6- Perfect

314 25 7
                                    

"En garde! Prêts? Allez!" malakas na sigaw ng referee kaya walang pakundangan na inatake ni Kam ang kanyang kalaban sa fencing gamit ang kanyang saber.

Magaling ang kalaban n'ya kaya hindi n'ya ito matamaan. One moment she was moving forward but she ended up walking backwards.

"Halt!"

Agad na tumigil si Kam nang marinig uli ang referee. Gan'on din ang ginawa ng kalaban n'ya.

"Ms. Caedis, please fix your mask," anang referee at agad na sumunod ang dalaga.

"Mr. Flegg, pinapatawag kayo sa office," isang estudyanteng nakasuot ng regular nilang school uniform ang biglang dumating kaya umalis na muna ang kanilang referee na siya ring instructor ng fencing class nila.

Tinanggal ni Kam ang kanyang mask at gan'on din ang ginawa ng kanyang kalaban.

"Galit na galit ka, te? Ako ang napagbuntunan mo ng init ng ulo?" nakataas ang kilay na tanong ni Tryx. Parehas silang nakaipit sa gitna ng braso at beywang ang mask.

"Bakit gan'on ang mga kaibigan mo? Is making fun of someone their happiness?"

Napalabi naman si Tryx sa tanong n'ya. "Una sa lahat, hindi ko sila super friends. Malik and I just hooked up before. That was it. And pangalawa, maloko lang talaga si Malik. Mabait naman 'yun. Masasanay ka rin."

"Ayokong masanay. Wala akong balak na maging kaibigan ang mga 'yun. At kahit na hindi naman talaga sinabi 'yun ni Cole, still may pinaggalingan 'yung sinabi ni Malik. Tinik pa rin ako sa lalamunan n'ya kasi nga I challenge him all the time sa classes namin."

"Bakit mo ba kasi kinakaribal si Cole sa klase? Hayaan mo na lang."

Sumimangot si Kam. Nakakainsulto ha. "Kapag hindi ako top one, kakaladkarin ako ng mga magulang ko pauwi ng Chilakest."

Umikot ang mga mata ni Tryx. "Exaggerated mo naman. Ang laking honor na kayang mag-top two. Ako nga ang layo sa top ten pero proud pa rin ang parents ko. Mahirap kayang maka-survive sa Sentry Academy."

"Good for you. Ibahin mo ang mga magulang ko," mabigat ang dibdib na sagot ni Kam. Naisip nanaman niya ang kanyang mga magulang na walang ibang alam gawin kundi ang mag-excel sa lahat ng ventures ng mga ito. Kaya ang yaman nila eh.

"That bad huh?"

"Yeah. That bad," ani Kam saka lumingon sa pintuan ng gym. "Magpunta na lang tayong locker room. Parang ayaw ko nang maghintay kay Mr. Flegg."

"Good idea," sang-ayon naman ni Tryx at sabay nga silang nagpunta sa locker room kung saan sila nag-shower at nagsuot ng kanilang school uniform.

"Kam, 'wag kang ma-offend ha, pero hindi ka masyadong maalam sa fencing ano?" napatigil si Kam sa paghakbang nang marinig ang sinabi ni Tryx.

Alam n'ya ang bagay na 'yun. Simula pagkabata ay sinanay na siya sa fencing, sword fighting at kung anu-ano pang weapons na pwedeng pansaksak. But she never excelled. Marunong but not great.

Bow and arrow. Doon s'ya magaling. She was a perfect shot. Her parents forced her to focus on bow and arrow.

"Kung gusto mong talunin si Cole, train harder. Magaling s'ya sa kahit na anong weapons. At alam mong dapat alam nating gamitin ang lahat ng uri ng weapons kasi nga sundalo tayo 'di ba?"

Tumango si Kam. "Oo naman. I will beat him."

Nakakalokong ngiti ang ibinigay ni Tryx sa kanya na para bang ayaw nitong maniwala. Sinimangutan na lamang niya ito.

Of course alam niyang mahihirapan siya. But she was determined.

"S'ya nga pala, may date ako mamayang gabi kaya 'wag mo na akong hintayin. Hindi rin siguro ako uuwi sa dorm room natin," nakangising sabi ni Tryx saka kumindat pa sa kanya.

Blood MenaceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora