5- Mortal Enemy

287 25 7
                                    

Mamahaling cut ng meat, best ingredients at pinakamahal na brand ng tubig ang binili ni Kam sa grocery store sa Emporium. Hindi naman nakakapanibago 'yun dahil marami sa mga estudyante ng Sentry Academy ay mula sa mayayamang pamilya. May iilang scholars pero ninety-five percent ay paying students.

"Ano'ng meron? May okasyon?" nagtatakang tanong ni Tryx nang makapasok ito sa dorm room nila nang gabing 'yun. Nakasuot pa ito ng uniform, backpack at may bitbit na dalawang textbooks.

"Wala naman. Feel ko lang magluto ngayon. Stress reliever ko 'to," sagot ni Kam saka naglagay ng steak sa plato nila. May bowl din ng green beans at may mashed potato rin. "Kumain na tayo."

Excited namang umupo si Tryx sa hapag at tinitigan ang steak na kay sarap tingnan dahil sa marbling nito.

"Ang sarap," Tryx moaned after tasting the medium steak. "Ang galing mong magluto ha. Pwede ka nang mag-asawa."

Kam made a face. "Ew ha. I cook not because I want to be a housewife. I cook because I feel like it."

Tryx chuckled. "Ang defensive ha. Meron ka na bang napupusuan?"

"Napupusuan talaga? Wala so, stop it. Nakakadiri ka," sagot naman ni Kam saka pinapak ang green beans.

Nagkibit na lang ng balikat si Tryx saka nagpatuloy sa pagkain. Nangangalahati na ito sa steak nito nang bigla na lang itong tumigil at tinitigan si Kam.

"What?" taas-kilay niyang tanong.

"Aalis ako ngayong weekend. Sa amin na muna ako kasi birthday ng Mom ko. She's gonna be two-hundred. Gusto mong sumama?"

Saglit na nag-isip si Kam. "Di ba taga-Morland ka lang?"

Agad namang tumango si Tryx. "Thirty minutes lang ang byahe from here. Susunduin tayo ng driver namin. So... sasama ka?"

"Ano'ng theme?"

"Formal, siempre. Matatanda ang mga dadalo eh," anito saka tumawa.

"Salamat na lang. Mag-aaral pa ako."

Umikot ang mga mata ni Tryx saka muling kumain. "Loosen up a little. School is not just about academics. It's a good place to have fun too, you know? Sige na. Sumama ka na."

Nag-isip si Kam. Oo nga naman. It's not illegal to have fun. "Sige na nga. Ang kulit."

Ang laki ng ngisi ni Tryx dahil sa sagot n'ya. "This is going to be fun. I promise. Kakainin mo pa 'yang steak mo? Akin na lang?"

Napasimangot si Kam. Parang patay-gutom naman itong roommate n'ya.

—-
The Caran mansion was massive. It was wide and bright and the fountain in front of it was enormous.

Ang daming mamahaling sasakyan ang dumating at naghihintay ang maraming mortal valets para iparada ang mga iyun.

"Ang yaman n'yo pala. Bakit parang hindi ka pinapakain dito kung makalamon ka sa academy?" seryosong tanong ni Kam habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan kita ang mga nakahilerang sasakyan.

"Food is life," simpleng sagot ni Tryx na kanina pa pumipili ng hikaw.

Kam decided to wear a simple red cocktail dress and black high heeled shoes. Naka-tight low bun ang kanyang gintong buhok. Her makeup was miminal. Siniguro lang niya na maganda ang kanyang smokey eyes.

Si Tryx naman ay naka- black satin long gown na sleeveless at may boat neck. Naka-messy look ang pixie cut and  puti itong buhok. Ang ganda nito.

"Teka, kilala ko 'yan ah. Invited sina Gaius at Auberon?" aniya nang makita ang dalawa na kakababa lang ng isang mamahaling sasakyan. Naka-black gown ang babae at black tux naman ang suot ni Giaus.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now