🌷 CRIME KISSING (Chap. 42) 🌷

47 0 0
                                    

🌸🌸🌸TWO DAYS LATER🌸🌸🌸

YUZEY POV

Papunta kami ngayon sa library kasama ko si Brent at Calvin, pinagtitinginan naman ako ng mga babae dahil sa mga kasama ko,  napapailing nalang ako dahil sa mga naririnig ko. Sa totoo lang Hindi ako sanay na ping usapan ng iba at nakakaagaw ng atensyon pero dahil sa kasama ko ang dalawang to parang kailangan ko ng masanay. Hindi ko din alam kung bakit nila ako sinasamahan, tinatanong ko sila pero ngiti lang ang tinutugon nila.

Napahinto kami sa paglalakad ng makita namin ang lalaking nakatayo sa daraanan namin kahit yong dalawa napapairap nalang.
"Zey,  pwedi ba kitang makausap?"
"anong kailangan mo sa kanya" seryosong tanong ni Brent.
"I just want to say goodbye to her" mabait na turan ni Liam, tinaasan siya ng kilay ni Calvin. Nangunot ang noo ko sa nakita kong reaksyon mula sa mga mata nito. Tila nagpapahiwatig iyon ng paninibago dahil sa sinabi ni Liam.
"Sasama kami" napalaki ang mata ko sa sinabi ni Brent.
"Sige Walang problema, ang importante makausap ko si Zey"
"Bat ang bait mo yata? Anong nakain mo?" prangkang tanong ni Calvin.

Ngumiti lang si Liam, gusto kong magsalita pero pakiramdam ko parang may kung ano sa bibig ko na ayaw nitong bumuka, naglakad nalang ako at ramdam kong sumunod ito.

🌸🌸🌸🌸🌸🌸

---LONGEST GARDEN---

Nandito kami ngayon sa malawak at magandang tanawin ng university ang longest garden ganon ang tawag nila dito dahil daw napakalawak nito at parang walang hangganan ang pinagmulan nito dahil sa hindi na din matanaw kung saang lupa nagtatapos ang kahabaan ng mga halaman sa lugar na ito.
"Ang ganda dito no? " napangiti naman ako sa tanong niya. Parang normal nalang sakin ang lahat ngayon maliban nalang doon sa dalawang nakaupo sa bench.
"By the way I just want to say thank you for the second time. Mamaya na ang alis ko pabalik ng Paris doon na din ako mag papatuloy sa pag aaral ko."

"Talaga?" tumango naman ako, humarap ito sakin ng nakangiti nanlalaki ang mata ko ng maglapat ang mga labi namin agad ko siyang itinulak sa sobrang pagkagulat ko.
"Anong ginagawa mo!!!" bulyaw ko.
"I'm sorry hindi ko lang napigilan ang sarili ko" napatingin ako sa direkayon nila Calvin nakatayo si Brent habang hawak nito ang pulsuhan. Halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa nakita kong reaksyon mula sa taong nasa likod nila.
(PICTURE)

"Shandao? " napapalunok kong turan napatingin naman doon ang dalawa kita ko ang takot sa mga mata nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Shandao? " napapalunok kong turan napatingin naman doon ang dalawa kita ko ang takot sa mga mata nila.

Mapait itong napangiti sakin bago tumalikod, agad kong tinanggal ang kamay ni Liam mula sa pagkakahawak sa braso ko at tinakbo ko si Shan na ngayon ay papalayo na.
"Shandao sandali lang" huminto ito kaya agad akong nag tungo sa harap niya.
"magpapaliwanag ako please makini-"
"You don't need to explain" naiwan akong nakatayo habang naglalakad ito palayo. Bawat yabag niya, ang siyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa lalaking lumalayo sakin. Napasinghap ako ng naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now