🌷 STRANGER AGAIN (Chap. 44)🌷

44 0 0
                                    

🌸🌸🌸KINABUKASAN🌸🌸🌸
-----S. F. B. U-----

CALVIN POV

Nandito ako ngayon sa Music room waiting for Shandao, nandito na din si Brent at si Drake naman ayon may kausap sa phone.
"mabuti naman po pakisabi po susunduin ko siya sa airport pagbalik niya" dinig kong sagot ni Drake. Sinong susunduin? Nakangiti nitong ibinaba ang tawag at naglakad palapit samin.
"sinong kausap mo?" Brent.
"Ahh mommy ni Cloe, nagising na siya" nakangiting sagot niya, kita ko ang pagningning na mga mata niya at yong saya niya.
"Haysss mabuti naman kung ganon, kelan daw siya babalik dito?" tanong ko at saglit na huminto sa pag tutog ng piano.

"Baka next week makauwi na siya" Napaawang ang bibig ko dahil sa nakikita ko sa reaksyon nito lukong Drake tsk halatang inlove din ang gago. Napailing nalang akong muling tumugtog.
"Pano si Enna? " Muli akong napahinto sa pagtugtog at napatingin sa gawi ni Brent na walang bahid ng pagbibiro ang sumiwalat sa reaksyon nito. Agad kong binalingan ng tingin si Drake na animoy Hindi niya alam ang isasagot at kita sa mga mata niya na tila ba nakalimutan niya si Enna.
"Kami? Ganon pa din naman, siya pa din naman ang babaing minahal ko mula umpisa" seryosong sagot niya. Tumayo ako sa pag kakaupo at nilapitan sila.

Umupo ako sa tabi ni Brent habang seryoso pa din si Drake.
"Talaga? Ibig mo bang sabihin, Mahal mo si Enna at Mahal mo din si Cloe? " tahimik lang ako at hinihintay na sagutin ni Drake ang tanong ni Brent. Honestly si Brent babaero siya pero never siyang nagbigay ng motibong may gusto siya sa mga babaing nakakadate niya. Bago niya yayain ang babae sa pakikipagdate he always say 'hindi kita gusto kaya kung umaasa kang susuklian ko ang pagmamahal mo wag mo kong lapitan because all I want is to have fun at hindi kasama doon ang pagkakaroon ng relasyon sa mga babaing gusto kong makadate'

Nakakabilib na ganon siya kahit napakaraming babaing napapasakanya he never take advantage. Kaya sa puntong ito naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig, Enna is our friend at hindi lang basta kaibigan we treat her as our own sister.
"Ano bang sinasabi mo? Cloe is just a friend sino ba ang magkakagusto sa katulad niya? Napakawarfreak niya lag-"
"Cut that crapt Drake. Alam mo sa sarili mo ang totoo mong nararamdaman wag mong gawin to, kung Mahal mo si Enna tuparin mo ang pangako mo not just because it's a promise pero dahil Mahal mo talaga siya, pero kung si Cloe and gusto mo diretsahin mo si Enna kahit Hindi niya sabihin sayo she was hurting pinagsasabay mo ang dalawang babaing walang ginawa kung hindi ang mahalin ka"

Tahimik akong nakikinig sa diskusyon nila I think hindi ko kailangan magbigay ng opinyon dahil lahat na yata ng gusto kong sabihin nasabi na ni Brent. Napayuko na nalang si Drake. I just tapped his shoulder.
"Brent is right, Hindi ka ganyan Drake. If you really love Enna you should tell her kasi nasasaktan mo siya" pagsang ayon ko.
"Hindi ko din alam" napasandal nalang ako sa upuan dahil sa sagot niya.
" Sundin mo ang puso mo. Kung nahihirapan ka mas mahirap ang setwasyon ni Cloe you know what why? Because sooner or later she will be your wife at alam natin pareho na higit na nahihirapan si Cloe dahil kaibigan niya si Enna" Brent.

"Calvin si Shandao parang nag-aaway yata sila ni Yuzey!!! " sigaw ng isang boses mula sa pinto ng music room, agad kaming napatayo at agad na ding tumakbo palabas. Tinakbo namin ang hallway kung saan nag kukumpulan ang mga estudyante. marahas naming tinatabig ang mga estudyanting nakaharang sa daraanan namin. Agad na hinablot ni Drake ang braso ni Zey mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Shan.
"Anong ginagawa mo!! " Tila inis na turan ni Drake. Pumaling ang atensyon niya kay Zey.

"Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Brent, kunot noo kong tiningnan si Shandao, puno ng galit at pagmuhi ang itsura nito. Hindi ko makitaan ng kahit na anong awa ang mga mata nito.
"Ano bang nangyayari sayo!!" sa sobrang gulo ng nangyayari napasigaw na din ako, pakiramdam ko lahat kami umiinit na din ang ulo. Tiningnan lang ako nito at agad na tumalikod.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now