🌷 DOUBLE DATE (Chap. 33)🌷

46 0 0
                                    

🌸 KINABUKASAN 🌸

Sa isang napakagandang restaurant na kung tawagin Le Grand Restaurant at naroon ang isang lalaki,  umiinom ito ng kape habang may hinihintay. Napakaganda ng silid halatang mamahalin ang mga nakapaloob doon at tanging mayayaman lamang ang makakapasok sa lugar na yon.
"Good morning Ma'am and sir welcome to La Grand Restaurant" nakangiting bati ng babaing nasa entrance napatingin doon ang lalaking kanina lang ay nag kakape. Bukod kasi sa malapit siya sa pinto ay nasa spot din nila ang napakagandang view.

Galit na naiyukom niya ang mga kamay ng makita niya ang dalawang taong iyon. Sinundan niya ito ng tingin, pinag hila ni lalaki ng upuan ang kasama nitong babae na ngayon ay nakatingin sa kasamang binata, hindi na napigilan pa nitong Titigan lang ang dalawa kaya naman ay lumapit na ito sa kanila.
"ohhh, what a coinsidence.  Its nice to see you here Shandao" nakangiting turan ng lalaki na para bang natural lang ang lahat at walang namamagitang hidwaan sa kanilang. Hindi pa man ito inaalok ng upo ay agad na din itong umupo sa tabi ni Zey.
"Kamusta" turan ni Liam at tumingin ito kay Zey na hindi lang kumikibo, napalitan ng pag aalala ang mata niya ng makita niya ang maliit na marka ng pagkakabagok ni Zey.

"Babe, you should set here beside me" nakangiting turan ni Shandao kumurba naman ang paglukot ng noo ni Liam sa narinig naiilang na ngumiti si Zey bago tumayo at tumabi kay Shandao. Kahit naiinis si Liam ay pinilit niyang maitaas ang kamay para makita siya ni Aisha na kakapasok lang tila nagulat naman ang babae ng makita ang dalawa.
"Shan nandito din pala kayo? " turan ni Aisha kahit na kita ang pag kainis at galit ay hindi niya iyon pinahalata, bigla namang nakramdam ng kaba si Zey naalala niya ang tinanong ni Drake sa kanya bago pa man sila pumunta ni Shandao dito sa Paris.

Napapaiwas nalang ng tingin si liam dahil sa namumuong titigan nila Shandao at Zey. Sinasadya ba talaga nilang magtitigan sa harapan namin?
" Babe take your order now para makaalis na tayo" Shandao
"What!!!!!! " napapikit nalang si Liam dahil sa pag sigaw ni Aisha, nagmumukha tuloy silang mga tanga dahil sa ginagawa nila.
"is there a problem?" Shandao
"Aisha you should take your order too" turan lamang ni Liam. Nairap lang si Aisha kasunod noon ang pagbaling niya ng tingin sa ibang direksyon. Muling dinaluhan ng tingin mo Liam yong dalawa.

Nakangiti naman si Zey habang nakaabay naman si Shandao dito. Humugot ng malakas na hininga si Liam at umayos ng upo. Dumating naman agad yong order.  Tahimik lamang na kumakain ang apat pero si Zey at Shandao at napakasarap naman talagang pagmasyadan masasabing mahal nila ang isat isa dahil sa pinapakita nila. Samantalang nakatitig lang sa kanila si Aisha hindi pa nagagalaw ang inorder nito ngunit si liam naman ay hindi na magawang lunukin pa ang kinakain nito.
"Babe" malambing na turan ni Shandao habang seryosong nakatingin si Liam at Aisha sa kanila.

"kaya ko na" nakangiting turan ni Zey sinusubuan kasi siya ni Shandao kahit na naiilang at pinili ay mas gusto niya pa din ang nangyayari sa kanila ni Shandao.
"Sige na,  ginawa na natin to since last day kaya bat ka nahihiya dyan? Isa pa gusto kong inaalagaan ka" nakangiting turan ni Shandao. Biglang natahimik si Zey. Tila bumagal ang paligid niya, yong pag ngiti ng labi ni Shandao unti unti ding bumagal. naiisip niya pano kung totoong sila na talaga? paano kung mahal nalang nila ang isat isa?  paano kung itong ginagawa nila ngayon ay bukal sa puso nila at walang bahid ng pagpapanggap? Pero hanggang doon lang yon nasa harap nila ngayon ang babaing totoong mahal nito.

"Hey,  babe are you okay?" napangiti nalang ng pilit si Zey, tumango siya at kinain ang nakahain sa kutsara na isinusubo sa kanya ni Shandao.
"Where do you want to go after this? " nakangiting turan ni Shandao habang nag hihiwa ng pork sa plate niya.
"Ikaw kung saan mo gusto" ngiting sagot ni Zey,  tumawa lang ang dalawa. Gulat na napatingin si Zey sa harapan niya ng marahas na binitawan ni Liam ang kobyertos. Kunot noo namang binalingan ng tingin ni Shandao ang binata.
"Baka langgamin na kayo niyan" asik ni Liam habang kita ang pagtagis ng bagang.

"Ha? Ahh nandito pa pala kayo? " tila gulat na turan ni Shandao nawala sa isip niya na kasama pala nila ang dalawang taong ayaw nilang makita, nagpipigil naman si Liam halatang hindi na niya makakaya pa pero buti nalang at nasa harapan niya ang babaing gusto niyang kasama. Hanggat maaari ay sinusulit nito ang mga oras na magkasama sila.
"By the way kamusta kana pala Shandao"Liam
"I heard the news about you" napapangiwi nalang si Shandao. Ako ba sinusubukan ng hayop nato? Nagmamaang maangan pa siya, maghintay kalang Liam araw mo ngayon kaya siniswerte ka pa.
"I just wondering,  paano nangyari yon? Ikaw naman ang pumili ng lugar diba?"

