13- Macon City

279 20 2
                                    

Macon was a big and highly industrialized city. Most of the population is composed of mortals who knew of the existence of vampires and were sworn to secrecy.

Purebloods who lived here married mortals and the population of vampire-human beings was also high, the highest in Vergaemonth.

"One suite with two bedrooms, please," sabi ni Cole sa receptionist ng hotel na pinuntahan nila. She was mortal and she couldn't stop ogling at the man.

And Cole couldn't stop grinning.

Umikot ang mga mata ni Kam.

"How many nights, Sir?" malanding tanong ng babae.

Good, lord! anang isip ni Kam.

"Sweetheart, three or four nights?" biglang baling sa kanya ni Cole kaya muntik pa siyang mapatalon.

Ano raw? Sweetheart?

At ang walang-hiya ay ngumisi lang.

Kam cleared her throat. Napaayos naman ang receptionist at naging pormal ang mukha. Inakala siguro nito na wala silang relasyon ni Cole (which is true) dahil dalawang bedrooms ang kinuha nila kahit sa iisang suite lang 'yun. At ngayong tinawag na siya ng sweetheart ng malanding lalaki ay napahiya ang receptionist sa pagiging unprofessional.

"Three," ani Kam saka tumalikod na. Inilibot n'ya ang tingin sa lobby ng five-star hotel. Kumikinang ang buong paligid. Everything in this place, from floor to ceiling, screamed luxury.

"Three nights daw sabi ng sweetheart ko," naririnig ni Kam ang ngisi sa boses ni Cole kaya napailing na lang s'ya. Hindi n'ya maintindihan kung nakikipaglandian ito sa receptionist o hindi. Kung, oo, bakit pinapalabas nito na may relasyon sila?

Mga kalokohan talaga nito.

"May luggage po ba kayo na ipapaakyat sa bellhop?"

"No. We can manage," ani Cole.

"Sixteenth floor, Sir. Room 1610."

"Thank you," nilingon na ni Kam ang dalawa at nakita n'yang tinanggap ni Cole ang keycard saka ito tumalikod sa receptionist at hinarap s'ya. "Let's go, sweetheart?"

Napapailing na nagpatiuna na lang si Kam sa elevator habang hila-hila ang kanyang luggage. Agad namang sumunod si Cole sa loob.

"Puro ka talaga kalokohan," aniya nang sumara ang elevator.

Natawa si Cole. "Well, I don't have time to evade swooning admirers, Caedis. They won't follow me around if I have a beautiful girlfriend with me. But I have to be polite, you know. Dapat ngiti pa rin kahit nire-reject ko ang advances nila. Subtle rejection."

Umismid si Kam. "Isa ba 'yan sa mga lessons ni Malik sa'yo?"

He gaped. "I am not Malik's student. He's a player and proud of it. Ibahin mo ako, Caedis."

Napailing na lang ang dalaga. Hindi naniniwala.

Their suite was huge. Salamin na dingding agad ang bumungad sa kanila kung saan kita sa baba ang malaking bayan.

Sa kanan ay may silid at ang pangalawa ay nasa kaliwa. Nasa gitna ang malaking sala.

"Kanan ako?" nilingon ni Kam si Cole at sumaludo naman ito bago tumalikod.

Nasundan na lang ng tingin ng dalaga ang papalayong lalaki hanggang sa nakapasok ito sa kwarto nito.

Hindi n'ya alam kung bakit magkasama sila ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit ito naroon. So far naman, she didn't mind his presence. In fact, malaki ang tulong nito para hindi s'ya ma-bore kahit na nakakainis ito minsan.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now