22- Death

281 18 4
                                    

Leo was well fed. How many mortals had he drained to be this strong?

Walang ideya si Kam pero sigurado siyang marami. Purebloods were usually a lot stronger and faster but Leo was showing extraordinary speed and strength for a Turned.

Tumilapon si Kam sa pader ng building at nabitawan niya ang dagger n'ya. Tumawa si Leo saka pinulot ang weapon na bigay ni Tryx sa kanya.

"Mamahaling sandata. Typical Sentry Academy student. Mayayaman. Snobs. Mababa ang tingin sa aming mga Turned," puno ng poot ang boses ni Leo.

Kam dragged herself to sit. Pinunasan na rin niya ang dugo sa kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang kamay. Naghilom na agad ang sugat n'ya roon.

"Why do you act like you were mistreated as a Turned before we met? Mortal ka noong nagkakilala tayo hindi ba? Bakit pa-victim ka naman masyado," Kam spat.

Galit ang tingin na ipinukol ng lalaki sa kanya. "Pa-victim? Biktima naman talaga kami sa bigotry ninyong mga Purebloods. My sister suffered in the hands of your people. Kaya wala kang karapatan na husgahan kami."

Wala nang iba pang salita na ibinato nito sa direksyon niya ang kanyang dagger. Buti na lang nakailag siya dahil kung hindi ay bumaon na 'yun sa kanyang noo.

"You piece of-," hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil inatake nanaman siya nito.

Mabilis siyang tumalon at sinalubong ng malakas na sipa sa gilid ng ulo si Leo. Bahagya itong napaatras pero agad na nakabawi.

Hand-to-hand combat got easier for her after all her trainings at the academy. Like she said before, she worked hard for her skills. At nakikita naman niya ang resulta sa lahat ng kanyang efforts.

Halatang walang proper training si Leo. He depended on strength but he didn't have the proper training. Nakadepende lang ito sa muscles nito pero walang utak ang bawat atake.

Mahalaga ang proper training at ginamit ni Kam ang advatage na 'yun.

Leo let his hatred consume him kaya nag-take advantage si Kam doon. She let her vampire senses guide her.

And everything went slow motion. Malinaw niyang nakita ang kamao ni Leo kaya umilag siya sa gilid. Yumuko si Kam sabay ikot para i-recover ang kanyang dagger na nakabaon sa dingding ng building na nasa gilid nila.

Sumunod si Leo sa kanya pero alam na niyang gagawin iyun ng lalaki. This time, sinalubong n'ya ito at ibinaon sa gilid ng leeg nito ang kanyang dagger.

Natigilan si Leo. Hindi iyun nakakamatay sa mga katulad nilang bampira pero masakit iyun. Sobrang sakit.

She wanted to torture him just like how he tortured her and Nova.

She wanted him to suffer a slow and agonizing death.

Akmang hahablutin na ni Leo ang dagger mula sa leeg nito pero mabilis na nakaikot si Kam kaya nakatayo na siya sa likuran ng lalaki.

Her fangs extended and without another thought, bumaon ang mga 'yun sa leeg ng lalaki.

Leo screamed in pain. Alam niyang tila asido ang kagat nila para sa ibang bampira. A Pureblood's bite was fatal to other kinds of vampires.

His blood tasted disgusting. Turned vampire blood was nasty and defective. But she was too angry to notice.

All she wanted to so was to let him suffer. And her bite would make sure of it. He would agonize for awhile because of it.

Leo groaned in pain. Her bite was starting to torture him. Ang laki ng mga mata nito nang umikot ito para matingnan s'ya.

He looked... Kam blinked.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now