Special Chapter

286 28 12
                                    

Natampal ni Kam ang kanyang noo habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan na nagbubuhat ng malaking grand piano.

Naka-high heels pa kasi sina Stefie at Rum.

Kasalukuyang kinukuha ang mga gamit nila sa mansyon para i-donate sa mga nangangailangan.

Ibabalik na rin nila ang mansyon sa totoong may-ari. Inagaw lang pala 'yun ng kanyang mga magulang nang nasunog ang sarili nilang mansyon noong bata pa si Kam.

'Yun 'yung panahon na iniligtas siya ng isang Sentry na nagkataong nagbakasyon sa Obis noong panahong iyun. Hindi na nga lang niya nakilala kung sino 'yun.

And of course, inagaw ng mga magulang n'ya ang mansyon na 'yun sa utos ni Kray.

Ibinalik na ng mga Caedis lahat ng mga ninakaw nilang kayamanan, mga negosyo at iba pang properties sa mga totoong may-ari.

Pero siempre, hindi sila pinapatawad ng mga ito kahit na isinauli na nila ang mga 'yun. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa nangyari?

But her parents were not going to jail. They were not aware after all. Lahat ay dahil kay Kray Hayes.

Her family was going to start a new life. A simple life. Katulad noong dati.

Kam saw it not as a downfall. She didn't know simple life, but she was more than willing to have it in exchange of a happy family.

Isang pares ng braso ang yumakap sa kanyang beywang mula sa likuran kaya napangiti si Kam.

Naramdaman niyang ipinatong ni Cole ang baba nito sa kanan niyang balikat.

"Is your decision final?" malambing nitong tanong.

Kam sighed, still couldn't believe that they were close like this.

Like they were supposed to.

"I have no choice. Mom and Dad want me to go away for awhile. Baka kasi madamay pa ako sa galit ng mga taga-Chilakest. They are willing to face their anger. Pati sina Cameron at Misna. Pero hindi nila ako pinayagang daluhan sila," malungkot niyang sagot.

"You're a victim."

"Sila rin naman."

"I know. But they want to protect you now. Something they couldn't do before."

Tumango siya. Naiintindihan naman niya 'yun.

"So... you're coming with me to Hellville City?"

Tumango si Kam at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa beywang niya.

"I love you, Caedis. Alam mo ba 'yun?" bulong ni Cole at binalot ng init ang buong katawan ng dalaga.

"Yes. At mahal din kita, Sentry Bloodworth."

Bahagyang natawa si Cole kaya ipinilig ni Kam nang kaonti ang ulo para makita ang mukha nito.

Cole looked... happy. Ang aliwalas ng gwapo nitong mukha.

"What?" aniyang natatawa na rin.

"I remember, umalis din si Deus dati. Sa Ribenly siya napadpad. Nang umuwi, may kasama nang babae. Si Bleik, his wife now."

"Oh," sambit ni Kam. She didn't know.

"Sumama si Bleik sa kanya kasi naging wanted criminal siya sa Ribenly."

Kam gasped. Criminal ang asawa ni Deus?

"It wasn't her fault. Long story. But we are in a similar situation. Uuwi ako ng Hellville na may dalang babae," anito na mas lumawak pa ang ngisi.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now