2

710 37 20
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading!
---

Ali's POV

Pagdating ko ng bahay ay nagsimula na akong maghanap sa internet na maaaring pasukan kong university dito sa Ilocos Norte. Mariano Marcos State University is not bad naman, kaso ay sa Batac ito pero ayos lang hindi naman kalayuan sa Laoag.


"Alam mo bang tumatakbong Congressman ng 1st district si Sandro Marcos, magbabahagi ata sila ng ayuda dito bukas." Gayle. "Pumunta tayo, sayang naman yung ayuda! Malapit na rin ang botohan!"


Bakit ba lahat ng tao ngayon ay gusto ng ayuda. Nawala sa isip ko na sa weekend na ang botohan. Wala rin naman kasi akong hilig sa mga politika, pero hindi naman ibig sabihin non ay patapon na rin ang iboboto ko. Marunong din naman ako kumilatis ng kandidato.


"Ikaw na lang, may pupuntahan ako bukas eh." sagot ko dito.


"At saan naman?"


"Dito." turo ko sa screen ng laptop.


"MMSU? Seryoso? Dyan ka na mag-aaral?" animo'y hindi naniniwalang tanong nito.


"Oo? Tsaka mag-iipon pa ako ng kaunti para naman hindi ako magmukhang patapon na estudyante don."


"Anong patapon? Matalino ka hindi mo lang ginagamit." Gayle. "Oh siya, mamamalengke muna ako. Baka may gusto kang ipabili?"


"Wala naman." akma na itong lalabas. "Dude, kilala mo si Brian di ba? Gusto ka daw niya."


"Huh?"


"Wala, sige mamalengke ka na." pagtataboy ko dito.


Taena kasi, hindi ako sanay sa ganito na ako nagiging daan sa love story ng iba. Baka makasira pa ako, hindi pa naman ako yung showy sa nararamdaman ko.


Pinagmasdan ko ang oras, mag a-alas tres na ng hapon at may gig pa ako sa malapit na resto bar dito lang din sa Laoag, 5:00 pm to 11:00 pm ang duty ko. Ako na nga ata ang tagasara ng resto bar na iyon.


Nagbihis ako at simpleng oversized white shirt, black jagger pants at puting sapatos, pinusod ko lang din ang mahaba kong buhok. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, at kinindatan ang sarili.


Isinukbit ko sa likod ko ang gitara at naglakad na palabas. Tumawag ako ng tricycle para sakyan ito papunta sa pinagtatrabahuhan ko.


"Apo bayad po." abot ko sa matandang driver.


Diretso akong pumasok at kakaunti pa lang ang customer na andito.


"Ali, himala di ka late ngayon?" Boss Timmy. Siya ang may-ari nito at nagpapasweldo sa akin, malaki na rin ang naitulong niya sa mga gastusin ko sa buhay kung tutuusin ay patong patong na utang na ata ang meron ako sa kanya.


"Wala ho akong magawa sa bahay ngayon, kaya inagahan ko na ang pasok. Pwede rin ako magsimula ng maaga kung walang kakanta." sambit ko.


"Hulog ka talaga ng langit! Sakto hindi daw makakapunta ngayon yung mauuna sayo, ikaw na muna ang pumalit dodoblehin ko na lang ang bayad." Boss Timmy.


Tinanguan ko ito at umakyat na sa maliit na stage, inayos ko ang gitara ko at kinapa kapa ito, tutal ay wala pa naman masyadong customer ay hindi ko na muna itinuloy ang pagkanta, ang goal ay at least 5 tables sana ay may tao. Maaga pa naman kaya't hindi pa nagdadatingan ang iba.


Maya maya ay may nag-abot ng isang pirasong papel sa akin. Nakasulat dito ang paunang request nila, Panalangin by Apo Hiking Society. Tinanguan ko ito at sinimulang tugtugin.


Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now