33- Broken Heart

260 15 7
                                    

Cole called Rianah to ask for a ride. Agad naman itong dumating sakay ng SUV nito. Pumasok pa ito sa compound ng mga Caedis para hindi makita ng mga reporters kung sino ang sakay ng sasakyan.

"Where are we taking her?" tanong ni Rianah. She looked stunning in a simple white dress.

"My contacts sent me an address near the airship port. May empty warehouse daw doon," sagot ng binata.

He couldn't tell her that his contacts were the founding fathers of Hellville.

Not yet.

Inirapan muna ni Rianah ang matandang witch saka ito nagmaneho.

—-
The warehouse was indeed empty when they arrived. Naka-lock pa 'yun, but Rianah didn't have a hard time opening the door.

"This used to be a warehouse for airship parts. Basically, this belonged to the Blackbournes. Pero inilipat na nila 'yun sa mas bago at mas modern na building," ani Rianah na inilibot ang paningin sa may kalakihang building na walang kahit na anong laman.

Nakahawak pa rin si Cole sa braso ng matandang witch na kanina pa nagpupumiglas.

"So, who owns this building now?" tanong niya.

"I heard it's for sale. Baka bilhin namin for extra training area. Oh s'ya! Do you need anything else?"

Umiling si Cole. "Thanks, Tita Ganda."

"Just call, okay?" tinapik nito ang pisngi niya saka ito lumabas ng warehouse. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang papalayo nitong sasakyan.

Nagpumiglas uli ang matanda pero mas hinigpitan ni Cole ang pagkakahawak dito. Ang lakas din ng fighting spirit nito.

Bumukas ang pinto kaya alerto siyang lumingon doon. Magkakasunod na pumasok sina Ciro, Draven at Gregory. These three looked young, but intimidating. Halata naman kasing may kakaiba sa mga ito dahil sa aura ng mga ito.

"How are you?" agad na tanong ni Gregory. Magulo ang buhok nito at mukhang pagod ang mga mata.

"I'm fine. Okay lang kayong tatlo? Mukhang pagod na pagod ah," aniyang nakakunot ang noo.

"We're fine," sagot ni Draven saka siya tinapik sa balikat. "Ito na ba?"

Tumango si Cole.

"Akin na nga ang magandang binibini," tumatawang sabi ni Ciro saka hinawakan na sa braso ang matandang witch na nagpupumiglas.

"May nababasa ka ba, Draven?" ani Gregory.

Umiling ang tinanong. "She's a strong witch. She is blocking me, but I can do a deep dive. No worries."

"Kayo na ang bahala rito? I have to find a way to track Kam. I can't sit and wait here."

"No problem. Kami na ang bahala rito," si Ciro.

"We'll call you kapag may development," sabi naman ni Draven.

"Go," tumango si Gregory sa direksyon ng pinto.

Hindi na nagtagal si Cole doon. Mabilis na siyang lumabas ng warehouse.

Buti na lang hindi siya matagal na naghintay ng taxi. Agad siyang nagpahatid sa Hellville Academy.

Pero bago sila nakarating doon ay nadaanan muna ng taxi ang mansyon ng mga Caedis.

Agad na napadungaw si Cole sa bintana nang makita ang napakaraming police cars sa labas at loob ng gate.

Pero ang mas nakakagulat? Ang mag-asawang Caedis. Confident na nakatayo ang dalawa sa harap ng mga police officers at parang nagagalit at naninigaw pa.

Ibang-iba ang itsura ng mga ito sa iyaking Mr. and Mrs. Caedis na nakilala n'ya earlier. These two, they exude power and authority.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now