15- Followed

279 25 9
                                    

Gabi na nang makabalik ng hotel sina Kam at Cole. Pareho silang pagod dahil sa dami ng ginawa nilang activities.

Kam had so much fun at gan'on din naman si Cole dahil hindi mawala-wala ang ngiti niya.

To: Caedis
What are you doing?

Nakasuot na ng itim na pajama pants at puting t-shirt si Cole habang nakahiga sa kanyang kama. Nakaligo na siya at wala nang ibang gagawin. But he was so happy all day that he couldn't get enough of Kam.

From: Caedis
It's 1 AM. Matutulog na ako in a few minutes.

To: Caedis
Did you have fun today?

He bit his lip. For some reason, this question made him nervous. Did she have as much fun as he did?

Bakit ganito ang epekto ni Kam sa kanya?

And her lips... he closed his eyes, reminiscing how sweet her lips were. She seemed inexperienced but she still gave him the sweetest kiss he ever had.

From: Caedis
Yes. I enjoyed our day, Bloodworth. I'm looking forward to more fun days with you.

Kinikilig na napasipa si Cole sa hangin.

Bakit ang saya-saya n'ya?

"Oh, Caedis, we will definitely have a lot of fun together," mahina niyang kausap sa phone.

—-
"This one. This one. Ito pa. Woah! I love shopping."

Lukot na lukot ang mukha ni Kam habang nakasunod kay Cole na kanina pa bili nang bili ng mga damit, sapatos, bags at mga alahas. May sampung paper bags na ito pero hindi pa rin ito tapos.

"Good lord, Bloodworth. Paano mo iuuwi ang lahat ng 'yan?" mulagat ni Kam na may isang paper bag lang na may lamang isang mumurahing tank top.

"Sweetheart, ano'ng silbi ng mga kamay mo?" tumatawang sagot ni Cole na kinindatan pa s'ya.

Natawa na rin si Kam. Loko-loko talaga ang lalaking ito. Gawin ba naman siyang tagabuhat.

Cole ended up carrying everything. Aabot yata ng dalawampung bags ang napamili nito na iniwan nila sa lobby ng hotel. Ipinaakyat na lang ni Cole sa bellhop na nakatanggap ng malaking tip.

Natatawa pa rin si Kam habang naglalakad na sila ng binata sa gitna ng piazza kung saan may daan-daang mga tao... well, a mixture of vampires, mortals and witches.

Naalala ni Kam ang Chilakest. Ganito rin ang araw-araw na eksena sa kanilang continent.

"C'mon, let's take a picture," hinawakan ni Cole ang kanyang kamay at hinila siya sa harap ng isang malahiganteng statue ng isang lalaking may hawak na espada sa kanang kamay at libro sa kaliwa.

Tumayo sila sa harapan ng estatwa. Ang dami pang nakatayo sa tabi nila pero hindi na nila pinansin. Inihanda na ni Cole ang front camera ng phone nito saka iniharap sa kanilang dalawa.

Biglang umakbay si Cole sa kanya at sabay silang ngumiti nang pagkalaki-laki. Ang saya nilang tingnan sa picture na 'yun.

"Ang gwapo ko naman," nakangising komento ni Cole nang i-send nito ang picture sa kanya.

Tumawa lang si Kam. Nitong mga nagdaang araw ay natutunan niyang sakyan ang mga kalokohan ng binata. 'Yun lang naman kasi 'yun. Kalokohan.

Masarap itong kasama. He was funny and kind. She liked him. A lot. Bonus na lang na masarap sa mga mata ang gwapo nitong mukha.

"You're staring," kumikislap ang mga mata na sabi nito kaya mas lumawak ang ngiti ni Kam.

"Bakit? Bawal?" Okay, she had become bold in front of him. In a matter of days, naging komportable na siya rito.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now