Epilogue

247 12 5
                                    

Cole

Tahimik na nakaupo si Cole sa lobby ng Girl's Dormitory. He kept tapping the back of his phone which was on his thigh.

He had been so busy since he arrived and he didn't have time to see her. This was the first time in weeks and he was terrified.

Baka ano pa ang gawin nito sa kanya dahil hindi n'ya ito binisita agad nang dumating siya ng Chilakest.

And that girl was scary! Terrifying!

Pinagtitinginan na siya ng mga babaeng estudyante ng Hellville Academy dahil kanina pa siya nakaupo r'on. Nagmumukha na siyang creeper.

Where was she?

"Kuya Cole, what are you doing here? Akala ko kasama mo si Ate Kam right now," biglang bumaba ng hagdanan si Thaïs.

Nakasuot ito ng puting crop top, beige na shorts, at puting sapatos. May headphones namang nakasabit sa leeg nito at may puti ring maliit na backpack.

Umiling si Cole at agad na naintindihan ng pinsan niya ang dahilan kung bakit siya nandoon.

Kung bakit siya namumutla.

"Ohhh! Good luck. She's a monster," ani Thaïs saka dali-dali siyang hinalikan sa pisngi at patakbo na itong lumabas ng dormitory.

At nanakot pa.

Pambihira!

"Aba-aba! Naalala pa pala ako ng magaling na Collier Bloodworth."

At ayan na nga! Dahan-dahan ang paglingon ni Cole sa hagdanan at nakita niya ang isang babaeng teenager na puno ng glitters ang buhok at mukha. Pink, purple at puti ang theme ng suot nitong crop top at skort. Pati buhok na naka-pigtails ay pink at purple.

Tabingi ang naging ngiti ni Cole.

"Hey, baby Kari, how are you? Did you just eat a whole unicorn?" sambit niya at agad na binaha ng inis ang mukha nito.

"Hindi mo na nga ako binisita, aawayin mo pa ako, Uncle Cole?"

Cole opened his arms pero inirapan lang siya ni Kari kaya napalabi siya.

"Grabe naman magtampo. May mission kasi ako. Bakit ba hindi ka sumama kina Thaïs?"

"I'm fourteen. I'm basically an adult now. I will do what I want. Besides, hindi naman ako naapektuhan ng baliw na Kray Hayes na 'yun kasi hindi naman ako citizen dito. Annnnnd... nasa ibang city ako the whole time kasi may field trip kami ng klase."

"So, bakit ka nagtatampo na hindi kita binisita eh wala ka pala rito?"

"It's the thought that counts. And you!" anitong mukhang halimaw. "You did not think of me."

"Sorry na. I was busy saving the day."

Irap uli. "You didn't save the die. Balita ko, iyak ka lang nang iyak with matching sipon pa. 'Wag ako Uncle Cole. Ibigay mo na lang sa akin kung anuman ang ipinadala nina Mommy Bleik at Daddy Deus," she opened her right hand na puno ng kumikinang sa glitters.

Umikot ang mga mata ni Cole. Mukhang hindi talaga siya makakakuha ng yakap mula sa pasaway na pamangkin.

Teenagers!

"Sino ba talaga ang nagpalaki sa'yo? Si Bleik o si Tatiana?" naiiling niyang tanong habang may kinuhang card mula sa kanyang wallet.

"Siempre si Mommy Bleik. Pero cool naman si Auntie Tiana. Pero feeling ko takot 'yun sa akin eh," she said conspiratorially. Bumaba pa ang boses na parang ayaw iparinig kahit kanino ang huling sinabi.

Natawa si Deus. "I think, you might be right. Here," at ibinigay niya sa dalagita ang card.

"What's this?" anito at agad na nanlaki ang mga mata. "My own credit card?"

Blood MenaceWhere stories live. Discover now