1

1.1K 43 9
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV

"Oh saan ka pupunta?" Gayle.


"Dyan lang." turo ko sa kung saan, kinuha ko ang skateboard ko at nagpaalam dito.


"Ali! Diba maghahanap ka ng university na papasukan?" tanong nito, napatigil ako at napapikit dahil nakalimutan ko na ang tungkol dito.


"Dyan sa MMSU pwede na, bukas naman siguro sila sa mga katulad ko."


"Yung budget mo kumusta?" Gayle.


"Ayos naman, di pa naman nilalangaw. Sige na ang daldal mo pre."


Lumabas na ako bago pa tuluyan na magbukas siya ng bagong topic. Sinakyan ko ang skateboard at dumiretso sa skatepark dito sa Laoag kung saan ay katabi lang ng playground at araw araw kong tambayan.


"Pre! Aga mo ah!" Julius. Isa sa mga tropa ko dito.


"Maagang nagising eh."


"Nagising o ginising?" Brian. Isang malakas na batok ang inabot nito sa akin. "Ang sakit ah! Ilakad mo na kasi sa akin si Gayle, hina mo pre!"


"Tangina nito, ako pa mahina o sino nagpapalakad ha?" inambaan ko ito ngunit umiwas na sa takot. "Tss, torpe ka pa rin."


"Hoy!" Brian.


"Oh ano?"


"D-di ka ba naiinitan dyan boss, tara dito ka." hinawakan nito ang braso ko ngunit isang batok muli ang inabot nito sa akin. "Nagmamagandang loob lang naman eh.." kamot nito sa ulo niya.


"Ano kumusta yung eskwelahan na papasukan mo?" Julius.


"Ayon nga bro, nakalimutan ko na asikasuhin yon. Di ko lang masabi kay Gayle na kulang pa ang budget ko, kaunti lang din yung nakukuha kong pera sa gig."


"Eh kung may pera lang ako-"


"Eh wala kang pera kaya manahimik ka na dyan, magagawan ko ng paraan 'to bro, salamat!" hampas ko sa balikat nito. "Tara, turuan ko na kayo ng bagong tricks."


Nagsimulang mag-skate ang dalawa ng may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na tao. May hawak ito na tali ng aso, at may kausap na isang babae.


"Pre! Ano na!" Brian.


"Sandali! Taeng tae ka?" sigaw ko. Binalewala ko na lamang ang nakita ko at tinuruan na ang dalawa. "Ali! Kailan ka ba magkakaboyfriend?"


"Alam mo tanga ka ba o nag tatanga tangahan?" pambabara ko dito.


"Hindi ako tanga! Alam kong bisexual ka may tsansa na magmahal ka rin ng lalaki!" Brian. "Oh ano? Tameme?"


"Lumapit ka dito sasabihin ko sayo." dahan dahan itong inilapit ang tainga, kaya't piningot ko ito.


"ARAY! ALI!" Brian. "Oo na, sige wag ka na magjowa, kingina nakakailan ka na araw araw sa pananakit sa akin?!"


"Ganyan kita kamahal. Tsk!" kinindatan ko ito sabay turo. "Tara, gutom na ko." aya ko sa dalawa.


Naglakad kami palapit sa plaza malapit sa capitol. Nahagip ko ang isang batang umiiyak.


"Mauna na kayo pre."


"Pero-" Brian. Hindi ko na tinapos na magsalita ito dahil nilapitan ko na agad ang bata.


Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now