🌷DISTINASYON (chap. 29)🌷

50 3 0
                                    

SHANDAO POV

Kadarating lang namin dito sa Paris and until now tulog pa din sa Zey, nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.
" Sir Shan diretso na po ba tayo sa mansion? " tumango ako sa tanong ni Carlos. Sinundo niya kami kanina at siya ang nagmamaneho ngayon. Yong mansion na tutuluyan namin Ay isang bakasyunan namin ng mga kaibigan ko. Malaki laki na din ang nagastos namin sa pagpapatayo ng mansion na yon. That was our dream, kaya nung sumikat kami sa larangan ng bridge napagkasunduan namin mag tulungan dahil iyon lahat ang pangarap namin.

Marami na din kaming napundar. Isa na doon ang private plain na sinakyan namin kanina. Nabili namin yon dahil sa mga negosyong pag mamay-ari na din namin.

Tsk bakit ba kasi mas gusto niyang matulog ng nakaupo haysss..... Muli kong sinulyapan si Zey...
"i'm sorry " biglang bulalas ko.
"sir ayos lang po ba kayo? " hindi ako kumibo dahil parang nawawalan ako ng lakas ng loob na sabihing ayos lang ako.
"nandito na pala tayo sir" muling mungkahi nito. Napansin kong bahagyang umangat ang ulo niya sa pagkakasandal niya sa balikat ko, hudyat na siya ay gising na.

"Nandito na ba tayo?" saglit na hindi ako umimik at tumingin sa gawi ni carlos naintindihan naman niya ito kaya agad siyang lumabas at naiwan kaming dalawa sa loob.
"pasensya na nakatulog ako"
" no,  its okay.  Mas mabuti yon dahil nakapagpahinga ka" tumingin ako sa labas bago mag salita muli.
"magagalit ka ba kapag sinabi kong nandito tayo para kay Liam?" katahimikan ang namayani sa loob ng kotse.

"bakit naman ako magagalit kung sasabihin mo sakin ang dahilan kung bakit siya ang pinunta natin dito" napapangiting sagot niya. Hindi ko alam pero naiinis ako sa iinasta niya. Bakit nagpapanggap siya?
"I know you dont want to see him"
"yeah you're right, i hate him also.  Alam ko din na iniiwasan ko siya. But i already moved on, kaya wala kang dapat ipag alala" move on? Sa nakikita ko hindi ganon. Teka bakit ba ako nag kakaganito?

"Maari ko na bang malaman ang totoong pakay natin kung bakit tayo nandito?" bumuntong hininga ako.
"gusto kong alamin ang totoo, hindi ko ugaling magbintang ng iba kaya gusto kong makasiguro"
"Shandao yong totoo nandito tayo for her? "
"No. Hindi ko na itutuloy ang plano ko she betrayed me,  at hindi malayong mangyari ulit yon. I dont want to give her a chance and another reason para lukuhin niya ulit ako" nanlaki ang mata ko dahil Iniripan niya ako.

"Hoy! Attitude ka ah..  Bat mo ko inirapan?"
"tsk mabuti naman at alam mo"
"alam ang ano?"
"tsk,  wala narealize ko lang na natututo din pala sa pagkakamali ang isang matigas na lalaking tulad mo" turan nito bago lumabas ng kotse. Napailing nalang ako, hindi ko maintindihan ang sinabi niya, pero kung ano man yon alam kong hindi yon masamang complement.

"ito na ba yon?" Yuzey
"wow sir sa inyo pala to? Grabe isa ito sa mga binabalik-balikan kong lugar, bukod sa malapit siya sa sikat na tourist spot dito ito din ang nakita kong mansion na pinakamaganda" turan ni Carlos.
"bat ang daldal mo? Kunin mo na kaya ang mga gamit ko para makapasok na tayo" Ngumiti lang ito ng malawak bago sumunod sa utos ko.
"Shandao,  gusto mong maglibot tayo dito? Marami akong alam na lugar na maaring pasyalan."

Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"sige" napapatangong turan ko habang nakangiti itong nakatingala sakin. Mas lalong lumawak ang ngiti nito ng marinig niya ang sagot ko at nagtatalon na pumasok sa loob ng mansion. Bakit nga ba nandito ako at kasama ang babaeng to. Hindi maganda ang umpisa namin nung una kaming nag kita pero hindi ko naisip na siya din pala ang makakasama ko ngayon para malaman ang totoo. 

"Good evening sir" pagbati ng mga maid ng makapasok kami sa loob ng mansion.
"please bring all of this stuff to our room"
"all of this sir? " tila nag sisiguradong tanong nito sabay tingin sa mga bagahing hawak ni carlos. Tumingin din doon si Zey na nagtataka. Tsk mapagtripan nga.
"yeah" ako
"o-oh.... H-hoyyy!!! No, i mean you can bring this but not this" nakangiting turo nito sa isang maletang hila-hila ni carlos. Kita ko naman ang pag ngiti ng mayordoma.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now