🌷 TRUST ISSUE (chap. 32)🌷

47 0 0
                                    

Kasalukuyang nasa mini bar sila Shandao kasama ang mga kaibigan, nasa study room sila at ang minibar na iyon ay nakatagong silid sa likod ng malaking lalagyan ng mga libro,  kaya kahit may magawi sa loob ng study room ay hindi nila ito mapapansin dahil kung titingan iyon isang ordenaryong lalagyan lang yon ng libro at hindi mo iisipin na may nakatagong silid doon. Walang ibang naglilinis doon kundi silang magkakaibigan lang. Kapag may importante silang pag uusapan ay dito sila dumudiretso. Nakaupo si Brent sa isang single sofa gayon din si Drake habang sa mahabang sofa naman nakapwesto si Calvin.

Pagkapasok nila agad na nag tungo si Shandao sa bar at doon umupo sa stool chair,  kumuha siya ng baso at nag salin ng Champaign. Kapag umiinom siya nito ay mas matagal siyang malasing kahit hindi naman siya palainom kumpara Kay drake na kahit palagi itong umiinom ay mabilis itong malasing kapag Champaign ang iniinom na alak. Kumuha siya ng isa pang bote ng Champaign at kumuha nalang din ng tatlong baso at siya na din ang nagdala nito sa mga kaibigan. Pagkatapos ay muling bumalik sa kinauupuan niya.
"Paano nyo nalaman na nandito ako? " panimula ni Shandao habang nag sasalin ng Champaign sa baso.

"Saan ka pa ba namin hahanapan bukod sa Shanghai, London,  at Paris? " Brent. Bahagyang napasulyap siya sa mga kaibigan  bago napangiti,  kilalang kilala na talaga siya ng mga ito.
"Bakit ka ba kasi umalis ng hindi kami kasama"  tinungga ni Shandao ang alak bago napatingin sa nagtanong na si Drake.
"Hindi na tayo mga bata,  gusto ko lang mapag isa" Sagot nalang niya.
"Mapag isa? With Yuzey? Ano bang binabalak mo? Tingin mo hindi namin yon malalaman?"Calvin.
"Ang daldal mo!! Alam nyo naman pala e bat tintanong niyo pa" frustrated na sagot niya bago inumin ulit ang alak.

"Shandao....yong tungkol kay-" I cut his word.
"Don't worry,  I already have a plan" pagtutuloy ni Shandao sa sasabihin ni Drake.
"Tutulong kami" Brent.
"Ano ba naman kayo? kaya ko na to" Shandao.
"Wala tayong hindi kayang gawin kung magkakasama tayo" natigilan si Shandao sa narinig niya, pinagmasdan niya ng mabuti si Calvin. Bihira lang itong magsalita pero Batid niyang tutuhanin nito nag sinabi niya. Mukhang kahit anong gawin niyang pag iwas ay malalaman pa din ng mga ito kung nasan siya.
"Teka bat mo kasama si Zhey dito? " napapikit nalang siya ng muling banggitin ni Brent ang tanong na yon. Muli nalang siyang nagsalin ng alak sa baso. Bakit nga ba? Hindi ko din alam kung bakit siya.

"Btw, Hindi ko pa pala nasasabi ang tungkol dito. Nalaman ko na pinike pala yong record sa field" Brent.
"What!!! Pero paano nangyari yon? " napaawang sa pag kakaupo si Calvin dahil doon. Tumayo si Shandao at tumabi kay Calvin
" Alam ko na ang tungkol dyan, kaya ako nandito"
"What!! Alam mo na pero wala kang Sinasabi samin? " Brent. Napansin niya ang pananahimik ni Drake.  Kanina pa ito walang kibo, halatang may Inaalaala ang kaibigan.

"Yong record na yon may nakialam doon" tumingin si Shandao sa mga kaibigan.
"Yon din ang tingin namin. I think hindi lang basta nagtatrabaho doon ang may kagagawan noon. Pakiramdam ko may kasabwat sila" Brent
"may isa pang problema, nawawala si Mr. Chi" Calvin. Si Mr.  Chi?

🌸---------------🌸

🌸FLASHBACK🌸

"Mr.  Shan,  ano pong gagawin ko?"
"Umalis ka muna alam kong hahanapin ka nila,  pumunta ka kahit saan,  at wag kang gagawa ng kahit na ano, ako mismo ang hahanap sayo"
"Pero pano ang pamilya ko? "
"don't worry nagawan ko na ng paraan ang tungkol dyan ikaw ang lubos kong inaalala nasayo ang buong ebidensya na makakapagpatunay na wala ako kasalanan at Kapag mahanap ka nila siguradong papatayin kanila "
"pero bakit hindi nalang natin gawin gayon?  Sabihin na natin sa publiko na pineke lang nila ang record"
"Wala tayong panahon dyan hindi lang ito ang problema ko. Alam kong matatapos ito oras na mahanap kita pero bago yon lumayo ka muna habang inaayos ko ang iba"

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
END OF FLASHBACK

Nawawala siya? Pero pinaalis ko siya panong bigla nalang itong nawala?

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now