🌷SNAKE GANG (Chao. 46)🌷

44 0 0
                                    

SHANDAO POV

Tiningnan ko si Dad ng maalala ko ang nabanggit nitong pangalan.
"Dad, ano nga ulit yong pangalan na nabanggit mo kanina lang? "
"Aiza Chua" agad itong napatingin sakin.
"Shandao isa siyang Chua? " tama ba ang naiisip ko? Kung Chua siya posibleng magkapatid sila ni Aisha!! Posible din kaya na bukod sa panluluko sakin ni Aisha na alam ni Zey baka posible din na alam niya ang tungkol dito.

"So baka tama nga ako, minsan ko ng nakita ang grupong ito" nagkatinginan kami ni dad.
"Nakita? "takang tanong ko.
"nung papunta ako sa Paris para kausapin ang Ama ni Liam, hindi ko lang maalala kung saang iksaktong lugar ko ito nakita" kailangan kong makausap si Zey.
"Dad, i need to go"
"Saan ka pupunta?"
"Kakausapin ko si Zey malakas ang kutob ko na baka may nalalaman siya"

"Anak gabi na hindi mo ba pweding ipagpabukas to? " umiling naman ako.
"Hindi na dad i need to talk to her walang oras na dapat sayangin"
"sige mag iingat ka isama mo si Jack" kahit na ayukong nakikita ang kahit na sino sa kanila natitiyak kong hindi mapapanatag ang ama ko kapag hindi ko siya pinagbigyan. Agad na akong tumalikod at naglakad palapit sa pinto ng mag salita itong muli
"Shan, posibleng tama ako kaya hahayaan kong ikaw ang umayos nito alam kong magagalit ang Mom mo but this time ako naman ang kukumbinsi sa kanya . Para ito sa inyo ni Zey kaya hindi kita pipigilan at susupurtahan kita"

Napangiti ako sa sinabi niya, sa oras na ito napakagaan ng pakiramdam ko. Buo ang tiwala niya sakin kaya walang dahilan para mag alinlangan ako. Isa nalang ang aalalahin ko, yon ay ang mahal kong ina.

🌸🌸🌸FASTFORWARD🌸🌸🌸

Nang huminto ang ako sa tapat ng bahay ni Zey ay may pag aalalilangan pa din akong harapin siya, bumuntong hininga ako pagkatapos ay agad akong bumaba ng kotse bumungad sakin ang isang pamilyar na sasakyan. Anong ginagawa niya dito? Ganon na ba sila kaclose para dalawin niya si Zey? kahit naiinis ay nagayos ako ng tayo at agad na naglakad papasok. Kilala naman ako sa kanila kaya hindi na naging mahirap sakin ang pagpasok. Napahinto ako ng marinig ko ang dalawang boses na kapwa pamilyar sakin.

"sabihin mo ang totoo sa kanya Zey, sabihin mo na bago ka niya tuluyang kamuhian" nanatili akong nakatayo at nakikinig lang sa usapan ni Drake at Zey.
"Hindi ko kaya, masasaktan siya Drake hindi ko kaya yon"
"Kayanin mo Zey, maunawain siya kahit alam nating pareho na galit siya satin maiintindihan niya pa din tayo, maybe sooner or later marealize niya ang ginawa natin, Please Don't do this wag mong hintayan na papiliin niya ako dahil alam mo ang isasagot ko Zey, Shandao is more important to me than anything baka hindi kita maipagtanggol."

"Drake hindi ko kaya, ayukong sabihi-... "
"hindi kaya ang alin? Ayaw mong sabihin ang ano? " tuluyan na akong lumapit sa kanila habang kita ko ang pagkagulat ni Zey, halata namang inaasahan na ni Drake na mangyayari ito ngayon.
"S-Shandao" Nauutal na bigkas ni Zey sa pangalan ko. Napabuntong hininga nalang ako, Tama bang tinitiis ko siya? Tama bang tiisin kong natatakot sakin ang taong minamahal ko?

Bahagya akong napayuko bago mag salita.
"Alam mo to hindi ba Drake? Sino ba sa iyong dalawa ang pwedi kong tanungin tungkol kay Aisha? O mas mabuting mag usap usap nalang tayo dito" Napansin ko ang tingin ni Drake kay Zey, tinaasan ko sila ng kilay, bakit parang takot na takot sila? Do i look scared? Napansin kong humakbang si Drake at nagtungo sa labas ng living area, umupo ito roon sa sofa at nakatingin sa malayo.

YUZEY POV

Kinakabahan ako, natatakot at hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa.
"Pakikinggan mo ba ako?" tiningnan lang ako nito at umupo. Umupo na din ako habang nag aalalangang tumingin sa kanya.
"kilala mo ba si Aiza Chua? " napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

"Tell me, i need to know"
"H-hindi ka ba magagalit sakin? Shan i'm sorry. I just realize how important you are at hindi ko kayang nasasaktan ka"
"sagutin mo nalang ang tanong ko, wala akong pakialam sa nakaraan mo" napayuko nalang ako, I don't see any emotions in him, kinakabahan tuloy ako

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now