🌷REVALATION (chap. 48)🌷

54 0 0
                                    

BRENT POV.

Nakatitig lang ito sakin at parang hindi nag aabsorb ang mga sinabi ko.
"Snakegang?"
"Alam kong kahit papaano hindi mo magagawa yon kay Shandao ang tanging pagkakamali lang ay nahulog siya sa iba na sa hinuha ko hindi mo parin matanggap, pero Aisha marami namang magagandang alala ang pinagsaluhan niyong dalawa, I am just hoping that you cherish every moment you have with him sana isama mo din ang pagkakataon na lumigaya ang taong minahal mo na din noon sa piling ni Zey"

Napayuko nalang ito, kita ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Kahit papaano naaawa din ako sa setwasyon niya, dahil alam kong nahihirapan siyang talikuran at kalimutan ang lahat.
"Hindi ko alam kung tama ba na bumalik ako, pero lahat ng ito wala akong alam"
"Wala kang alam? Walang ibang gagawa no'n kung hindi ikaw" nabaling ang atensyon ko ng tumunog ang phone ko. Bahagya akong lumayo para sagutin ang tawag.

"Calvin? "
"Umuwi na tayo may nalaman ako I think sapat na yon para magplano tayo sa susunod na gagawin" dahil malapit lang si Aisha mas pinili kong sumang ayon sa sinabi ni Calvin at hindi na sumagot. Iniwan ko nalang siya at agad na ding umalis

🌸🌸🌸

FASTFORWARD

DRAKE POV

"Find it Drake, ihanda nyo ang mga sarili niyo baka bukas makalawa hindi nyo kayanin ang pressure" napailing nalang ako ng maalala ko ang sinabi ni Liam, naipatong ko nalang ang siko ko sa gilid ng salamin ng kotse ko at habagyang napahaplos sa labi ko, napangiwi ako ng mahagip ng kamay ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nagkasuntukan kami ni Liam kanina. Nagmamaneho ako papuntang airport, doon na kami mag kikita kita para makabalik agad sa Shanghai.

Pagdating sa airport agad na akong lumabas ng kotse saglit lang akong nag hintay sa driver ko dahil kukunin niya ang kotse ko para imaneho pabalik sa mansion. Ng makita ko ito agad ko na ding ibinigay ang susi at agad na ding pumasok sa loob ng airport, nakita ko roon si Brent at Calvin sa waiting area.
"Anong balita? " agad na turan ko sa kanila.
"Wala na akong nalaman pa maliban sa impormasyong nakuha ko, Mukhang tama nga tayo dahil si Aiza at Aisha ay magkapatid" turan ni Calvin.

"Wala akong nalaman nung sinundan ko si Aisha. Nakapagtataka lang na balisa ito nung kausapin ko" Brent.
"Balisa? May nangyari ba? " umiling naman ito sa tanong ni Calvin .
" nabanggit ko kasi na may hinuha tayong nauugnay siya sa mga nangyayari kay Shan ngayon,  pero parang wala siyang alam" Brent
"Pweding mangyari yon, pero paano niya maipapaliwanag ang mga ebedinsyang meron tayo? hindi ako maniniwala kung itatanggi niya ang mga nangyayari dahil lahat ng mga nalaman natin ngayon nag uugnay sa kanya" ako

"May paraan pa naman para malaman natin ang totoo" Kunot noo kong binalingan ng tingin si Brent.
"Yong kapatid niya, yong Aiza na yon. Naisip ko lang na kung magkapatid nga sila isa lang ang magmamana ng trono, at ayon kay Zey si Aisha ang magmama no'n, hindi ba kayo nagtataka? Kamakailan lang nalaman ni Aisha na anak siya ng isang gangster at siya ang tagapagma samantalang ang isa nitong anak ay hindi manlang naipinagkatiwala ang trono sa kanya kahit na siya ang matagal ng nasa poder ng ama nila at higit na may alam kesa kay Aisha" paliwanag ni Brent, Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"So all this time baka nakikipagkumpitensya si Aiza para makuha ang trono na dapat ay sa kanya ipinagkatiwala?" Calvin.
"Teka lang ano naman ang kinalaman ng problema nila satin? "naguguluhang tanong ko.
"Naisip ko lang na baka nga tama tayo, ginagawa niyang pain si Shandao para isuko ni Aisha ang trono at mapunta yon sa kanya" napangiti naman ako.
"tsk in other words she is taking advantage of Aisha's weakness Iba naman talaga mag isip ang mga tulad nila, sino bang mag aakala na ganon katuso ang kapatid ni Aisha," napapailing nalang turan ko.

"Kailangan malaman to ni Shan, kailangan din nating mag plano, Malapit na ang Pagbaba ng ama nila sa trono ng mga gangster tiyak na uupo na din si Aisha para tanggapin ang responsibilidad niya, at gagamitin ni Aiza si Shandao para hindi matuloy ang magaganap na krononasyon at dahil kahinaan ni Aisha si Shandao siguradong makukuha niya ang gusto niya" mahabang litanya ni Calvin, Napailing nalang ako. Akalain mo nga namang nang dahil sa pag ibig nagugulo ang tahimik namin buhay.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now