🌷SUSPENDED (chap. 22)🌷

57 1 0
                                    

🌸SAN FRANCISCO BRIDGE UNIVERSITY (S.F.B.U.)🌸

Still SHANDAO POV

Agad kong hininto ang kotse ko sa tapat ng señor building. Agad akong bumaba. Hindi ko pa man naisasara ang pinto ng biglang may humila sakin palayo doon. Saglit akong huminto sa pagtakbo at marahas na tinanggal ang kamay ng humila sakin ng hindi ito tinitingnan. Nakatingin lang ako sa mga reporters na nasa harapan ko na ngayon ay pinipigilan ng mga butlers ko kasama ang butler nila Calvin, Brent at Drake.
"TABI!!!!" Dinig kong sigaw ng isang boses.

Reporter? Ang dami nila. Bakit hindi ko manlang mapansin yon?
"Sinabi ko naman sayo diba? Bat ba hindi ka makinig kahit saglit lang? Kung hindi ka pa hinila ni Bryan palayo doon at kung hindi pa kami dumating baka dinumog ka na mga reporters na yan" paninirmon ni Drake. Napatingin ako kay Brent na nakatingin lang din sakin. Ano bang tinutukoy niya? Yong hindi ko pag payag sa mga butler ko na sumabay sakin sa iisang sasakyan?.

"Sana pala hindi nalang muna tayo pumasok" Brent. Hindi nalang ako sumagot sa halip ay nagpauna na akong naglakad. Wala akong maisip, ano bang nangyayari?
"Ang dami nila for sure hindi nila tayo titigilan hanggat hindi sila nakakakuha ng scoop" Dinig kong turan ni Calvin. Nasa likod ko lang sila.
"Bakit hindi nyo sinabi na may butlers din kayo?" Biglang tanong ko habang naglalakad at hindi tumitingin sa kanila.

"Para saan? Para pagbawalan mo din kaming makialam sa plano mo? Walang saysay kung sasabihin pa namin. Isa pa hindi naman malaking bagay yon" mungkahing turan ni Drake na ikinahinto ko.
"Bakit?" Brent. Nakatingin lang ako sa babaing nasa harapan ko. Muli akong naglakad pero pinigilan niya ako.
"Shan pwedi bang mag usap muna tayo? Kahit saglit lang" mungkahi nito.
"Tumabi ka" maikling utos ko hindi iyon mensahe gusto kong lumayo na siya dahil kapag hindi ako na kapag pigil baka makalimutan kong minsan ay naging parte siya ng buhay ko.

Naglakad ako dahilan para lampasan siya pero hinawakan nito ang kamay ko dahilan muli ng paghinto ko.
"Please"
"Aisha pwedi ba? Wag ka ng lumapit pa sakin? Hindi maganda ang setwasyon ko ngayon at ayukong makasakit ng tao alam mong ikaw ang dahilan nito kaya kung pwedi lang umiwas ka muna" hindi ko iniasahan na sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon nagagawa niya pang humarap sakin.

Ramdam ko ang sunod sunod na yabag palapit sa kinaroroonan namin.
"Talaga bang ganon siya ka walang hiya? Nakuha niya pang lumapit satin" dinig kong turan ni Brent. Humarap ako sa kanila at tumingin kay Michael at Jack.
"Stay here, hindi na sila makakapasok pa" pag bibilin ko sa kanila. Agad na akong humarap sa faculty building kung saan ang office ng dean.

CALVIN POV

"Mr. Del Velga?" Kunot noo akong napatingin kay Ms. Cheng, bakit gulat na gulat pa siyang nakita niya si Shandao.
"May problema ba?" Drake.
"A-ah w-wala mabuti at nandito kayo" sagot nito. Walang pasabing umupo si Brent kaya umupo na din kami.
"Akala ko hindi kayo makakapunta dito"
"Akala mo lang yon, ano bang dahilan kaya mo kami pinapunta dito?" Shandao.

"Siguro naman aware kayo sa nangyayari ngayon, gusto kong malaman nyo na dahil sa nangyayari naaapektuhan din ang university"
"Can you just say it? Wala kaming panahon para dito" Brent.
"I'm sorry to say this pero na kapag desisyon na ang may ari ng university. Kung maari sana ay wag munang pumasok si Mr. Del Vega lalo na at malaki ang problemang kinakaharap ng pamilya niya"

"Ms. Cheng sayo na nanggaling yon problemang pampamilya ito kaya wala kayong dapat na ipag alala. Wait, are you saying that I am suspended?" Shandao. Hindi nalang kami kumibo ganon din yong dalawa.
"Hayaan mo siyang magpaliwanag" Turan ko.
"Look, we are not suspending you Mr. Del Vega gusto lang namin na maging ligtas kayo maraming reporters hindi nila kayo titigilan hanggat walang nakukuha sa panig nyo as long as this issue doesn't end baka ikapahamak mo pa ito" pagpapaliwanag niya

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now