27- Murderer

246 14 7
                                    

Masakit ang ulo ni Kam nang magising siya. Masakit din ang buo niyang katawan.

What the hell happened?

At bakit napakaliwanag ng paligid?

She slowly opened her eyes and she realized she was not in her room.

Gulat na napaupo siya pero agad na umikot ang paligid kaya muli siyang napapikit.

"What the hell?" she muttered.

Blackbourne liquor! Right! Malakas talaga ang tama nito. Palagi siyang knockout kapag 'yun ang iniinom niya.

"Kam," narinig niya ang pamilyar na mga boses kaya agad siyang napamulat. In front of her were her friends.

"Stefie, Mik, Rum..." anas niya. Bakit nakasuot ng jogging suit ang mga ito ito?

Stefie had a black set, navy blue naman kay Mik at crimson ang kay Rum.

"Ano'ng...? Bakit ganyan ang mga ayos n'yo?"

"Ah, pinahiram kami," ani Rum.

"Huh? Nasaan ba tayo?" aniya saka inilibot ang paningin sa paligid.

They were in a small living room. May TV, dalawang leather couch at glass na coffee table. 'Yun lang ang mga gamit doon. Walang ibang furnishings.

Nagkatinginan ang mga kaibigan n'ya.

"Uh ano... mukhang hinuhuli tayo dahil sa Obis massacre," nakangiwing sambit ni Rum kaya napaayos ng upo si Kam.

What? Hindi! Wala silang kinalaman d'on.

"Let's go! My parents will take care of this mess," matigas niyang sabi sabay tayo. Wala siyang pakialam kahit na medyo nahihilo pa rin siya.

"Your parents can't help you this time, Kamdyn Hayes. You will answer my questions or you and your friends are going straight to jail."

Natuod si Kam sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang mababang boses na 'yun. It sounded foreign but still very familiar.

Hindi. This couldn't be happening.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso kahit na hindi pa niya nakikita kung sino ang nasa likuran n'ya. Parang kilala na niya kasi ito kahit na twelve years na mula n'ong huli niya itong nakita.

She looked at her friends and they nodded.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang lingunin ang lalaki.

And there he was. In his black Sentry uniform, the garb. He was taller and his body was bigger. He matured for sure. Malayo na sa nineteen-year-old na binata na iniwan n'ya twelve years ago.

"Cole..." 'yun lang ang kaya niyang sabihin.

He was as gorgeous as ever.

But one change that she didn't want to acknowledge was the way he looked at her. It was full of loathing.

"Sentry Bloodworth," pagtatama nito kaya napalunok ang dalaga. Biglang nanikip ang kanyang lalamunan dahil sa pagsisikap na 'wag mapaluha.

She was not ready for this.

"S-Sentry Bloodworth," she obliged. "How can I help you?"

He motioned for her to sit and she did. Gan'on din ang ginawa ng kanyang mga kaibigan.

Tumayo sa harapan nila si Cole. Para itong tore sa tangkad kaya nag-angat sila ng tingin.

"Did you kill those mortals?" deretso nitong tanong na nakatitig sa kanyang mga mata.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon