🌷GALIT (chap.35)🌷

44 1 0
                                    

Nakaupong nagbabalat ng orange si Melvin, habang sinasabi Michael, George ay nag aayos ng gamit ni Carlos na ngayon ay nakahiga sa hospital bed. Si Jack naman sinundo ang mag asawang Del Vega.
"Haysss nakakainis ang sakit ng panga ko" Reklamo ni Melvin, bahagyang napatingin sa kanya si Carlos. Isang taos pusong paghingi ng tawad ang gusto niyang sabihin pero hindi naman niya magawa dahil hindi siya makagalaw, sabi ng doctor sa kanya malala ang injuries niya lalo na sa braso iyon ang nagsilbing panangga at naipwersa niya ng itulak siya ni Shandao kahapon.

"Grabe, Hindi ko akalaing mas malala pa pala si sir Shan sa ama niya. Mas nakakatakot siyang magalit"George
"Teka lang Carlos sino pala ang nag utos sayo na gawin yon? " umiling lang si Carlos Ayaw niyang pangunahan nag setwasyon tiyak na hindi iyon papayagan ni Mr. Del Vega kaya hanggat hindi dumadating ang taong iyon wala siyang sasabihin.  Sabay sabay silang napatingin sa pinto ng kwarto ng bumukas ito at iniluwa ang isang lalaki. Nakatayo lang ito habang seryosong nakatingin sa kanila. Agad agad namang tumayo ang iba at yumuko simbolo ng pag galang nila.

"Mr. Del Vega, nakabalik na pala kayo" turan ni Michael, naglakad ito palapit sa grupo. Hindi niya gusto ang nalaman mula kay Mr. Reyes, pangamba ang namutawi sa grupo ng kalmado nitong tiningnan si Carlos. Batid ng mga ito na hindi ito magagalit pero dahil sa ginawa ni Carlos tiyak nilang hindi iyon matutuwa lalo na at wala naman itong Ipinag utos sa kanila na gawin ang bagay na iyon.
"Hindi kita tatanungin kong ayos ka lang. Carlos ako ang nagpasok sa inyo para bantayan ang anak ko,  Hindi ko inaasahan na gagawin mo ito" dismayadong turan ni Mr. Del Vega.
"sir patawarin nyo po ako alam kong mali yon pero sapat ang rason ko" kunot noo nitong tiningnan ang binata bago balingan ng tingin ang iba.

"Lumabas muna kayo" nag aalalang tiningnan ng mga kaibigan niya si Carlos.
"Don't worry hindi ko siya papatayin because if I do? I will not be here anymore" nagtutulakang umalis ang mga ito at naiwan naman si Carlos at si Zian sa loob.

ZIAN POV

Nang malaman ko ang nangyari nakapagdesisyon akong bumalik dito sa Shanghai. Isa pa may nais ako linawin, mas lalong gumugulo ang setwasyon at mas lalong gugulo kung hindi ko malalaman ang sagot I don't have any idea who is behind this pero natitiyak kong isa itong pakana para iparating ang babalang iyon.
"Sir patawarin nyo po ako alam kong mali yon pero sapat ang rason ko"
"Carlos alam mo ba na, ang envelop na inabot ni Brent kay Shandao ay hindi galing kay Mr. Chi? " kahit nanghihina pa ito ay pilit niyang iniupo ang sarili.
"Pero sino ang gagawa noon? Isa pa umamin na ako sa kanya kaya hindi ko na mababawi ang sinabi ko, sobra ang galit niya sakin baka hindi niya ako patawarin"

Hindi agad ako nakasagot. Napapailing akong humakbang, si Shan grabe magalit ang batang iyon,  ano ba naman yong ginawa niya kay Carlos kung mahina lang ang pangangatawan nito baka napatay niya na si Carlos.
"Hindi ko alam kung sino ang nagset up noon,  kaya ako nandito para sabihin sayo na si Jack muna ang papalit sayo at magiging kasakasama ni Shandao sa ngayon iwasan mo muna siya"
"Pero sir dapat si Michael o kahit si Melvin ang pinasama mo mas komportable ako roon"
"hindi iyon mahalaga Carlos tiwala ako kay Jack kahit na bata siya kay Shandao batid kong kaya niyang pangalagaan ang anak ko"

"Sir,  ano nga pala ang tungkol sa set up? "
"Habang nasa London ako at pinag uusapan ang gagawin may nakarating saking balita, may nakakita daw kay Mr. Chi sa London hindi lang ito nag iisa, marami sila at basi sa nakakita puno ng takot si Mr. Chi nakapagtataka iyon dahil kung kasabwat siya bakit nila ito gigipitin" pagpapaliwanang ko, alam kong myembro ng Snakegang sila Carlos pero matagal na silang tumiwalag sa grupong iyon ngunit ang may hawak noon ay hindi ko alam kung sino,  kahit sila Carlos hindi nila alam kung sino ang namamahala noon, nakapagtataka lang na nasangkot si Shandao sa ganitong setwasyon gayong labas sila sa mga problemang pang gangster lang.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now