na hindi naman mali.

'Yun ang nakakainis. Ang kaalamang alam nito ang sinasabi. Nakakainis na alam niyang tama at may sense ito.

"Masanay ka na. He's a Bloodworth," ani Nova habang kumakain sila ng ice cream sa Emporium that afternoon. Weekend na bukas kaya may time na silang mag-relax.

"Ano naman kung Bloodworth?"

"Well, top one ang nakakatandang kapatid niyang si Deus at top two naman si Tiana. Classmates pa ang dalawang 'yun sa Juniors."

Achievers din pala ang pamilya ni Cole.

"Wag ka nang magulat na magaling din s'ya. Sa pagkakaalam ko, goal din niyang mag-graduate ng top one kaya mas pag-igihan mo pa. He's naturally smart and a very good fighter. Plus, he's a witch."

A vampire-witch. The rarest kind.

"Buuuuut..." Nova drawled, "it's weekend. Mag-relax ka muna. Party tayo."

"Huh? Saan?"

Sa isang club sa downtown Morland sila napadpad. Kasama ni Kam si Nova at may imi-meet pa daw silang iba doon.

Ayaw naman n'ya talagang magpunta rito. Sadyang mapilit lang talaga si Nova. Kaya naisipan na lang niyang mag-relax dahil sa dami ng stress niya sa school.

"Hindi naman ako tinatablan ng alcohol eh," aniya habang tinutungga ang pangwalong bote ng beer. Nova's fake ID really worked. Nakapasok na sila ng club, nakabili pa ng alcohol kahit underaged naman sila.

Well, sanay na namang uminom si Kam sa Chilakest. Iba kasi r'on. Mas liberated ang mga tao.

"Hintayin mo lang 'pag naka-twenty bottles ka na, may effect din. Damihan mo lang at sunud-sunod," ani Nova na nakasampung bote na yata.

Kam looked around. Kita mula sa kanilang booth ang dancefloor kung saan maraming mortals ang nagsasayaw. Halos lahat lasing na sa alcohol at music.

"Hi. Sorry, we're late," dalawang lalaki ang dumating at laking gulat ni Kam nang mapansing mortals ang mga 'yun. Amoy na amoy niya ang dugo ng dalawa.

Nagtatanong ang mga matang nilingon niya si Nova at nakita niyang nakangisi lang ito. Mukhang may masamang balak.

"Kam, these are my friends, Leo and Jack. Boys, si Kam," ani Nova na kumapit doon kay Leo na maskulado ang katawan.

"Hi," nakangiting tumabi sa kanya iyung Jack. Hindi ito sobrang gwapo pero maganda ang katawan, matangkad at mabango. Amoy malinis.

"Ah, hi," aniyang nakangiti na. Hindi siya sinanay ng kanyang mga magulang na makihalubilo sa mga mortal. Maka-Pureblood kasi ang mga ito.

But Kray Hayes introduced her to different species, mortals included, kaya natuto siya kung paano makipag-usap sa mga ito.

"Saan kayo nagkakilala nitong si Nova?" tanong niya kay Jack. Sumulyap siya sa kaibigan at agad siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakikipaghalikan na ito kay Leo.

"Dito rin sa club. Last summer. Gamit n'ya ang fake ID n'ya kaya nakapasok," natatawang sagot ni Jack.

Twenty-one nga kasi ang legal age of drinking sa Morland. Sa Chilakest kasi ay walang limit-limit. Parents had the responsibility to teach their kids how to drink responsibly.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now