8- Field Trip

292 27 7
                                    

Sumama nanaman si Kam kay Nova sa isang mamahaling club sa downton Morland. Weekend naman kaya walang pasok bukas kaya naisip n'yang mag-relax. Nakaka-stress kasi ang school. Not just mentally.

Hindi siya sanay sa mga ganitong activities pero naisip niya na wala namang mawawala kung mag-relax naman siya minsan.

Nandoon nanaman sina Leo at Jack at agad na umupo ang mga ito sa kanilang couch.

"Ilang linggo kang hindi nagpakita ah," nakangiting komento ni Jack na katabi ni Kam.

"Oo. Busy eh. Pumapasok ba kayo sa school?"

"Oo naman. Sa public university nga lang. Hindi tulad ninyong mga private students."

Kumunot ang noo ni Kam. She had never met anyone who went to a public school before. Ano ba ang inaaral ng mga ito?

Well, maliban sa Sentry Academy na kakaiba naman talaga kahit mula sa ibang private schools. She attended very expensive private schools in Chilakest kung saan kaklase niya ang iba't ibang uri ng nilalang. Mortals, witches and vampires. But they followed curriculum set by mortals. Wala silang special classes for supernaturals.

Itong public school na tinutukoy ni Jack, did they teach kids anything valuable?

Nakaka-curious.

"Can I attend your school for a day?" bigla niyang sabi kaya natigil sa pagmi-make out sina Nova at Leo at natigilan naman si Jack.

"Ha?" 'yun lang ang naisagot nito.

"Dude, seryoso ka?" natatawang palatak ni Leo habang si Nova naman ay nakangisi. Mukhang game din ito sa idea ni Kam.

"Well, this is a learning experience for me-."

"And me," nagtaas pa ng kamay si Nova.

"Okay lang ba?" aniya na kay Jack na nakatingin.

Sumulyap muna si Jack kay Leo at agad namang tumango ang huli.

"Well, kung gusto n'yo. Wala naman kayong makikitang kakaiba r'on."

"D'on din nag-aaral ang kapatid kong Turned," ani Leo na umakbay na kay Nova. "Her name is Chenny but we call her Chen."

"Good. Kelan ba?" pumalakpak pa si Nova. Mas excited pa ito sa kanya.

Ngumiti si Kam saka muling tumingin kay Leo at napansin n'yang medyo balisa ito. May pag-aalala ba ang ngiti nito? Ayaw yata nitong magdala ng private school girls sa school nito ah.

Well, ipapakita nilang hindi naman sila kakaiba kahit sa mamahaling school sila pumapasok.

—-
"Deus, buti naman pinayagan ka ni Auberon na gumala nang wala s'ya," narinig ni Cole na sabi ni Malik.

Nasa isang club sila nang gabing 'yun para mag-boys night out. Kasama rin nila si Gaius na tahimik lang na umiinom sa couch nila.

"Mas madali pang iwanan si Auberon kesa kay Tiana," komento ni Cole na tinawanan lang ni Deus.

"Hindi naman ako priso, Malik. I can still do what I want. Having a relationship doesn't mean you're in jail," malumanay na sabi ni Deus.

"Bakit? Sinabi ko bang jail?" natatawang sagot ni Malik.

"You act like it is. Allergic ka kasi sa relationship," ani Cole.

"Nagsalita ang hindi allergic," biglang sabad ni Gaius.

"Inom pa, Gaius," natatawang itinulak ni Cole ang apat na bote ng beer sa direksyon ni Gaius.

"Tsk," 'yun lang ang isinagot nito.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now