🌷PROBLEMANG PAMILYA (Chap 12)🌷

68 0 0
                                    

SHANDAO P.O.V

                      🌸*****VIDEO CALL*****🌸

"Galit siya sakin" walang ganang turan ko, kahapon pa kami walang kibuan ni mommy hindi ako sanay, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. " Yan na nga ba ang sinasabi ko e, and I'm sure hindi ka pa napapagalitan ng Dad mo tama ba?" Napatitig lang ako sa screen dahil sa sinabi ni Drake.

"E sino bang hindi magagalit sa ginawa mo? Isipin mo yon isang gabe kang nawala, walang text, walang tawag tapos I went to the bar to pitch you up there pero wala ka doon" Calvin
"Isa pa yon, for sure si Ms. Smith ang kasama mo nung gabing yon" Bryan.
" kung siya ang kasama ni Shan, bat hindi manlang siya tumawag? O di kaya hinatid tong luko na to siguro naman alam niyang anak to ng nag iisang Zian Del Vega "

"Drake kumalma ka nga, ang daldal mo naman yata. I don't want to talk about that anymore" naiiling na turan ko.
"Wait... Magsabi ka nga ng totoo wala ka ba talagang natatandaan sa nangyari kagabe o talagang nagpapanggap kang walang natatandaan?" Calvin
"Wala nga bat ang kulit nyo!!??" napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng katok mula doon

"Sir pinapitawag po kayo ng Daddy nyo, nasa office room po siya"
"Ohh for sure pagagalitan kana" Drake
"Sige po manang susunod na po ako" mahinang turan ko sapat na para marinig ako nito mula sa kwarto.
"Sige na mag kita nalang tayo bukas, may gagawin pa ako e" Bryan.

"Good luck bro" Drake
"Ilista mo yong pag aawayan nyo pagsisikapan kong intindihin at basahin ang mga paliwanag mo" nailing nalang ako sa sinabi ni Calvin.
"Kahit kelan talaga Calvin galing mong magpatahimik ng tao ano?" Bryan.
"Sige na pupuntahan ko muna si Dad" turan ko sabay tiklop ng laptop. Agad na din akong tumayo at lumabas ng kwarto para puntahan si Dad sa office room niya.

Palagi siyang nasa loob ng office niya, tsk baka madaig niya sa payaman ang presidente ng China....  Teka wala talaga akong maalala sa nangyari nung araw na yon, napapaisip tuloy ako kung anong mga ginawa ko nung gabing yon.

            🌸******AT THE OFFICE ROOM*****🌸

"Dad" tawag ko sa kanya habang papasok ako sa office niya. Nakaupo ito habang hawak ang ball pen at dahan dahang nilalaro sa lamesa niya, bahagyang napasulyap ito sakin ngunit agad ding ibinalik sa lamesa ang atensyon niya.
" alam kong nasa tamang edad kana Shan and I don't need to tell you what to do anymore" alam naman pala niya ano pa bang dapat pag usapan? Tsk pagkakamali ko na naman yata yon.

" alam ko po yon, at hindi nyo na kailangang abalahin pa ang sarili nyo para lang sa mga nagagwa kong pagkakamali." Agad itong napatingin sa direksyon ko sabay tayo at lumapit sakin.
" alam mo? Pero bakit paulit ulit tayo? Hindi kana bata" napangiwi ako sa sinabi niya.
" that's the point here Dad, I'm not a kid anymore, kaya pwedi kong gawin ang gusto ko. Tsaka Una palang naman pagkakamali ko lang ang nakikita mo at wala ka naman talagang pakialam sakin"

"Wag mo kong ka kausapin ng ganyan!!!" madiing turan nito habang mahigpit na nakahawak sa braso ko, medyo ramdam ko ang pamamanhid at pag hinto ng dugo ko sa itaas na bahagi ng braso ko.
"Bakit hindi!!!!? Ayaw mo bang malaman kung anong nararamdaman ko!!!!? Ayaw mo bang malaman kung gaano ka kawalang kwentang ama para sakin!!!? Alam mo ba n-..." Nahinto ako sa pagsasalita na siyang pag bitaw niya sa braso ko.

Mahigpit kong naiyukom ang kamao ko dahil gusto kong sabihin lahat pero wala akong lakas ng loob para isumbat yon sa kanya.
"We didn't raise you to be rebellious, ano bang nangyayari sayo? Binibigay ko ang gusto mo ano pa bang kulang Shandao!!"
"Hindi ko hiningi yon, kusa mo saking ibinigay, tapos ngayon tatanungin mo ko kung anong nangyayari sakin?" Ramdam ko ang pag tulo ng lekido sa mukha ko.

Kita ko ang paglambot ng ekspresyon ni Dad. Tumalikod ito at naglakad pabalik sa sa table niya.
" Ginawa ko po lahat para maging proud kayo sakin. Sinunod ko ang gusto mo kahit ang larong yon Dad. Alam mong ayaw ko sa larong yon pero dahil sa kagustuhan kong makuha ang atensyon mo sumunod ako sa gusto mo hoping that you will change!!!! "

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now