7- Not His Type

292 22 9
                                    

Tahimik na nag-aaral si Kam sa library nang gabing 'yun. Mag-aalas-onse na pero twenty-four hours namang bukas ang library kaya hindi siya nagmamadali.

Bukas plano n'yang bumalik sa training n'ya sa swordsmanship. Tulad nga ng sabi ni Tryx, kailangang gamay n'yang gamitin ang lahat ng weapons. Isa iyun sa requirements ng pagiging magaling na Sentry.

Tumingin siya sa mga estudyanteng babae sa kabilang mesa dahil biglang nagbulungan ang mga ito.

She looked around. Wala namang kakaibang nangyayari kaya nagkibit na lang siya ng balikat at nagpatuloy sa pag-aaral.

Bandang ala-una na ng madaling-araw nang naisipan ni Kam na bumalik na sa kanyang dorm room. Maaga pa s'ya bukas para sa training kaya iniligpit na niya ang kanyang mga gamit.

Umalis na rin ang ibang mga estudyante kaya naisip n'yang baka s'ya na lang ang huling naroon. Lage naman kasing gan'on.

Tahimik na humakbang na siya papunta sa pinto nang makarinig siya ng kaluskos mula sa likod ng isang shelf. May mga mesa pa roon kaya nakakunut-noo siya.

Sino pa'ng mas studious sa kanya?

Dahan-dahan siyang humakbang para sumilip at laking gulat n'ya nang makita si Cole Bloodworth na mag-isang nakaupo sa harap ng pahabang mesa at sa harap nito ay may limang malalaking libro. Gumagawa pa ito ng notes sa notebook nito.

Litung-lito si Kam.

Si Cole nag-aaral? 'Di ba genius ito katulad ng mga kapatid? 'Di ba wala itong ka-effort-effort sa mga klase nila?

Marahan nitong ibinaba ang pen sa ibabaw ng notebook nito saka ibinaling nito ang tingin sa direksyon n'ya.

"What are you doing?" anito gamit ang mababang boses. Medyo husky iyun dahil siguro sa matagal itong hindi nagsalita. Kumikislap pa ang blue nitong mga mata kahit na mababaag doon ang pagod saka nito pinasadahan ng mga daliri ang itim nitong buhok kaya mas nagulo iyun.

Pero bakit gan'on? Mas naging hot pa yata ito dahil sa magulo nitong buhok. Parang kakabangon lang kasi nito mula sa kama.

Kama? Bakit bigla siyang nag-iisip ng kama? She shook her head. Inaantok lang siya kaya naisip n'ya ang kama.

"Uhm..." ano nga ba itong ginagawa n'ya? Stalking? Ew lang.

"Tapos ka nang mag-aral?" kaswal nitong tanong na para bang magkaibigan sila. Nag-stretch pa ito ng mga braso at humikab.

Napatitig naman si Kam dito. Bakit gwapo pa rin ito kahit na nalukot ang mukha nito dahil sa paghikab?

Ayan nanaman s'ya! She was so creepy.

"Ah... yeah. Nag-aaral ka pala. 'Di ba genius ka?"

Kunut-noo itong muling napabaling sa kanya. "Sino'ng nagsabi na genius ako? Hindi ako genius. Besides, even geniuses need to study. It's easier for them to retain knowledge but they still need a source of knowledge. Hindi naman 'yun automatic na naka-implant sa mga utak nila."

Oo nga naman, agree niya. "Oh okay. See you."

"Yeah. See you tomorrow in class. Goodnight, Caedis," anito saka muling pinulot ang ball-pen.

"Goodnight, Bloodworth," aniya saka tumalikod na.

What just happened?

They were civil to each other. Hindi siya nagalit dito at hindi ito nagbigay ng stupid na komento.

Posible pala 'yun gayung lage siyang naiinis dito simula n'ong nalaman niyang kakompetensya n'ya ito sa top one.

So, may pag-asa na pwede pala silang maging magkaibigan.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now