🌷KAGULUHAN (chap 4)🌷

167 1 0
                                    

BRYAN'S P.O.V.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Shan at kasalukuyang nasa theater room kami.
"Calvin? What do you think will happen later kapag nakauwi si Tito Zian at tita Helyn galing university?"

Tanong ni Drake, remember yong ginawa ni Shan? Ayownnn kaya pinatawag yong parents niya.
" Hindi ko alam, baka kailangan na nating umuwi kapag dumating sila. Dahil sigurado akong galit na galit yon kay Shan"

Sagot ni Cal. Pano kaya magsagutan ang isang Zian at Shan? Mukhang nararamdaman kong kailangan na nga talaga naming umuwi, pero naman kasi hindi naman mangyayari to kung pinili nalang ni Shan na umiwas.

Dapat kasi talaga umiwas nalang siya para hindi na lumala yong setwasyon.
" ang dali niyang umuwi when it comes to my mistake, pero kapag oras na ang pinag usapan napakahirap para sa kanya" Shan

"He's still your father" sagot ni Drake. Wait!! What if lagi nalang gumawa ng Mali to si Shan para mapansin at umuwi ang dad niya? Haysss ano ba tong iniisip ko? "admit it or not alam mo sa sarili mo na naiintindihan mo siya" Calvin

"Isa pa Shan, hindi madali ang trabaho ng Daddy mo lalo na kung malalaki ang koneksyon ng negosyo nyo" ako
"Yan na naman kayo e" inis na turan niya, natahimik naman kami baka mamaya mag hagis to ng gamit samin dahil sa inis.

Napailing nalang siya bago tumayo at lumabas ng theater hindi ko maiitangging ikaw talaga ang kaibigan ko anep sa tigas ng ulo.

SHANDAO'S P.O.V.

Kaasar talaga yong tatlong yon lagi nalang akong pinag tutulungan, lumabas nalang muna ako sa theater at iniwan sila sa loob, oo may theater dito sa loob ng bahay namin or should I say mansion. Pag labas ko nakita kong nag uusap si Mommy at Daddy.

Nakauwi na pala sila, hindi ko nalang sila pinansin at naglakad patungo sa taas pero hindi pa man ako nakakaakyat ng magsalita si Dad. Tumingin naman ako sa kanila ni Mommy.

"Your professor said, he let you out of your lecture room while discussing the lessons. Unang araw ng pasukan Shandao, and this is how I'll know right away when I got home?" Kita ko ang pagkainis niya pero pinipigilan niya ang emosyon niya.

"He let me out, kaya lumabas ako what's wrong with that?" Ako
"what's wrong with you!!? He let you out don't you understand?" Dad
"ang turo niyo sakin maging masunurin, sumunod lang ako sa gusto niya anong Mali don?"

Matamlay kong turan d ko alam pero parang gusto ko yong naasar si Dad lumalaki butas ng ilong niya tapos namumula yong tenga

" Pero anak, you still did wrong, hindi ka nakikinig tama lamang na palabasin ka at nakipag away ka pa. Alam mo ba na one of those men you beat up is in the hospital? " Mom.

Hospital? ganon ba ako kalakas para mahospital sila? tsss pero kung yong pagkalalaki niya yong naapektuhan e talagang hospital ang bagsak niya or worst baka hindi na siya mag kaanak.

"What the hell is your problem bakit ganyan ka? You are already 21 Shan bakit napakairesponsable mo?" Sigaw ni Dad. Napakamot nalang ako sa leeg bago bumuntong hininga

" You should ask your own question" turan ko habang patango tango. Kung galit siya mas galit ako dahil hindi ko din maintidihan ang sarili ko. Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad patungo sa taas. "Come back here!!! Hindi pa tayo tapos" dinig kong sigaw niya.

"Let him, Zian he need to rest just talk to him tomorrow" dinig kong saad ni Mommy mabagal lang naman ang paglalakad ko kaya madidinig ko pa din sila. Nakakapagod ang araw na to.

CALVIN'S P.O.V

biglang tumahimik sa labas, dinig namin ang boses ni Tito Zian at Shan dahil sumisigaw sila, yon lang naman ang kaya niyang gawin honestly I never saw him na pinagbuhatan niya ng kamay si Shan.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now