🌷FATHER'S COMFORT(Chap. 45)🌷

37 0 0
                                    

BRENT POV

Nandito ako sa bahay at kasalukuyang pababa ng hagdan ng marinig ko ang biglang pagsigaw ni Dad. Patakbo akong bumaba ng hagdan para daluhan ito.
"Dad, what happen? Bakit po kayo sumisigaw" agad na tanong ko, napapakamot nalang ito sa batok niya habang naiiling.
"Si Shandao nakipag bugbugan na naman daw sa bar na pag aari ni Drake"
"What!!! E nasan po siya Dad?"
"Nasa prisento. Nakita ng mga pulis malapit sa Secret view"
"ANO!!! "Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad na akong lumabas ng bahay. Agad akong tumawag kay Calvin.

🌸🌸🌸ON THE PHONE 🌸🌸🌸

"Hey, where are you? "
"Driving going to S. F. B. U"
"u-turn your car Calvin nasa kulungan si Shandao"
"Ano!! What the hell bakit nila ginawa yon kay Shandao"
"better to talk about it kapag nandoon na tayo kailangan niyang lumabas doon"
"okay magkita nalang tayo doon"

🌸🌸🌸END OF CALL🌸🌸🌸

ilang minuto ang lumipas bago ko marating ang police station . Pagdating doon agad kong inihinto ang kotse ko, Papasok palang ako ng station ng marinig kong tawagin ako ni Calvin tumakbo ito palapit sakin habang hindi mapinta ang mukha.
"Ano bang nangyari bakit siya nandito?" Napangiwi nalang ako.
"Si Shandao nakipag away na naman" bagsak ang balikat nitong napatingala sa kawalan.
"Napapagod na akong umintindi sa kanya... Wala na ba talaga siyang natitirang kahit kunting konsiderasyon!!! " napasipa nalang ito sa hangin.

"kahit ako hindi ko na alam ang gagawin ko" napaayos ako ng tayo ng makita ko ang kotsing papasok ng gate. Agad akong lumapit sa kanya.
"Si Shandao? " agad na tanong nito
"pumasok nalang tayo" sabay sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng station sinalubong naman kami ng isang pulis.
"Mr. Reyes" Tawag nito sakin nahuhuli sa paglalakad yong dalawa kaya ako ang unang napansin nito.
"Si Shandao? " Drake.
"Nasa loob po sir"

"gago ka ba!!! Wag mong sabihin na magdamag siya dito at ikinulong nyo!!" bulyaw ko.
"Hey hey, kumalma ka. Natural lang ang makulong kapag may nagagawang pag kakamali" tapik sakin ni Calvin.
"E BAT HINDI MO KAMI TINAWAGAN AGAD!!!" nakapikit nalang ako ng sumigaw si Calvin sira ulo talaga.

"Sir Hindi naman po namin kinulong nasa loob siya ng office ni kapitan" napapayukong turan nito. Agad kaming sumunod sa lalaking nag lalakad papasok sa isang kwarto.

Naabutan namin itong nakaupo habang nilalaro nito ang ballpen sa pagitan ng mga daliri niya. Natuyo nadin ang suot nito at bahagyang gumulo ang buhok. May pasa at may sugad sa kabilang pisnge, putok din ang ibabang labi nito habang may benda naman ang kamao nito na bahagya pang bumabakat ang dugo.

DRAKE POV.

Halos inis nalang ang nararamdaman ko ng makita ko si Shandao, wala manlang ba siyang naramdaman kahit kunting konsiderasyon.
"Shandao bakit mo ba ginagawa to!! Bro, natatapos palang ang problema nyo tapos ito ka na naman gumagawa ng gulo, Shandao aren't you tired of being brat!! " bulyaw ni Calvin. Tiningnan lang nito si Calvin walang reaksyon at parang walang pakialam sa mga sinasabi sa kanya.

"Shandao sa tingin mo? Hindi makakarating sa Dad mo ang ginawa mo ngayon? Sinira mo ang kondisyon niya sa ama ni Liam na ngayon ay binugbog mo!! " kalmadong turan ko.
"You mean si Liam ang binugbog niya? " Tila nanghihinang turan ni Brent. Napailing nalang ako.
"Shandao, wala kang ba talagang pakialam? Yong Dad mo na ang umayos sa gulong ginawa natin ang pag iwas nalang sana ang magagawa mo para tulungan mo si Tito Zian na tuparin ang kasunduan nila"

Napaangat ito ng tingin at tiningnan ako.
"Kasunduan? Tsk ,Ano bang alam nyo!!! Wala akong pakialam sa kasunduan nila"
"Ganyan ka na ba kawalang pakialam!!! What the hell Shandao anong mukha ang maihaharap ni Tito Zian!! You're such a stupid son!! " halos magimbal ang loob ng kwarto ng marahas niyang kwelyuhan si Calvin.
"Wala kang karapatan sabihin sakin yan!!!" tinganggal agad ni Calvin ang pagkakahawak sa kanya ni Shandao.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now