🌷AREA(chap. 31)🌷

56 1 0
                                    

Nasa lobby si Calvin hinihintay ang pag uwi ng mga kaibigan niya, 11:30 na din ng gabi at dinadalaw na siya ng antok pero hindi naman siya mapakali hanggat hindi nakikita ang mga kaibigan. Napatingin siya sa malaking entrance ng hotel na pag aari ng pamilya nila, naririnig niya kasi ang mga tawanan ng mga kaibigan. Imbes na salubungin niya ito ay nanatili siyang nakaupo at hinihintay ang palapit ng mga ito. Tanging pag lukot ng noo ang kumurba sa mukha niya dahil sa nakikita niyang ekspresyon mula sa kaibigan na si Drake. Nakangiti lang ito ngunit kabaliktaran naman iyon ng nakikita niya sa mga mata nito, samantalang tunay naman ang kasiyahang namumutawi sa mga mata ni Brent.

"Calvin?!! " tawag sa kanya ni Brent kumaway pa ito habang naglalakad papalapit sa direksyon niya. Umupo ang dalawa habang bakas ang pagtataka sa mukha ni Calvin, Hindi lang ako nakasama sa kanila tila ba may nagbago agad kay Drake. May nangyari ba sa kanila sa bar na pinuntahan nila?
"Bakit gising ka pa? " namumungay na matang tanong ni Drake. Kita niyang tipsy na iton ngunit hindi naman iyon ganon kahalata kung hindi mo siya matitigan ng malapitan amoy alak na din ito at sa tingin ni Calvin ay Champaign ang alak na ininom ng mga ito. Mabilis kasi malasing si Drake kapag iyon ang iniinom nito. Kahit na umiinom ito ng walang okasyon ay iba talaga ang tama niya Kapag ordenaryong inumin lang.

"hindi ba obvious? Hinihintay ko kayo. Anong oras na ba? " nagkibit balikat naman ang dalawa sabay pang umupo ang mga ito,  buti nalang at hindi ganon kalasing si Brent kaya tiyak niyang ito na ang nagmaneho sa kotsing dala nila.
"Oyy may sasabihin ako sayo!! "medyo malakas ang pagkakasabi ni Brent pero hindi naman iyon nakaabala sa iilang taong naroon sa lobby. Medyo gabi na din kasi kaya kukunti nalang ang naroon.
"We saw Harrold and Terrence at the bar. Tsk that ass kahit pag aari nila yon pumasok pa din kami doon" pag kukwento ni Brent naiiling ito pero hindi matanggal ang ngiti sa labi habang nag kukwento. Agad naman naagaw ang atensyon ni Calvin dahil doon,  he wants to know kung ano ang nangyari.

"really? So anong nangyari?" tila may pagka exciting na turan nito,  ngunit naroon ang kaba na posibleng may nangyari at Hindi lang ordenaryong pag punta sa bar ang ikukwento ni Brent, Kapag lasing na kasi iton kung ano ano ang sinasabi. Kaya para sa kanya pagkakataon iyon para malaman niya ang ginawa ng mga ito.
"Kung nakita mo lang kung anong itsura ni Terrence nung sikmuraan at sinipa siya ni Drake, his reaction is priceless bro, Tapos ito ang mas astig susugod pa sana yong kasama nilang butler but Drake stopped him,  sinabi ba namang 'Ohh Ikaw upo!!! Natakot tuloy" nakangiting kwento ni Brent proud pa itong nagkukwento at ginagaya pa ang boses ni Drake.

"What!!! Drake totoo ba yon!!? " hindi mapigilan ni Calvin ang sarili na mainis dahil sa narinig.
"Pwedi ba wag mo kong tatanungin ng ganyan" tila alam naman ni Drake ang nangyayari dahil maayos naman itong mag salita at seryoso din ito.
"At bakit hindi? Ikaw naman Brent, imbes na awatin mo kinonsente mo pa" Napabusangot naman si Brent parang natauhan naman ito dahil sa panenermon ni Calvin.
"Wala siyang kasalanan" napatayo nalang si Calvin sa sinagot ng kaibigan, napapahilot sa sintido habang naiiling nakatingin kay Brent. He was expecting na pipigilan niya si Drake pero hindi ganon ang nangyari, Sa kanilang apat si Brent ang may mahabang pasensya ito din ang laging pumipigil sa kanila sa tuwing napapaaway ang mga kaibigan pero ngayon Ay iba ang kinahinatnan ng lahat.

"Hindi pa tapos ang problema at nasa mahirap tayong setwasyon sana naman wag ka ng dumagdag pa!!" Bigla nalang tumayo si Drake Akala ni Calvin ay aalis ito ngunit nanatili itong nakatayo habang bakas sa mukha ni Brent ang pag aalala.
"So what are you saying!!!?? Huh??? " Marahas nitong tinabig ang flower vase na bumagsag sa malasalaming sahig ng hotel. Naagaw ang atensyon ng iilang taong naroon ngunit hindi iyon ang pinagtutuunan ng pansin ni Calvin. Hindi niya iyon inaasahan napaatras pa siya ng gawin iyon ni Drake gulat ang ekspresyon nito at hindi makapaniwala, tila nawala naman ang kalasingan ni Brent at tulad ni Calvin hindi niya iyon inaasahan.

THE BILLIONER SPOILED BRATWhere stories live. Discover now