17- Ended Before it Started

288 22 3
                                    

One week na ang lumipas mula nang tinakbuhan ni Kam si Cole sa date nila. One week na rin itong hindi nagpaparamdan. Wala ni isang text kaya medyo naninikip ang dibdib ng dalaga.

Nagalit ba ito dahil sa ginawa n'ya?

Napailing ang dalaga. Sino ba naman ang hindi magagalit? Mukhang pinagplanuhan pa naman ni Cole ang date na 'yun.

Bakit naman kasi para siyang tanga na bigla na lang tumakbo? Iniwan n'ya talaga ito kasi umuwi s'ya sa dorm sakay ng cab.

"What are you doing?"

Walang ganang nag-angat ng tingin si Kam para tingnan si Nova na nag-aaral sa tapat n'ya. Nakaupo sila sa sulok ng library. Buti na lang nandito na uli ang kaibigan n'ya. She wasn't alone while sulking.

"Nothing," Kam answered and turned her phone off. Kanina pa kasi siya nakatingin sa phone number ni Cole. She was contemplating if messaging him again was a good idea.

Nag-text kasi siya rito the same day she left him at the restaurant. Nag-sorry s'ya rito but he didn't respond. He didn't even read her message. Hanggang ngayon ay delivered pa rin ang tatak sa message n'ya. Hindi read.

Nagkibit ng balikat si Nova at muling nagbasa ng textbook kaya gumaya na rin si Kam kahit wala siyang maintindihan.

Kelan pa niya inuna ang pamomroblema sa lalaki kaysa sa studies n'ya?

This never happened before.

Kay Cole lang.

She shook her head to stop thinking of Cole. Nagsulat na siya ng notes. May exam pa naman sila bukas.

"By the way, did you know Cole transferred to another block?"

Gulat na nabitawan ni Kam ang kanyang ballpen kaya lumikha iyun ng ingay nang bumagsak sa mesa.

What? Kaya pala hindi ito pumasok sa classes nila.

Iniiwasan ba siya nito?

Dahil sa ginawa n'ya?

'Yun lang? Ang babaw naman pala ng pagkakagusto nito sa kanya.

If may gusto nga ito sa kanya. Baka nag-assume lang siya.

She was mad. Pero bakit naiiyak siya? This was so... foreign for her. Hindi siya sanay sa ganitong emosyon. Ano ba ang dapat n'yang gawin?

Limang segundo matapos magalit, ngayon ay nagsi-self-doubt naman siya. Kasalanan n'ya ba?

Walang lakas na nag-angat uli siya ng tingin nang tumikhim si Nova. Nakasara na ang libro nito, nakapatong sa notebook ang ballpen, nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakataas ang kanang kilay nito.

"Wanna tell me what's going on?"

What? Of course not. Hinding-hindi niya ipapahiya ang kanyang sarili. Hinding-hindi malalaman ninuman na nagpapaapekto siya sa isang lalaki.

Sa isang lalaking nag-MIA. Missing in Action!

Matayog ang pride n'ya. She was raised like that.

Mabilis siyang umiling saka bumalik sa pag-aaral.

He wasn't a loss. He was just a boy. She could have more if she wanted to.

Cole wasn't special. She could move on from this strange grief she was in right now. Nakakapanibago!

Pero bakit hindi n'ya matanggap ang naisip n'ya? She knew, Cole wasn't just a boy. And she knew, in her heart, he was special.

Natapos ang kanilang dalawang oras na study time pero parang walang natutunan si Kam sa session na 'yun.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now