31- The Parents

199 9 1
                                    

"Kagagawan ito ng mga Caedis! Alam nilang mabubulok sa kulungan ang anak nila kaya nila ginawa ito. Itatago nila sa ibang kontinente ang mamamatay-tao nilang anak," ang lakas ng boses ni Mayor Ridges. Nanginginig ito sa galit at wala itong pakialam kahit na balot pa rin ito ng alikabok. Kahit ang mukha nito.

"Sa tingin mo, Mayor, magpapadala ng lawyers ang mga Caedis kung ito naman pala talaga ang balak nila?" sigaw rin ng babaeng lawyer ng mga Caedis.

Dinala ang dalawa pang abogado sa ospital dahil injured ang mga ito.

Sumasakit ang ulo ni Cole habang nagsisigawan sa harap niya ang dalawang babae. Sa halip na makapag-isip ay migraine ang nakukuha n'ya.

Tumalikod siya at lumabas ng police station para makahinga man lang ng maayos.

He didn't know who took Kam.

He didn't know what to think.

And he definitely didn't know what to do. Erase that. He knew what he had to do, find Kam, but he didn't know where to start. Or how to do it.

Nag-ring ang kanyang phone na nasa back pocket ng pants n'ya. Himala na hindi iyun nawala sa gitna ng lahat ng nangyari.

"Hello," seryoso niyang sagot saka tumingin sa paligid.

More people were gathered in front of the police station now. Hindi lang taga-media kundi maging mga civilians.

"Are you alright? Nakikita ka namin ngayon sa live TV," boses iyun ng kanyang Tita Rianah.

"I'm fine, Tita," sagot niya saka sinulyapan ang napakaraming camera sa paligid.

He turned around and looked for a more comfortable spot where cameras were not shoved into his face.

"Somebody took my main suspect. I have to track her."

"Ohhh!!! Mas nagiging komplikado ang kaso mo ah. Do you need help?"

"Nah. I can manage so far. I'll call kung kailangan ko ng tulong."

"Alright, then. Sure kang okay ka lang ha?"

"Yes. Thank you for checking up on me."

"Of course."

Nang natapos ang pag-uusap nila ng kanyang tiyahin ay nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Ciro Horton. Inalam din ng mga ito ang sitwasyon n'ya.

When his phone rang the third time, napabuga na lang ng hangin si Cole.

Sino naman 'to? Hindi naka-register ang number.

"Hello?"

"C-Cole..."

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang binata nang marinig ang humihikbing boses ni Kam sa kabilang linya.

"Kam, are you alright? Where are you?" mahinang tanong niya, trying not to be overheard by the media people around him.

"Itigil mo na ang paglutas sa kaso na ito, Sentry Bloodworth, kung ayaw kong idagdag namin sa body count ang mahal mong si Kam Caedis," malalim ang boses sa kabilang linya. Halatang sinadyang baguhin.

"So, you killed those mortals."

"We killed those mortals," pagtatama nito sa sinabi n'ya. "At hindi pa kami tapos."

Quietly, Cole cast a spell to connect his phone to the phone of the caller. Sa pamamagitan nito ay mati-trace niya ang location nito.

He also listened to Kam's background noise. Nasa sasakyan pa rin ito.

"Why? Why are you doing this?" The spell took so long, he had to stall.

"You will find out soon."

"Wait!"

Blood MenaceWhere stories live. Discover now