"Ah yon ba? Ahh ako pala ang pumili, will never mind lahat ng pagkakamali lalo na kung hindi sinasadya may sulosyon yon" kampanting turan ni Shandao, Nakadekwatro pa ito habang umiinom ng wine. Tanging pagngiti nalang ang naisagot ni Liam.
"Excuse me" Zey
"Babe punta lang ako ng restroom" pagpapatuloy ni Zey.
" Yeah sure bumalik ka kaagad ha?" Nakangiting tumango si Zey at agad na ding tumayo. Inis na ding umalis si Aisha.
"ikaw ha, bakit hindi ko manlang na pansin na may mali sa lugar na yon buti nalang nalusutan ko yon" nagising turan ni Liam.

Nawala ang ngiti ni Shandao ngunit hindi iyon sapat para mapansin ni Liam kung titingnan siya natural na reaksyon lang iyon. Kalaunan ay napangisi nalang si Shandao habang naiiling. Ramdam ni Liam na may hindi magandang nangyayari. Bakit parang hindi siya na nababahala?

YUZEY POV

Nagmamadali akong naglakad palayo sa table na kinaroroonan namin. Napahinto ako at napahawak sa dibdib, yong dibdib ko parang bomba napakabilis ng tibok. Napamulagat ako ng bigla bigla nalang may humawak sa balikat ko at hinila ako.
"Mag usap tayo" Doon ko lang nakilala kung sino ang taong yon, kita ko ang galit niya naiinis na hindi ko maintindihan. Kung nakakapaso lang nag pag hawak baka kanina pa nagkaroon ng lapyos ang braso ko.
"Hey let me go" pagpupumiglas ko ng matauhan ako.
" Kayo na ba ha!! " marahas niyang binitawan ang braso ko. Gusto kong sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko. Anong ikinagagaglit niya?

"Ano?!!! Bakit hindi ka makasagot?"
"Oo!! " bulyaw ko din.
"Ang bilis mo din naman, akala ko inosente ka at walang alam sa ganito nasa loob lang pala ang kulo mo"
"Yon din mag akala ko sayo noon na inosente ka but then?  I was wrong, at bakit ka nagagalit? Hindi na kayo Aisha so better get yourself away from us" napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya.
"Hindi ako papayag,  you must prepare yourself,  i already warn you" hindi ko alam pero bigla nalang bumugso ang galit ko,  pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko din siya nasampal.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan? Pinalampas ko yong panluluko nito ni Liam Aisha at wala kang narinig mula sakin, kaya hindi na ako papayag na makuha mo ulit ang gusto mo. Kahit sino ka pa i will never let you get want i have" napapikit nalang ako ng akmang sasampalin na naman niya ako.
"AISHA!!!! " Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Shandao, Patakbo itong lumapit sakin.  Hindi ko na napigilan pa at napaiyak nalang. Bakit hindi ko magawang lumaban? Bakit hindi ko magawang sampalin din siya pabalik?
"Ayos ka lang ba? " tanong nito sakin naramdaman ko ang marahan na pagdampi ng  kamay ni Shandao at pinunasan ang pisngi ko.
"anong ginawa mo!! " Napahawak ako sa braso ni Shandao ng mahigpit nitonh hinawakan ang pulsuhan ni Aisha habang nakataas sa ere.

"Bakit mo ba ginagawa sakin to!!" Hindi ko kaya to,  feel ko tinatraydor ako ng sarili ko dahil nadadala din ako sa pag iyak niya. Dahan dahan na binitawan ni Shan ang kamay ni Aisha. humahagulgol na ito at napipiyok pa habang nagsasalita.
"Anong sinasabi mo ha!" Shandao
"Bakit mo ba ko pinapahirapan? Shandao bumalik na ako para sayo,  alam mo bang dahil sa ginawa mo nadudurog ako!!! It caused so much pain when you are ignoring me, ginawa ko na lahat pero HINDI MO MAAPPRECIATE YON!!!! " kita ko ang paglambot ng reaksyon ni Shandao feel ko anytime yayakapin niya si Aisha and it makes me scare.

"Stop your nonsense bit*h you dont have the right to say that, he is now my boyfriend and he doesn't care about you anymore. Just let the hell him go!!" Sigaw ko,  hindi ko na alam ang gagawin ko kaya agad ko ng hinila palayo si Shandao. Nang makalabas kami sa restaurant ay agad ko siyang binitawan saglit ko siyang pinagmasdan ngunit agad din akong nag iwas ng tingin at naglakad nalang papunta sa kotse.  Kita ko sa rare mirror ng kotse. Mayat maya lang ay sunakay na ito. Hindi ko siya matingnan kaya iginugol ko nalang ang atensyon ko sa labas. Tahimik naming tinatahak ang daan sa kung saan.

"Y-yong pisngi mo" saglit muna akong natigilan at sa wakas nagawa ko din ang tumingin sa kanya.
"I'm sorry"
"No its fine,  i should be the one to say sorry" kahit na may pag alaala man ay hindi nalang iyon pinansin si Shan hindi siya sanay na makita yong ganong bakat sa mukha nito, kahit na hindi niya maintindihan kung bakit sila nag aalala sa babaing kasama niya,  dahil bata siya ang dahilan king bakit ito naroon at nakita na naman ito ni Aisha kaya napagbalingan ito ng dalaga. Muli niyang tiningnan si Zey pero nginitian lang siya nito.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now