🌷GUILTY (chap. 20)🌷

60 2 0
                                    

🌸******LONDON****🌸

ZIAN POV

Tahimik kong tinatahak ang daan papunta sa company building.
"Sir ayos lang po ba kayo?" Tanong sakin ni Michael siya ang nag mamaneho sa kotseng sinasakyan ko. Hindi ako sumagot.
"Sir gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil wala kaming alam tungkol sa nangyari. Nakasunod kami sa kanya pero talagang magalino si sir Shan kahit gaano kami kalapit sa kanya palagi siyang nakakagawa ng paraan para hindi namin malaman ang ginagawa niya"

Seryoso akong napatingin sa kanya. Kasalanan ba nila kung hindi nila magawa ang trabaho nila? O kasalanan ko dahil ako ang ama pero hindi ko siya mabantayan?
"Wag mong isipin yon maayos ko din to" hindi ito sumagot sa halip ay yumuko lang bago tumango. Ng makarating kami sa company building agad itong lumabas at pinag buksan ako ng pinto.

Inayos ko ang suot ko ng makalabas ako ng sasakyan. Habang dala dala naman ni Michael ang bag ko.
"Good morning Mr. Del Vega" pagbati ng isa sa mga staff hindi ko iyon pinansin sa halip ay tuloy tuloy lang ako sa paglalakad huminto ako sa tapat ng elevator na siyang pag pindot ni Michael sa 34th floor. Tumunog ito at agad na kaming pumasok.

Ilang minuto lang at agad na din kaming lumabas. Inutusan ko si Michael na bumaba na lamang bago ko kunin ang bag ko. Ng makarating ako sa opisina papasok palang sana ako ng salubungin ako ng secretary ko. Kinuha niya ang bag na dala ko at bahagyang yumukod.
"Mr. Del Vega nag hihintay na po ang board para sa meeting" nakayukod na mungkahi nito.
"May meeting ako ngayon?"

"Yes po Mr. Del Vega tumawag po ako sa inyo para sa biglaang pagpapatawag ng meeting" napatingin ako sa ibang direksyon. Dahil sa nangyayari ngayon nakaligtaan ko na ang mga bagay na ito. Hindi ako sumagot sa halip ay agad akong naglakad tungo sa conference room. Pagdating doon ay agad akong pumasok sa loob naabutan kong tahimik ang lahat habang nag hihintay sakin.

May iilan sa kanila na tila ba kinakabahan at hindi pa mapakali.
"I want good news. I postponed my vacation just for this meeting" kalmado kong saad. Nangunot ang noo ko ng wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
"Wag nyong sabihin na uupo lang tayo dito!" Salit salitan ang mga tingin nila sa isat isa habang nangungunot ang noo ko.

"Ah Mr. Del Vega bumababa po ang sales natin ngayon" CMO (Chief Marketing officer) medyo kabado ito at napapayuko.
" The charges of our suppliers are also increasing" COO (Chief Operating Officer)
"Kailangan na pong palitan ng bago ang mga machines" CTO (Chief Technology Officer) napapikit nalang ako sa mga narinig ko.
"Ibig sabihin lahat ng to nangyari lang ngayon? At walang umasikaso ni isa sa inyo?supposedly you did your job because you are responsible for it. Anong ginagawa nyo? Hinihintay nyo pa ako na mag utos ng mga gagawin nyo?"

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil kapag hindi ko ginawa yon talaga namang kawawa ang mga staff na to.
"Mr. Del Vega pagpasensyahan nyo na po kapabayaan ko ito. Hayaan nyo at aayusin ko" CLO (Chief Legal Officer)
"Mr. Del Vega ito ay opinyon lamang mula sakin. Alam namin na trabaho nila ito pero hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa nangyayari ngayon" CFO (Chief Financial Officer) napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Yong ibang negosyo nyo apektado na din dahil sa nangyayari. Hindi ba dapat hindi mo to hinahayaan?" Mungkahi ng isa sa mga board of members.
" Kung anong problema ngayon ako ang bahala doon pero yong ganitong sistema iba yon sa problema ngayon. Sana ginawa nyo nalang bago pa lumala, trabaho nyo yan at wag nyong idadahilan ang gulong nangyayari ngayon "
"Per-" inis na binalingan ko ng tingin ang CFO.

"Enough!!! Do your job. I will not tolarate that kind of reason you have. Isa pa inaasikaso ko na ang problema kaya gawin nyo kung ano ang sa inyo" napapayuko ang mga ito habang isa isa naman silang nag alisan. Naiwan ako kasama ang board of members.
"Dapat lang Mr. Del Vega dahil hindi ako makakapayag na mangyari ito"Boardmember 1
" Sana nga baka dahil dito bumagsak tayong lahat hindi ito pangkaraniwan ayos lang sana kung itong kompya lamang ang apektado ngunit kahit maging sa ibang bansa ay maaring maapektuhan" Board member 2.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now