🌷BETWEEN PT2 (chap. 17)🌷

57 1 0
                                    

SHANDAO POV.

Wala kaming imikan and still hindi pa din siya mapakali kahit pa nakatingin siya sakin.
"Look your partner eye to eye then think of it that you were bestfriend, a long lost best friend  see to it that you only saw each other after for so many years. Ask them, kamustahin nyo sila" panimula ni Ms. Ching

Napansin kong biglang lumungkot ang reaksyon ni Yuzey halata ko iyon ngunit hindi ko nalamang binigyan ng pansin gayon pa man ay nakatingin pa din ito sakin. I was seriously looking into her eyes hindi naman ako nabigo dahil kahit may pag aalinlangan ay ginawa pa din nito ang kanyang makakaya para lamang makatingin ng diretsong sakin.

Nakakadala ang titig niya, ang ganda pala talaga ng mga Mata niya na ngayon ko lamang mataman na napagmasdan ng mabuti. Ang tangos din ng kanyang ilong at itim na itim ang kulay ng buhok niya. Nakatitig lamang kami sa isat isa..
"Kamusta? Siguro you had a lot of good things happened in a longest year that we weren't together.. Mag kwento ka naman" panimula nito.

Bakit pakiramdam ko totoo lahat ng yon? Pakiramdam ko konektado ang tanong niya sa nararamdaman ko. Paano ako sasagot? Nasa likod ko lang si Liam at Aisha I'm sure maririnig nila ang sasabihin ko. Baka isipin nila na-.... Ahysssss no!!!! This is an activities I should do this at hindi ko dapat iniisip ang ibang tao lalo na kung katulad ni Liam na gulo ang dala at si Aisha na puno ng pagkamuhi.

CLOE POV

Natatawang nakatingin ako kay Liam he was looking at my back, I know its Zey and Shandao. If I'm not mistaken he was jealous. Tumingin ako sa likod ko and I saw Yuzey  laughing with her partner Shandao. Hmmm they look good and have chemistry. Napapangiting binalingan ko ng tingin si Liam.
"Hindi ka ba magtatanong?"
"Hindi kita nakilala kanina" napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

"Anong isasagot mo when Ms. Ching ask you a question about your thoughts of doing this activity?"

"I don't care" diretsong tanong niya.
"Can't you see? Hanggang tingin ka nalang ngayon. That's because you cheated on her" kalamong turan ko naagaw ko ang atensyon niya kaya umupo ako ng tuwid. Ni hindi ko man lang na damayan ang kaibigan ko nung mga panahong niluko niya si Zey. Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon dala dala niya pa din ang sakit na dulot ng panluluko niya.

"Sa wakas naagaw ko din ang atensyon mo"
"Cloe, siguro nga nakagawa ako ng pagkakamali at hindi ko naman yon nakakalimutan gayon pa man, wala kang alam sa nangyari isa pa pinag sisihan ko na yon so shut up"
"Bakit Liam? Dahil ba kaibigan lang ako iniisip mo na hindi ako makikialam? Nakakatawa nga e kahit wala ako nung mangyari yon may alam naman ako kahit papano. Isa lang ang malinaw doon you cheated on her"

Kita ko ang pagyukom ng kamao niya ngunit pinipigilan niya ang sarili niya.
"SHUT UP!!! Wala ka pa ring karapatang halungkatin ang pagkakamali ko dahil lahat ng yon pinag sisihan ko na!!!" napataas ang kilay ko ng sumigaw siya at biglang tumayo dahilan para maagaw ang atensyon ng iba at wala akong pakialam. Sinulyapan ko si Zey na nakatayo na at handang umawat.

"What's happening here? " sulpot ni Ms. Ching napabuntong hininga nalang ako bago tumayo.
"Kahit mag sisi ka pa ng mahabang panahon isa lang ang nasisiguro ko sayo. Huli na ang lahat Liam" binalingan ko ng tingin si Aisha na nagtatakang nakatingin samin.
"Huli na para mag sisi." Lumapit ako kay Liam bago bumulong.
"Walang mababago Liam you hurt her at hindi mababawasan ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ng best friend ko"

"Enough Ms. Ferrer, I'm warning you!! Go back to your seat!!" Umupo nalang ulit ako. Tahimik ang lahat ngunit mayat maya lamang ay nagsimula ng mag ingay iyon ay dahil na din sa pagpapatuloy ng mga ginagawa namin.

CALVIN POV

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid dahil sa nangyaring eksena kanina. Tahimik akong nakaupo habang balisa naman si Aisha. Hinihintay ko siyang magsalita. Maya maya lang ay naririnig kong tumatawa si Yuzey. Nasa likod ko lang sila habang nasa likod naman nila si Liam at ang babaing dahilan kung bakit napasigaw sa galit si Liam.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now