9- Tough Decision

233 18 3
                                    

Hindi mapakali si Cole habang nakatingin sa bakanteng upuan ni Kam. Napatingin din siya sa upuan ni Nova.

This was the second class that they missed.

Nasaan ba ang mga ito?

He tapped his pen on his notebook. Hindi niya masyadong kilala si Kam pero sigurado siyang hindi ito basta-bastang uma-absent. Masyado itong competitive para mag-miss ng dalawang klase.

"Mr. Bloodworth, are you with us?"

Gulat na napatingin siya sa kanilang professor na mukhang nangangain nang buhay.

Well, lahat pala sila rito ay nangangain nang buhay.

Prof. Nanders was very strict. Ang alam ni Cole, three hundred years old na itong babaeng propesor na mukhang twenty years old lang. Maganda ito. Bagay na bagay rito ang itim na mahaba at tuwid na buhok at straight na bangs. Pero parang lageng nanlilisik ang kulay berde nitong mga mata.

"I'm with you, Prof. Naders. I'm sorry," aniya saka muling tumingin sa upuan ni Kam.

Tila hinabol ng demonyo si Cole nang mag-ring ang dismissal bell. Wala pang sampung segundo ay nasa harapan na siya ng dorm room ni Kam. Kumakatok.

Alam niyang roommate ito ni Tryx na naka-fling ni Malik last year kaya alam niya kung saan ito naka-assign ng room.

Bakit ba siya nag-aalala?

Muli siyang kumatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naningkit ang kanyang mga mata at nakinig kung may tao sa loob.

May mga kaluskos naman pero bakit walang nagbubukas?

Muli siyang kumatok. Mas malakas.

"Saglit lang! Ano ba 'yan!?" galit ang boses na nagmula sa loob na sinundan ng napakaraming mura.

It wasn't Kam.

"Ano ba'ng problema mo... Cole Bloodworth?" mula sa inis ay napalitan ng pagkalito ang ekspresyon sa mukha ni Tryx. Ang gulo pa ng buhok nito. "What are you doing here?"

Okay, valid ang pagkalito nito. Wala naman kasing rason na magpunta s'ya roon. Hindi n'ya ka-close ang dalawang babae.

"Tryx, matagal pa ba 'yan?" isang boses lalaki ang narinig niya mula sa isa sa mga bedrooms doon.

Tryx tried to fix her hair with her fingers. Lumabas ito ng kwarto at isinara ang pinto.

"What?" paangil nitong tanong. May naisturbo yata si Cole.

"Where's Kam? She missed two classes," diretso niyang sabi.

Agad namang napakunut-noo si Tryx. "Missed? That doesn't sound like Kam. Papasok pa rin 'yun kahit maghingalo na para lang matalo ka sa klase."

Muntik nang maubo si Cole. Gan'on ito kaseryoso sa kompetisyon nila sa klase?

"Well, she missed her classes," aniya. Bakit ba hindi siya mapakali?

"Hindi ko s'ya nakitang lumabas pero narinig kong maaga siyang umalis. Saan naman nagpunta 'yun?"

Wala naman palang maitutulong itong roommate ni Kam kaya walang paalam na tumalikod na lang siya.

Nasa library kaya 'yun?

Baka nasa gym.

Napailing siya.

What the hell was wrong with him? Hindi sila close ng babae so bakit hindi niya maiwasang mag-alala?

"Saan mo s'ya hahanapin?" biglang sumabay sa pagbaba niya ng hagdanan si Tryx. Nakatali na ang buhok nito at may suot nang bilog na eyeglasses pero wala namang lenses.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now