🌷HE ORDERD ME (Chap. 34)🌷

47 0 0
                                    

Nakatayo lang si Drake sa harap ng veranda kung saan kita ang isang mini garden, nakapwesto ito sa right side niya kung saan naroon ang atensyon niya. Malalim din ang iniisip at mababakat sa mukha ang pag aalala.

🌸FLASHBACK🌸

"Actually aaminin ko sayo. Nung may family event sila sa London hindi ko maintindihan, parang ang bigat sa dibdib,  basta something strange tapos kapag kasama ko naman siya hindi ako mapakali tapos palagi pa akong kinakakabahan"
"My godddddd are you inlove? "
"ha? Anong inlove ang sinasabi mo?"

🌸END OF FLASHBACK🌸

Napailing nalang si Drake ng maalala niya ang narinig niyang usapan ni Cloe at Zey, kahit na natutuwa siya sa nasaksihan kahapon ay nag aalala pa din siya para sa dalawa, ayaw niyang mapahamak ang mga ito,  at basi sa nakita niyang mukha ni Liam at Aisha nung nakaraan ay nagpapahiwatig iyon na hindi nito gusto ang mga nakikita nila. Batid ni Drake na kahit hindi gumagawa ng hakbang si Aisha sa ngayon posible pa ding mangyari ang iniisip niya. Sana lang ay tama ang ginawa niyang hinayaan lang ang mga kaibigan na ipagpatuloy ang plano kahit na alam niyang mag dudulot iyon ng hindi maganda.

"Hey thinking something? I've been calling your name but you're spacing out. May problema ba Drake? " naagaw ang atensyon ni Drake ng dumating Si Shan, tiningnan lang niya ang kaibigan bago ibalik ang atensyon sa garden.
"Ano bang tinitingnan mo? " lumapit din ang kaibigan at tiningnan ang direksyong tinititigan ni niya.
"Its Zey right? " muli ay tumingin sa kanya si Drake, kunot noong hinarap niya ang kaibigan dahil sa itsura nito, lukot na lukot ang noo at nakikita din niya na bahagya itong nagtataka at may kasama pang pagkainis.

"Ano bang iniisip mo? That i'm inlove with her? " napaiwas nalang ng tingin si Shan.
"Tsk ano bang sinasabi mo?  E ano naman kung nagkagusto ka sa kanya? "
" wala akong sinasabi na gusto ko siya, i am asking you kung anong iniisip mo" sa muling pagkakataon napaiwas nalang ng tingin si Shandao. Tanging pagtawa nalang ang nagawa ni Drake, kita niya kung gaano kaapektado si Shan. Kahit wala pa naman siyang alam sa sagot nito kung mahal niya ba talaga si Zey o hindi,  tingin niya hindi na kailangan pang sumagot ni shan dahil sa mga kilos palang nito maging sa reaksyon kapag napag uusapan ang dalaga ay sapat nang may gusto nga ito sa dalaga.

"Don't worry, i am just a friend of her. Alam mo naman na mahal ko ang pinsan mo"
" Stop that nonsense i don't care kung gusto mo siya" tinapik nalang ni Drake ang balikat niya. Katahimikan ang namayani sa kanila. Dahil sa pag uusap nila ngayon, nababatid ni Drake na talagang nagkakagusto na si Shan kay Zey.
"Drake,  ano palang nangyari sa inyo na Calvin? Napapansin ko mula ng dumating kayo dito hindi kayo nag kikibuan nag iiwasan pa kayo sa isat isa" napakagat ng labi si Drake dahil sa tanong nito. Akala niya ay sinabi na ni Calvin o kahit ni Brent ang nangyari.

"Wala bang nabanggit si Calvin at Brent sayo? " umiling naman si Shandao bilang sagot.
"May problema lang samin"
" at ang problemang iyon hindi mo pweding patagalin. Ikaw,  ako si Brent at Calvin lang ang meron tayo sa isat isa,  magkasundo na kayo" kunot noo niyang binalingan ang kaibigan. Hindi manlang ba nito tatanungin ang naging dahilan ng kanilang pag aaway.
"Alam mo tama ka,  sa puntong iyon narealize ko na hindi na talaga tayo mga bata. Si Calvin kahit napakatahimik ng lukong yon he always there for us kapag nauudyukan si Brent at naiimpluwensyahan nating makipag away mapapasama siya gulo at tanging si Calvin ang naroon para iayos tayo" walang ideya si Shandao kung anong tinutukoy nito sa halip ay hinayaan niya lang mag kwento ang kaibigan.

"Nagkita kasi kami nila Harold at Terence sa bar na pag aari nito,  at hindi namin naiwasan ni Brent na magkaroon ng laitan sa pagitan namin" napabuntong hininga nalang si Shandao.
"Nagkita lang naman kayo bakit nyo pa pinatulan"
"Iniinsulto nila ang mga magulang natin at kinikuwesyon nila ang pagiging anak natin ng dating f4 alangan namang pabayaan namin ang ganon, isa pa hindi na ako nakapag pigil ng banggitin nila ang pangalan mo" humugot ng malalim na hiniga si Shandao, siya pala ang dahilan kung bakit nangyari iyon.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now