19- Mr. Nice

189 11 1
                                    

Tila napasong napaatras si Cole at hindi maiwasan ni Kam na mainis sa naging reaksyon nito.

Really? Did he find her that disgusting to act like she just gave him a disease or something?

Yes, he looked ridiculously good but that didn't help her foul mood. Nasira na ang birthday n'ya. Nawalan na siya ng ganang ipagpatuloy ang pagpa-party.

Eight months silang hindi nagpapansinan at ngayong sa wakas ay nagkalapit na sila sa isa't isa ay saka naman nito ipinakita ang kapangitan ng ugali.

"Excuse me," matigas niyang sabi sabay alis. Binangga pa niya ito sa balikat at hindi na siya lumingon.

"Caedis..." he tried to get her attention but it was too late.

Final na. Cole Bloodworth didn't exist anymore. At least para kay Kam.

Kahit ang daming mga mababaho at pawisang mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor ay hindi na 'yun napansin ni Kam. She just wanted to get out of here.

Malapit na siya sa exit door nang ma-realize niyang hindi pala sumunod si Nova sa kanya kaya inis na lumingon siya para hanapin ito.

"Bi-," Kam stopped herself. Hindi siya dapat mawalan ng kontrol sa kanyang emosyon.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Nakikipag-usap at tawanan lang naman si Nova kay Cole. Mukhang close pa kung makahampas ang kaibigan n'ya sa balikat ng lalaki.

Kam sighed. Siya ang may issue. Kung nakikipagkaibigan si Nova sa binata ay wala siyang magagawa. Hindi n'ya hawak ang buhay nito.

Lumabas na lang siya ng club nang mag-isa habang mahigpit na yakap ang regalo ni Tryx. Sa totoo lang, nasa mood siyang mag-training ngayon para ma-release ang nararamdaman. She was angry, disappointed, sad, lonely.

Muli siyang lumingon sa pinto ng club kung saan papasok at palabas ang maraming mga mortal.

Kung hindi pa lalabas si Nova in one minute...

"Well, never mind," nabulong na lang ni Kam nang makita ang kaibigan na lumabas na at nakataas ang kilay nito habang papalapit sa kanya.

"You are going to tell me what happened between you and Cole kung gusto mong makuha itong regalo n'ya sa'yo," sabi nito sabay taas ng kanang kamay na may hawak na pa-square ng box.

"Regalo?" hindi makapaniwalang sambit ni Kam.

Tumango naman si Nova. "He wanted to give you this pero bigla ka na lang umalis. Binangga mo pa. Na-dislocate yata ang balikat."

"What?" Hindi naman malakas ang pagkakabangga n'ya sa lalaki ah. Na-dislocate agad?

Ngumisi si Nova. "Joke. Ito naman. Concerned agad. Tara na nga," at iniwan na nga siya nito.

"Hey! Ibigay mo sa akin 'yan. Akin 'yan 'di ba?" habol n'ya sa kaibigan.

"Magkwento ka muna."

—-
Speechless si Nova matapos magkwento ni Kam. Nasa kama sila ng huli at naka-pajama na.

"Wait. So, you broke up with him because you're going to focus on your studies?" pagkaklaro nito. Hawak pa rin nito ang box na regalo ni Cole.

Tumango si Kam. Sa totoo lang, curious na curious siya kung ano ang regalo ng lalaki sa kanya. At bakit siya nito binigyan ng regalo? Paano nito nalaman na birthday n'ya pala?

"We were not really together so, I wouldn't call it a break up. But that's just one of the reasons. There's my parents. Ayaw nilang may distraction sa pag-aaral ko. Then, nand'yan din ang problema ng mga kapatid n'ya at ni Gaius. Tsaka, ayokong maging isa sa mga babae n'ya. Even if ako lang, sa mata ng mga nakakakilala sa kanya, isa lang ako sa marami. My reputation is very important. Basta, maraming complications."

Blood MenaceWhere stories live. Discover now