20- Surial

212 13 2
                                    

Kinabukasan, balik sa dating routine si Kam. Wake up, exercise, school, training, study, dorm. Paulit-ulit lang ang mga ginagawa n'ya kaya medyo nabo-bore na rin siya.

Pero ano pa nga ba ang magagawa n'ya?

Kapag naging Sentry na s'ya, magiging malaya na s'ya sa kanyang mga magulang. Sa ngayon, titiisin n'ya muna ang lahat ng demands ng mga ito dahil pera ng mga 'to ang ginagamit n'ya.

"Hey, have you heard the news?" pabagsak na naupo si Nova sa desk nito, sa tabi ni Kam.

Late ang professor nila kaya medyo nagkakagulo ang kanilang classroom.

"What news?" tanong niya, nasa libro pa rin ang mga mata.

"Nambugbog nanaman si Gaius ng ibang mga estudyante."

Napailing na lang si Kam. Simula n'ong nag-away sina Gaius at Deus over Auberon, lage na lang nasasangkot sa gulo ang una. Hindi naman napapatalsik kasi hindi nagrereklamo ang mga nabugbog. Parang guilty pa nga ang mga ito. And, anak ng Mayor si Gaius Kühn.

"Hindi naman 'yan bago," ani Kam.

"May iba pa akong balita."

"What?"

"Pipili ng limang students ang Director para sa field training. Sa Surial City yata. Alam mo namang maraming mga basagulerong Turned doon. The five students will keep the city safe."

Aaminin ni Kam na nakuha ni Nova ang atensyon n'ya. Opportunity ito. May maidadagdag siya sa kanyang resume kahit na estudyante pa lang siya.

"Lima?"

"Yes. And guess who the team in-charge is."

"Who?"

"Si Tryx."

Agad na tumayo si Kam saka iniligpit na ang mga gamit sa kanyang mumurahing tote bag.

"Saan ka pupunta?" sumunod na si Nova nang lumabas siya ng classroom. Hindi na papasok 'yung professor nila. Thirty minutes na itong late. Hanggang doon lang ang allowed na oras ng tardiness, both ng professor at students.

"We will sign up."

"Yes!"

—-
"Oh no!" bagsak ang balikat na sambit ni Nova habang nakatingin sa napakahabang lista sa bulletin board.

Lima lang ang pipiliing estudyante pero pang-seventy-three na si Kam at seventy-four naman si Nova.

"Bakit ang dami? Ilagay mo sa zero ang pangalan mo tapos sa point five sa akin," Nova nudged her kaya sinamaan n'ya ito ng tingin.

"Tara na nga. Huli tayo kaya huli tayo," aniya.

Sumimangot naman si Nova. "Oh! Nasa number one si Cole."

Hindi nag-react si Kam. Actually, kanina n'ya pa iyun napansin. Medyo, medyo lang naman, nai-excite siya na posibleng makakasama niya si Cole sa isang trip. Posible naman kasi na pareho silang mapili dahil pareho silang top one.

"Let's go," but she decided to act like she was not affected. Hinila na niya si Nova palayo roon.

Ayaw naman niyang may makakita sa kanila na nakatitig sa pangalan ni Cole Bloodworth.

"Kelan daw lalabas ang result?"

"Hindi ko alam. This was just announced this morning. Why? Gusto mo nang malaman kung makakasama mo si Cole sa field training na 'to?" Nova grinned kaya nakatanggap ito ng nakakamatay na irap. Pero tumawa lang ang bruha niyang kaibigan. Magaling talaga mang-inis.

"Dapat makasama tayong dalawa. Magandang opportunity para sa atin ang trip na 'to. Gaano ba katagal ang training na 'to?"

"Two months yata. Sa hotel daw yata titigil during the whole duration of the field training. Oh, 'di ba exciting?" ani Nova.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now