🌷THE GANGSTERS (chap. 15)🌷

57 1 0
                                    

SHANDAO POV.

Naghahanda ako for field trip tomorrow. Ma's gusto kong mag isa kaya naman tumangi ako sa barkada na sumama sa lakad nila ngayon. Nakaharap ako sa malawak na bakuran at maaliwalas na paligid ng bahay namin. Nasa veranda ako ngayon. Ano bang problema Liam? Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko? Pumayag ako sa kondisyon mo pero hindi ka tumupad.

"Shan? Pwedi ba tayong mag usap?" Napatingin ako sa pinto ng veranda si mommy pala.
"Of course Mom. Ano pong gusto niyong pag usapan?"
"Your Dad called me earlier. Gusto niyang pumunta tayo sa London, Sana anak sumama ka" napangiwi nalang ako sa sinabi niya

"Ano naman po ang gaagwin ko don? Bakit kailangan kasama pa 'ko?" Tumalikod ako at muling humarap sa kalawakan. Ramdam ko ang pag haplos niya sa braso ko.
"Anak, hindi ba ito naman ang gusto mo? Na makasama ang Daddy mo?" Napayuko nalang ako bago ko siya harapin. Hindi sa ayaw ko siyang kasama may mga bagay akong dapat ayusin.

"Mom I know kung gaano nyo po kagustong maging maayos kami especially now. I'm sorry I can't go with you"
"Pero Sha-"
"Mom stop. Babawi nalang ako next time marami pang pagkakataon para dyan. Hindi sa ayaw kong maging maayos kami. May be not now but sooner or later baka handa na ulit ako. Gusto ko lang ng oras".

Hindi ko gusto ang setwasyon namin, gusto kong maayos ang lahat pero hindi ganon yon. Ayukong dumating ang panahon na kapag maayos na kami saka naman magkakaproblema. Ayukong mapahiya at madismaya siya dahil lang sa mga gagawin ko.

"Isa pa po bukas na ang field trip namin its important kaya hindi pweding wala ako doon" tumango naman siya ngunit bakas ang lungkot.
"Mom ganito nalang po kapag natapos po agad ang field trip susunod po ako"

Agad naman siyang ngumiti na ikinagaan ng loob ko.
"Ganon ba? Sige ako na ang bahala magpaliwanag sa Dad mo" nakangiting sabi niya. Tumango nalang ako
"Ah.. Mom magtatagal po ba kayo don?" I ask tumango naman siya.
"Siguro ilang buwan din yon kaya inaasahan kong susunod ka sakin. Pero..."

Seryoso akong tumingin sa kanya
"Yong mga butlers mo dapat lagi mo silang kasama. Tawagan mo ko to update what you are doing" pagbibilin niya.
"Mom may butlers na po ako, isa pa hindi na po ako bata para laging magpaalam sa inyo" busangot na turan ko.

"You're still my baby boy always son. Wait are you complaining?" Ngumiti naman ako.
"Of course not Mom malakas ka sakin" turan ko sabay kindat sa kanya. Tumawa naman siya bago guluhin ang buhok ko. Nag paalam na siyang lalabas na ng kwarto ng magsalita ulit ako.
"Mom? Pwedi bang mag iingat ka habang wala ako doon? Walang mag aalaga sayo" pagbibilin ko pa.

"Ano ka bang bata ka, nandon ang Dad mo" tumatawang sagot niya. Ngumiti lang ako habang siya naman ay lumabas na ng kwarto. Oo nga naman andon si Dad for sure magiging okay siya kapag mag kasama sila. Nag alala lang talaga ako.

HELYN POV

Agad akong pumasok sa kwarto pagkatapos kong makausap si Shan. Itinuloy ko na din ang pag iimpake ng mga gamit nadadalhin ko bukas. Saglit na nahinto ako ng maalala kong ito ang unang beses na hindi ko siya makikita ng matagal. Kahit na hindi na bata si Shan i still wanted to be with him always. Ma's panatag akong nakakasama at nakikita ang mga ginagawa niya.

I remember he was like his father nung kabataan nito, matigas ang ulo. Kapag sinabi nila gagawin talaga nila pero iba si Shan may pakakapareho sila na magkaiba ang depenasyong nakikita ko. Si Zian Kahit may pagkabugnutin ang ugali marunong sumunod at laging nasa tama. Si Shan kasi paiba iba ng ugali minsan hindi ko siya mapagsabihan kaya nag aalala ako na baka pag umalis ako biglang may mangyaring hindi maganda.

Naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang tunog ng phone ko. Tumayo ako at lumapit sa center table. Agad kong sinagot yon ng mapagsino ang tumatawag.
"Hon how are you? Pumayag ba si Shan?" Pambungad nito sakin.
"Ayaw niyang sumama sa ngayon. Mag field trip sila bukas" sagot ko at ipinagpatuloy ang pag aayos ng gamit.

THE BILLIONER SPOILED BRATNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