🌷MISSING ( chap. 49)🌷

49 0 0
                                    

SHANDAO POV

Paggising ko agad akong lumabas ng kwarto bahagya pa akong nag uunat ng mga braso habang pababa ng hagdan saglit akong nahinto at nangunot ang noo ko ng makita ko ang itsura ni Brent. Agad akong tumakbo pababa para daluhan sila, may pag aalala ko silang tiningan may pasa si Brent sa bandang gilid ng labi nito medyo namamaga din kaliwang braso nito... Si Calvin naman ay nakatalikod mula sakin.
"Calvin" dahan dahan itong humarap sakin na siyang pagyukom ng mga kamao ko,  may benda ito malapit sa braso niya maga din ang isang braso nito at may hiwa ang kaliwang munkha.

"WTF!!! Anong nangyari!!!! " galit na sigaw ko. Inuga ko lang si Calvin ng tumulo ang luha nito.
"Ano sabihin nyo!!!  Anong nangyari sa inyo!!!"

CALVIN POV

natamimi nalang ako habang sunod sunod na umaagos ang luha ko. Kita ko ang kakaiba nitong reaksyon na ayukong makita, anong sasabihin ko? Baka may gawin siya kapag nalaman niya ang nangyari kay Drake.
"Si Drake nasan? " malumanay nitong tanong ramdam ko ang panghihina ko at bahagyang panlalambot ng mga tuhod ko
"N-na nasa Hospital" nauutal na turan ni Brent, pansin ko ang pag kabalisa at ang matalim na tingin nito sakin.

Walang reaksyon, nakakatakot na ekspresyon.
"Calvin, Brent sabihin nyo sino ang may gawa nito sa inyo?" kita ko ang paglandas ng mga luha nito, pero wala manlang akong makita kahit kunting reaksyon.
"Hindi namin alam, basta sinabi lang samin na babala ito sayo"
"Anong babala? Ano bang ginagawa nyo!!!" bulyaw nito samin.
"Gusto ni Drake na magkaayos kayo kaya kinausap niya kami na bumalik sa Paris, kahapon lang pagbalik namin may kung sino ang dumukot samin." paliwanag ni Brent.

Mataman akong tiningnan ni Shandao.
"Si Drake nag aalala ako...." tanging pagpikit at pagtulo nalang ng luha ko ang tanging nag tuloy ng sasabihin ko

🌸🌸🌸 FLASHBACK 🌸🌸🌸

Pagbaba namin ng plain may sumundo samin, mga butlers ko sila kaya panatag akong safe kami hanggang sa makauwi kami. Nang makasakay kami doon ko lang napansin na lahat sila nakasuot ng maskara at tanging mata lang ang nakikita sa mga ito. Papalag pa sana ako ng maramdam ko ang isang bagay na tumama sa batok ko, dinig ko ang pag sigaw nung dalawa pero unti unting nawala ang ulirat ko. Paggising ko isang madilim na lugar ang bumungad sakin may mumunting liwanag naman pero sapat na iyon para makita ko ang mga kaibigan ko.

Napaupo at bahagyang iginalaw ang ulo ko. Nakita kong gumalaw si Brent na siyang dahan dahang pag upo nito mula sa pagkakahiga.
"Anong nangyari? " napapahawak sa batok na turan ko.
"Bat ang dilim dito? F*ck my head nasan ba tayo" reklamo ni Brent habang si Drake wala pa ding malay kaya agad ko na din itong dinaluhan para gisingin.
"Oyy gising na ang ating mga prinsipe" turan ng isang boses babae.

Hindi namin ito nakita dahil madilim ang kinaroroonan nito, pakiramdam ko ang dami nila.
"sino ka? Anong kailangan mo!! " bulyaw ni Drake.
"Wala,  wala....  Nabalitaan ko kasing hinahanap nyo ko" agad akong napatayo dahil sa sinabi nito.
"Aiza? Aiza Chua? " Bigkas ko, tumawa ito ng malakas at humakbang palapit samin. Nanlalaki ang mata ko ng makita ko kung sino ito.

"Ace? Ikaw si Ace!!" sigaw ni Brent. Kakaiba ang itsura nito kumpara sa ace na laging nakangiti at sa kapatid na si Aisha talaga namang nakakatakot ang presenya nito, kahit lalaki ako hindi ko maitatangging natatakot din ako lalo na sa tulad niya.
"Ako nga Bryan Brent Reyes, nice to see you again" tumayo ito ganon din si Drake.
"Hayop ka, napakasama mo.. Wala kaming kinalaman sa buhay mo pero bakit pati kami dinadamay mo!!! " Bahagya akong humakbang pero hinawakan ako ng isang lalaki.

"Wow, ang cool mo talaga Calvin mas lalo kang nagkakaitsura kapag galit ka" napapangiwing turan nito. Tumingin ito kay Drake. Bago ibalik sakin ang tingin.
"si Shandao katulad na katulad siya ng ama niya, pero sige Mr. Zian hindi nananakit ng babae" napangisi ako sa sinabi niya.
"Kung ganon pweding pwedi ka na niyang saktan" napuno ng tawa ang silid, nakakainis ang babaing to.
"Napakasama niya, he doesn't care anyone,  even to the three of you. Can't you see? until now he's not here to save you, that brat he's so selfish" seryosong asik nito.

THE BILLIONER SPOILED BRATOnde histórias criam vida. Descubra agora