🌷HIMUTOK (chap. 21)🌷

62 0 0
                                    

YUZEY POV

Nasa labas ako ng Venue, nakaupo sa isa sa mga upuan dito. Maganda naman dito napapalibutan ng ilaw at tanaw ko ang magagandang building. Nabaling ang tingin ko at nagkataon na sa kanya ako napatingin. Kalalabas lang ba niya sa Venue? Ano bang ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko nagbibigay ng message ang Dad niya. Nangunot ang noo ko dahil hindi siya mapakali.

Naging palaisipan sakin yon. Nag aalala ba talaga ako? Kamusta na kaya siya? For sure kahit na masungit siya kita kong nahihirapan siya dahil sa nangyayari ngayon.
"Ano bang ginagawa niya? bakit hindi siya mapakali?" Pabulong na tanong ko. Haysss ano bang pakialam ko sa kanya. Nakakainis naman.
"Can we talk in deep!!" Bahagyang napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na yon.

Agad akong tumayo ng mapagtanto kong babae iyon.
"Ms. Chua? What are you doing here?" Hindi naman siguro nag kataon lang, Hindi naman siya business woman.
"Dapat ba ikaw lang ang nandito?" Nginitian ko naman siya.
"That's not what I mean. Tinatanong ko lang naman"
"I'll direct you to the point. I'm here to tell that you should stay away from him" Hindi ako nakakibo sa sinabi niya.

"Bakit naman kita susundin?"
"Dahil yon ang gusto ko kung ayaw mo ng gulo sundin mo ko" turan nito na may pagbabanta.
"What do you mean? I don't know what are you talking about"
"Liar!!! Don't act like you don't know anything. Alam kong alam mo ang sinasabi ko alam kong gusto mo siya" napatawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero natatawa ako e.

"Sandali lang. Pinagtitripan mo ba ako?" Hindi siya sumagot sa halip ay umalis nalang. Ramdam ko ang pagkawala ng ngiti ko. Anong nangyari? Mahal niya pa? Pero hindi ko naman gusto si Shan, kaibigan lang ang turing ko doon. Malabo pa nga yon dahil-
"Anong ginagawa mo dito? Mahamog na at malamig na din" napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang kalmado ngunit malamig na boses na yon.

"S-shandao? Ah- ano wala naman" bakit nauutal na naman ako? Umupo ito kaya kahit may pag aalinlangan umupo na din ako.
"Anong pinag usapan nyo?" Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang lalaking to.
"Nino?"
"Ni Aisha. I saw her leaving bago ako lumapit dito" tumango tango naman ako.
"Wala yon. She just tell me to stay away from you" napailing nalang ako. Hindi ko alam pero may parte sakin na kumukontra na wag sabihin yon.

"Lumayo ka sakin?" Takang tanong niya na ikinatango ko nalang. Kanina lang sinusungitan niya ako ngayon naman kinakausap niya ako asking me what Aisha and I talked.
"Don't worry gagawin ko ang gusto niya. Isa pa wala namang dahilan para maging malapit ako sayo" nakangiting turan ko. Ano bang nangayayri sakin? Bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ko.

"Nga pala ibabalik ko lang sana to" turan niya sabay abot ng bag. Nakangiti akong tinangap yon.
"Sorry kung ngayon ko lang naibalik. Wala kasi akong oras para sa mga ganyan" turan niya. Nag sorry ba siya? Seryoso ba yon?
"Thank you" ngiting sagot ko
"Ah Zey. I'm sorry gusto kong humingi ng tawad tungkol sa mga nagawa ko"
"Ano ka ba? Wala yon isa pa wag kang mag sorry di ako sanay na sayo nanggagaling yan. Isa pa wala ka namang dapat ihinga ng tawad." turan ko habang napapatawa.

Pansin kong nakatitig lang ito sakin bago ito yumuko. Bat ba ang seryoso niya? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.
"Meron"
"Ano ba kasi yon?" Bumuntong hininga naman siya bago mapailing.
"Honestly lumapit ako sayo because I want someone to get jealous. Nakakainis man aminin but I still in love with her kahit na nasaktan ako dahil sa ginawa niya"

"Si Aisha ba ang someone na yan? Ayos lang yon" bakit ba siya nag kukwento nakakainis.
"Gusto kong ayusin kung nangyari sa amin"
"Gusto mo? Pero bakit iniiwasan mo siya?"
"Hindi ko din alam, minsan hindi ko maintindihan kung takot lang ba akong subukan at bigyan siya ng isa pang pagkakataon para lukuhin ulit ako" ganon ba yon? Bakit wala akong masabi? Dahil takot din ba ako na malaman niya ang totoo? Ano ba talagang nangyayari sakin?

THE BILLIONER SPOILED BRATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora